103 Chapter 103

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Inangat ng master na nakagintong roba ang kurtina at umupo sa malaking higaan. Sumandal siya at tinignan ang babae na nakaluhod pa rin sa sahig. "Hindi ka pa rin lalapit?" kalmado niyang tanong.

Sumunod ang babae at lumapit sa lalaki, ulo ay nakatungo at nakaluhod. Iniunat niya ang makinis niyang kamay at inilagay ang isang binti ng lalaki sa isang pangsuporta na patungan tapos ay mahinay na tinanggal ang kanyang bota.

Bigla, may thud na sinipa ng master ang balikat ng babae. Kahit na hindi siya gumamit ng malakas na pwersa, nagawa niyang ilayo ang kamay nito. Natigilan ang babae na nanginginig. Lumuhod siya sa sahig at hindi nangangahas na tumingin sa lalaki.

Nakaupo lang ang master habang nakasimangot na nakatingin sa babae. Ang kanyang ekspresyon ay taimtim at mukhang mayroong bahid ng galit, bahid ng pagkabigo, at mas higit na pahiwatig ng kaginhawaan. Hindi na kailangang tignan pa. Dahan-dahan na inangat ng lalaki ang kanyang ulo at tumingin sa kisame.

Masyado siyang nag-alala. Kung siya ito, paano siya madaling nahuli ng iba? Kahit na sugatan siya ay tatakas siya. Paano niya magagawang pagsilbihan ang iba na may ganitong respeto?

Para naman sa babaeng assassin kanina, ang huling tunog na iyon, at maliksing kalaban na iyon... sa pagkakataong ito, 80 porsyento siyang sigurado sa pagkakakilanlan ng taong iyon!

Nang maisip ito, naniphayo siya. Ginawa ba siyang tanga ng ulan? Kahit na, hindi niya inutusan ang kanyang magagaling na tauhan at ang gwardya ng residensya na hulihin ang mamamatay-tao. Sa isang saglit, hindi niya naintindihan ang kanyang totoong intensyon. Takot ba siyang umimbita pa ng maraming gulo? Dahil ba 20 porsyento pa siyang hindi sigurado? O dahil ba hindi niya nais na mahuli siya ng iba?

Hindi na siya nag-isip pa. Tumayo siya at malalaki ang hakbang na tumungo sa liguan sa likod ng tabing, hinubaran ang sarili at tinapon ang kanyang roba sa sahig. Nakasuot siya ng puting roba sa loob, ang kanyang buhok ay nakaladlad sa likuran niya. Ang kanyang mukha ay maputi, ang labi ay mapula, at nagbibigay siya ng kaakit-akit na itsura, naglalabas ng gwapong awra.

Isa lang naman itong babae!

Gusto ko lang makuha ang pag-aari ko, ito ang naisip niya.

Sa ilalim ng kumukutitap na liwanag ay tinanggal ng master ang kanyang panloob na roba na nagpakita ng kanyang matipunong balikat. Naglakad siya tungo sa isa pang silid sa likod ng tabing at binuksan ang pinto. Lumabas ang singaw mula sa isa pang silid at ginawang mas matalik ang kapaligiran.

Nakatungo ang ulo ni Chu Qiao at hindi nangangahas na tignan ang lalaki sa mata Oo, ang babae sa pulang roba ay si Chu Qiao. Ang mga gwardya ng residensya ay nagpunta sa labas ng silid. Alam ni Chu Qiao na hindi siya makakalabas ng buhay sa silid kahit na mayroon pa siyang AK607 submachine gun.

Dahil sa desperasyon, pagpapanggap nalang bilang babaeng nasa silid kanina ang nagawa niya sa pagsuot ng kasuotan nito. Nagwagi siya sa pakikipag-sapalaran niya at nagawang linlangin si Tian Chengshou. Isa pa, ang magaling na lalaki sa harap niya ay makikitaan na walang interes sa kanya.

Ngumiti si Chu Qiao at natuwa sa sarili. Umasa siya na ang lalaki na paulit-ulit na sinira ang mga plano niya ay hindi habol ang kalaswaan. Umasa siya na palalabasin siya ng lalaki sa silid pagkatapos mapagalitan para makalabas siya ng maayos.

"Lumapit ka." Tumama ang trahedya. Nang tumatawa sa sarili si Chu Qiao, isang mababang boses ang umalingawngaw mula sa kabilang silid. "Tulungan mo akong kuskusin ang likod ko."

Naging magusot ang ekspresyon ni Chu Qiao. Nakasimangot niyang kinonsidera kung pupuslit siya sa silid at tapusin siya sa isang mabilis na saksak. Subalit, pagkatapos ng sumunod na sinabi ng lalaki ay kumalma siya.

"Pwede ka nang umalis pagkatapos noon."

Mas kaunting problema, mas maayos. Masayang tumayo si Chu Qiao at naglakad tungo sa silid na may kaamuan at tikas ng isang alipin.

Nang binuksan niya ang pinto ng silid-pasingawan, isang bugso ng mainit na hangin ang sumalubong sa kanya. Kahit saan ang singaw dahilan para mahirapan siyang imulat ang mata at huminga. Napasimangot si Chu Qiao. Nang papasok na siya sa silid, nagsalita ang lalaki sa mababang boses, "Tanggalin mo ang sapatos mo."

Nakaramdam ng mainit si Chu Qiao sa talampakan niya. Ang kanyang sapatos ay nabasa na. Mabilis niyang inatras ang paa niya at tinanggal ang sapatos tapos ay pumasok sa silid na nakayapak.

Malaki ang silid-pasingawan—mas malaki sa silid tulugan sa labas. Mula sa labas, walang makakaisip na may ganito kalaking silid na nakatago sa likod ng tabing. Sa gitna ng silid-pasingawan mayroong hot spring na maikukumpara sa swimming pool. Ang tatlong dingding sa paligid ng bukal ay nagigilidan ng apat na istatwa ng magagandang babae na inukit mula sa puting jade. Kalahating nakahubad sila at nasa nang-aakit na posisyon. Tumutulo ang mainit na tubig sa likod ng labing-dalawang istatwa patungo sa liguan, sinusundan ang dalloy ng tubig tungo sa lahat ng gilid ng silid, at sa wakas ay palabas sa silid-pasingawan tungo sa kanal.

Napredikta ni Chu Qiao na kung mano-mano pinainit ang tubig, mahirap mapanatili ang prosesong ito. Isa pa, mataas ang temperatura ng tubig. Sa kasalukuyang teknolohiya ng panahon na ito, dapat ay lumamig na ang tubig bago pumasok sa silid. Saan nanggagaling ang lahat ng usok na ito? Makikita na ang residensya ay binuo sa ibabaw ng hot spring sa ilalim ng lupa. Kung ito ay natural na hot spring o gawa ng tao ay hindi alam.

Ilang ilaw ang nakalagay sa apat na gilid ng silid na nagpadagdag sa matalik na pakiramdam. May makikitang mga ukit sa dingding ng silid. Na malapitang inspeksyon, napagtanto ni Chu Qiao na ang nakaukit ay isang nakaka-akit na demonyita. Ang maselang bahagi nito ay maparaan na natatakpan ng kanyang pag posisyon.

Namula ang mukha ni Chu Qiao, siguro dahil sa mataas na temperatura sa silid o sa ibang rason. Itinungo niya ang kanyang ulo at hindi na nagtangka pang tumingin ulit. Mayroong platform na mataas sa itaas na parte ng liguan. Sa ilalim ng platform, maliwanag na nag-liliyab ang apoy ay pinaiinit mismo ang platform. Isang banig na gawa sa balat ng oso ang nakalapag sa platform. Ilang prutas, alak, at karne ang nakalagay sa tabi ng banig. Isang beses itong tinignan ni Chu Qiao at napagtanto kung para saan ang ayos na iyon. Sa apoy na ito, ang banig ay hindi mababasa kahit na mahalumigmig ang silid. Sa paraang ito, mas madali para sa lalaki na gawin ang kanilang sekswal na kapilyuhan sa mga babaeng alipin pagkatapos nilang maligo.

"Patay ka na ba?" isang mababang boses ang narinig ni Chu Qiao.

Malamig na napairap si Chu Qiao. Kuskusin ang likod mo? Kukuskusin ko hanggang matanggal ang balat mo! Pagkatapos, malalaki ang hakbang niyang pumasok sa silid. Nang malapit na siya sa paliguan, mas kumapal pa ang usok. Ang nakikita niya ay nabasawan sa puntong hindi na niya makita ang kanyang mga daliri sa harap niya.

Lumapit si Chu Qiao gamit ang paa pangkapa sa dinadaanan niya. Mayroong hamog kahit saan dahilan para mawala ang oryentasyon niya. Hindi siya sigurado kung nakalapit na siya sa gilid ng liguan. May splash na nawala ang balanse niya at nadulas sa paliguan. Maari niyang mapirmi ang sarili sa kakayahan niya ngunit dahil sa magaling ang kalaban na kasama niya, wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ay bumagsak sa tubig.

Sa puntong ito, isang mahabang braso ang humawak sa bewang ni Chu Qiao. May kaunting pwersa at dalawang tulak, nagawa niyang paluhudin si Chu Qiao sa gilid ng liguan.

"Ang sinabi ko lang ay kuskusin mo ang likod ko. Huwag kang mausisa." Umalingawngaw ang mababang boses sa mausok na silid. May kaunting dala na kawalang-interes at paghamak ang tono ng boses. Makikita na alam niya na mapagkunwari ang aksyon ni Chu Qiao.

Huminga ng malalim si Chu Qiao at pinipigilan ang galit sa loob niya. Lumuhod siya sa gilid ng liguan at tumingin sa paligid ngunit hindi niya makita ang tuwalya na gagamitin pangkuskos sa likod ng lalaki. Tumulo ang pawis pababa ng noo niya dahilan para mapasimangot siya.

Sa tunog ng tubig, naramdaman ni Chu Qiao na tumalikod ang lalaki para tumingin sa kanya kahit na hindi niya ito makita. Sa ilalim ng usok, nararamdaman niya ang matalas at naiinip na tingin nito.

Kinausap niya ito sa katapusan ng laban nila. Para maitago ang kanyang pagkakakilanlan ay binago niya ang boses niya. May mahinay at matalas na tono niyang sinabi, "Master, gusto niyo bang masahiin ko muna kayo?"

Iyong lalaki sa harap ay nanatiling tahimik at tumalikod, ibig sabihin ay pumayag ito.

Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang manggas at iniunat ang makinis niyang kamay para bigyan siya ng masahe. Bilang kilalang agent, kinailangan niyang perpektong magawa ang iba't-ibang pagkakakilanlan sa iba't-ibang lugar. Lalo na para sa mga babaeng agents, kung saan ay kailangan nilang gumawa ng sekswal na sakripisyo minsan para magawa ang misyon nila. Para naman sa kaalaman niya sa pagmamasahe, propesyunal siyang nasanay sa makabagong panahon pa. Nandito pa rin iyon kahit na hindi niya na ito nagamit ng maraming taon. Mabilis na nakuha ni Chu Qiao ang pagkagusto ng lalaki sa kanyang propesyunal na paraan ng pagmamasahe. Alam ni Chu Qiao na kumalma na ang lalaki nang nag-umpisa ng umalwan ang mga kalamnan nito.

Kahit na hindi niya nakikita ang mukha nito, inaamin niya na maganda ang pigura ng lalaki. Hindi lang maganda kundi ay hindi kapani-paniwalang maganda. Matipuno siya ngunit hindi katulad ng simbolo ng martial arts. Ang mga linya niya ay malinaw, hindi malaki o maliit. Ipinakikita nito na siya ay sibilisado ngunit maskulado.

Sumalok ng mainit na tubig sa gilid si Chu Qiao at hinugasan ang likod ng lalaki. Tumulo ito pababa sa likod ng lalaki at pabalik sa paliguan. Kumurot ang mga daliri niya sa likod ng lalaki na may sapat na lakas. Nalaman niya kung saan ang tamang acupoints na nagpapakita ng kanyang pagkapropesyunal. Huminga ng malalim ang lalaki at inarko ang kanyang likod, halos balak niya atang sumandal sa hita ni Chu Qiao at makatulog.

Napasimangot si Chu Qiao at walang magawa. Sa kaloob-looban niya, alam niya na magaling ang lalaki. Kahit lumaban siya hanggang huli, hindi noon magagarantiya na makakatakas siya. kahit na magawa niya itong patayin, mahihirapan siyang tumakas dahil sa mga gwardya na nasa labas ng silid. Mabagal niyang minamasahe ang balikat ng lalaki habang pinipigilan ang galit niya. Pagkatapos ng ilang sandali ay basang-basa na siya ng pawis. Mas pagod siya kumpara sa isang ikot ng pakikipaglaban.

Plop! Isang patak ng pawis ang tumulo mula sa kanyang noo papunta sa ilong ng lalaki. Hindi nagulat ang lalaki at simpleng sinabi, "Tanggalin mo ang damit mo."

"Ah?" natigilan si Chu Qiao ngunit agad din na umalis sa pagkatulala niya. Pinapanatag niya ang kanyang emosyon nang siya ay madaling sumagot, "Master, anong balak mong gawin?"

"Halos mamatay ka na siguro sa kakaisip kung anong gagawin ko sayo," may tawa na saad ng master, ang kanyang boses ay may kaunting pangungutya. "Kaya lang hindi ako interesado ngayon doon. Hindi pa ako nakakakita na nanatiling nakadamit sa loob ng silid-pasingawan. Pinapaalalahanan lang kita sa kabutihan ng loob ko, kung hindi ay baka mamatay ka sa init."

"Salamat sa mabait mong pahayag, Master. Hindi ako naiinitan."

Kahit na alam ng lalaki na nagsisinungaling siya, nang maisip ang sinabi ni Tian Chengshou, hindi na nangialam pa ang lalaki. Nanatili siyang tahimik. Pagkatapos ng lahat, isa siyang birhen. Kahit na may ilan siyang binabalak, hindi siya ganoon kakapal ang balat.

Ang ekspresyon ni Chu Qiao ay masungit. Makapal ang usok kaya hindi na niya kailangan pang magkunwari. Dominante ang lalaki. Nang maisip kung paano hinawakan ng lalaki ang kanyang likod sa bubong ng palko, malamig siyang ngumiti. Taas-kilay siyang nakaisip ng plano. Dinaanan ng daliri ni Chu Qiao ang balangkas ng balikat ng lalaki at papaba pa ito. May intensyon na tuksuhin ang lalaki, magaan niyang pabilog na idinadaan ang kanyang mga daliri sa balikat, leeg, at dibdib ng lalaki.

avataravatar
Next chapter