1 Prologue

Gamit ang isang lagari, walang habas na pinagsampal ito ng isang lalake sa mukha ng isang dalagang naka dikit sa pader. May mga naka saksak na mga  kutilyo sa kung saang saang parte ng katawan ng babae kung kaya't kahit anong paghambalos sakanya ng mama ay hindi siya tumutumba.

Mayroon sa naka ngangang bunganga niya na paniguradong ibinaon talaga iyon ng sagad, mayroon rin sa mga palad niya na animo'y ipinako siya sa krus, sa kaliwang mata niya, sa tagiliran at kahit saan.  Nagmukha na nga siyang manika ng isang mangkukulam dahil sa pinaggagawa ng baliw na lalakeng iyon sakanya.

Wala ka nang makukuhang mga palahaw o pagmamakaawa mula dalaga sapagkat kanina pa ito naputulan ng hininga. Wala na siyang buhay ngunit patuloy pa rin ang pambababoy sakanya ng lalakeng naka suot ng rosaryong ginawa niyang porselas saka nga kasalukuyang may hawak ng lagari. At malas lang ng kawawang babae dahil nag-uumpisa pa lang ang ginoo.

Patuloy niya lang na pinag sasampal ang kawawang babae gamit ang lagari na animo'y isa itong laruan. Ngisi lang ang tangi mong makikita sa kaniyang mukha na talagang aliw na aliw nga sa kanyang ginagawa.

"Humarap ka sa camera dali!" biglang sambit ng isa pang lalake na siyang kumukuha ng  video sa karumaldumal na pangyayari. Napangiwi naman ang dalagang si Laura, isa sa mga manonood dahil sa wangis ng lalake pagkaharap nito sa kamera.

Naka suot ito ng maskara, maskara ng isang kuneho. Duguang kuneho. Nakakatawang nga't ang mga boses nila mga parang mga naka higop ng isang kemikal kung kaya't lumiit ito ng ganoon.  Maging ang dalagang kanilang pinaslang nga rin ay nagtitili at nagmamakaawa kanina sa boses daga.

Mukhang may ginamit silang kung ano kung kaya't naging ganoon ang kinalabasan ng video. Naisip ng dalagang si Laura. Ngunit mga ilang sandali pa ay nabalik naman ang atensyon niya sa video dahil sa susnod na ginawa ng lalake.

Nag-umpisa na nitong lagariin ang leeg ng kawawang dalaga dahilan maging ang mga manonood ay mapamura nalang talaga at napapaiwas ng tingin. May iba pa ngang nasuka dahil sa pagbulwak ng dugo mula sa leeg ng babae habang patuloy parin itong nilalagari.

Maririnig mo ang paghagalpak sa pagtawa ng isa pang lalake na siyang kumukuha ng video dahil sa ginawa ng kasama. Animo'y isang direktor ns tuwang tuwa dahil sa ipinakitang pagganap ng kanyang artista.

Mga hunghang. Naisip ni Laura at napairap nalang.

Nagpatuloy ang video sa marahas na paghila ng lalake sa buhok ng dalaga, hindi pa tuluyang napuputol ang ulo nito at may iilang mga laman pang kumakapit sa isa't isa kung kaya't siya na mismo ang pumutol nito.

Nang sawakas ay mapugutan na ng ulo ang dalaga, agad nang ipinagduldulan sa harap ng kamera ang pugot na ulo nito, tinanggal ang mha kutsilyong naka tusok dito at nagsimulang ipagbalibag ng paulit ulit sa sahig.

Paulit ulit hanggang sa mayupi na ang pugot niyang ulo, bumulwak ang napaka raming dugo at lumabas ang utak ang ilang mga laman mula sa ulo niya.

"Tama na, hindi ko na kaya." namumutlang saad ng isang pulis sabay agaw ng cellphone mula sa kamay ng Henral saka ito pinatay. Pagkadiri at kilabot ang tanging namutawi sa buong silid dahil sa footage na ipinadala nanaman ng Hellion Preachers.

Isang notorious serial killing duo na naghahasik ng lagim sa Yawaka City. Kapwa naka suot ng damit pang pari at mga maskarang kuneho ang dalawa. Kulay puti ang maskarang suot nang lalakeng nasa harapan ng kamera kanina, kaya't paniguradong ang kumukuha ng video ay ang lalakeng naka suot ng itim na maskara.

Halos walang araw na wala kang makikitang bagong bangkay na nagkalat sa bayan ng Yawaka. At katabi ng gutay gutay na bangkay na matatagpuan mo ay ang isang cellphone na naglalaman ng video kung paano ito brutal na pinaslang.

Nakakatawang nagdadamit pari ang dalawang lalake ng Hellion Preachers, may roong mga rebulto ni Jesus at ng iba pang nga santo, may bibliya at naka baliktad na krus, iyon ang lugar kung saan sila pumapaslang ng mga kawawang tao na magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin malaman laman ng mga pulis kung nasaan.

Madulas sa kamay ng mga pulis ang dalawang baliw na lalakeng iyon at pinatawan na ng malaking patong sa ulo ang dalawa na siya pang nangunguna sa most wanted list ng kapulisan.

"Kaya ikaw talaga Laura mag-ingat ka! Hindi ligtas ang bayan natin." singhal ng Heneral sa anak na babaeng nakisama sa panonood ng mga pulis sa nakuhang cellphone saka footage.

"Wag kang basta basta sasama sa kung kani-kanino, lalo na kapag dalawang lalake! Malay mo yung mga anak ng dyablong mga pari na pala 'yun? Wala silang mukha sa'tin anak at marami na ang namatay. Sana maintindihan mo kung bakit ako naghihigpit." patuloy na saad ng ama na tinango-tanguan lang ng dalaga.

"Pagkatapos ng school, uuwi sa bahay at hindi na gagala. Hindi na makikipag-usap sa mga hindi kakilala, maging sa mga kakilala at mabubuhay nalang sa takot magpa sawalang hanggan. Okay pa, I get it." sarkastikong saad ng dalagang si Laura dahilan para mapasinghal nalang ang kanyang ama at samaan siya ng tingin.

Kapansin pansin naman si PO1 Kororo na halos higupin na ang sariling labi para lang mapigilan ang sarili sa pagtawa. Ayaw na niyang makuha pa ang atensyon ng Heneral at ng iba pang kasamahan dahil sapat na yung nasuka siya kanina at inagaw ang phone mula sa Heneral para lang mapatay ang video. Tama na raw ang mga kahihiyang natamo niya sa araw na ito.

"Biro lang pa." bigla namang bawi ng dalagang si Laura saka humagalpak sa kakatawa. Agad nang kinuha ni Laura ang mga libro sa mesa saka muling hinarap ang kanyang ama.

"Wag kang mag-alala sa'kin pa magiging okay ako. Mababantayan ko ang mga kapatid ko at walang masamang mangyayari sa'min. Hindi mo ako kailangang alalahanin." nakangiti nitong saad bago naglakad patungo sa pintuan.

"Sige pa, uwi na ako sa bahay, magluluto pa ako ng paborito niyong ulam!" buong ngiti pa nitong saad at kumaway pa bago tuluyang nilisan ang opisina ng mga pulis.

Napailing iling nalang siya at isang mala demonyong ngisi ang pomorma sa mga labi nang maka-layo layo na.

"Mag-ingat sa mga lalakeng 'yun? Ha ha ha ha, pasensya na papa pero jowa ko ang isa sa mga 'yun."

avataravatar