webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · Teen
Not enough ratings
94 Chs

Chapter 58: What’s wrong with Thew?

Pinuntahan ni Kenny si Thew sa likod ng school kung saan ito madalas tumatambay...

"I knew it! Andito ka..." Bungad ni Kenny sa nakaupong si Thew.

Nakaupo sa may pader si Thew at dahil ang likod ng school nila ay may pader na di kataasan doon umakyat ito para maupo at nag mumuni muni habang nakatingin lang sa mga talahib o mga nag tataasang damo dahil may pulo sa likuran ng kanilang school.

"Kenny? Anong ginagawa mo dito?"

"I just know that you're here at bakit andito ka pa? May klase na bumaba ka na diyan."

"Huh! May klase na pero andito ka?"

"Oo andito ako para sunduin ka! Halika na!"

"Hahahaha... who do you think you are? Nanay ba kita para sumunod ako?"

"Wag mong stressin ang sarili dahil lang na scam kayo."

"Ayos ah kababalik mo palang pero may alam ka na agad ibang klase talaga ang isang Kenny."

"Tumigil ka na! Hindi ako nag punta dito para makipag away sayo."

Bumaba na si Thew at bahagyang lumapit kay Kenny na ang sama ng tingin.

"Don't act like we're friends."

"Sandali lang!"

Napatigil si Thew pero hindi siya lumingon.

"Alam ko hindi tayo gaya ng dati pero gusto ko lang sabihin sayo na tutulungan kita kahit ayaw mo."

Thew smirked and continued to walk away...

"Wag mong pilitin ang taong naiwas sayo."

"Senior... Manix."

Si Manix nga ang biglang sumulpot...

"Sorry pero narinig ko ang usapan nyong dalawa ni Thew."

"Ah... yun ba maliit na alitan lang yon ng mag kaibigan."

"Maaari ko bang itanong kung bakit parang hindi kayo ayos ni Thew? Pero okay lang naman sakin kung ayaw mo. I understand..."

"Actually we used to be best of friends since were kids lumaki kaming parehas na sanggang dikit parehas rin kami ng gusto gang sa isang araw hindi ko napapansin na lumalayo na pala kami sa isa't isa."

"Dahil ba sa isang babae?"

"Parang ganun na rin pero hinde..."

Habang nag kukwentuhan yung dalawa nag lakad-lakad na silang dalawa gang sa makarating si Kenny sa classroom nila.

"Ayos lang yon di ba late ka na?"

"Oo Senior medyo pero ayos lang yon ako ng bahala. Salamat sa pakikinig."

"Wala yon pero sana maging okay na kayo ni Thew."

"Baka matatagalan pa yon masyadong ma pride ang isang yon eh."

"Mukha nga siya sige pumasok ka na."

"Sige Senior see you around."

Pag pasok naman ni Kenny nag sorry agad siya sa teacher nilang si Mrs. Remulla ang history teacher nila at hindi naman sya pinagalitan nito at pinaupo nalang sya nito. At pag ka upo naman nito tinanong agad sya ni Uno.

"Wag ka na ngang maraming tanong diyan anong page?"

"78 pero san ka nga galing kasi? Tsaka bakit kasama mo ata si Senior Manix?"

"Wala ka na don!"

"Para naman tung others eh."

"Ma'am pwede po bang lumipat? Ang ingay po kasi ni Uno."

"Ha? Hi— Hinde po Ma'am."

"Dito ka sa unahan Uno!"

"Po? Pero Ma'am."

"Isa! Wag mo ng patatluhin ako mismo ang lalapit diyan."

Tumayo naman agad si Uno at dinala ang gamit nya pero may sinabi muna sya kay Kenny na pabulong "mamaya ka sakin pre."

"Ma'am may sinasabi pa si Uno."

"Uno!!!"

"O— Opo Ma'am andiyan na po."

"Quinley mag palit muna kayo ni Uno."

"Opo Ma'am."

"."

Matapos ang dalawang subject mag re-recess na muna sila Kelly...

"Hmm? Pero recess naman mamaya ka na mag sulat." Sambit ni Gaile.

"Oo nga mamaya ka na mag sulat kumain na muna tayo." Opinyon naman ni Dana.

"Pero kasi kailangan ko na itong taposin may long test tayo next week baka wala ako maisagot dahil wala akong mare-review."

"Don't worry tutulungan ka namin ni Gaile, right girl?"

"Um. Kung gusto mo uwi mo muna notes namin para di ka mag madali."

"Oo nga ayos lang din sakin wala naman tayong assignment dun."

"Salamat sa inyo pero gusto ko na rin kasi matapos muna ang mga ito para mag babasa nalang ako pag uwi sa bahay. Tsaka di pa naman ako nagugutom."

"Sige na girls ako ng bahala dito." Bungad ni Kenny na may dalang pagkain para kay Kelly.

"Oh... nag recess ka na? Nasan si Uno?" Tanong ni Gaile.

"Nandun pa iniwan ko at sabihin ko daw sayo yung promise mo na ililibre mo sya tignan mo ang dami ng inorder walang bayad pa."

"Ano?! Bwiset na yon! Dana halika na." Hinawakan nya ang kamay ni Dana at umalis na sila.

"Wa— Wait lang paano si Barbie?" Pahabol pang sambit ni Dana.

Naupo naman sa tabi ni Barbie si Kenny.

"Oh, mag turon di ba gusto mo yan? Kumain ka na...."

"Ayoko di pa ako na gugutom."

Nag patuloy sa pag susulat si Barbie at dinededma si Kenny.

"Pag di ka kumain sasabihin ko kay Dad na ayaw mo ng binili nya."

Napahinto naman si Barbie sa ginagawa nya "ano? Si tito ang bumili nan para sakin?"

"Sa tingin mo ba ako? At bakit ko naman gagawin yon? Sino ka ba? Presidente ka ba? Artista? Tsss! Feeling!"

Barbie smirked at hinawakan yung plastic na may lamang turon.

"Epal ka!"

Kenny secretly smiled and he thought "kung di pa lolokohin di pa kakain."

"Anong tinitingin tingin mo diyan?!"

"Bakit masama bang tignan ang inaanak ng daddy?"

"Heh! Sapakin ko kaya ang anak ng ninong ko?!"

"Tsss! Kahit kailan napaka sadista mo!"

"Paki mo!"

Kinuha naman ni Kenny yung isang turon at kinain nya "hoy!!! Akin yan!!!"

"Oh, so di pala la way conscious ang isang Barbie." Ininis nya pa si Barbie while licking his turon.

"Yuck!!! Baboy! Dun ka!!!!"

"Maarte kang kupal ka! Parang di tayo nag..."

Di naituloy ni Kenny yung sinasabi nya dahil nahiya syang bigla.

"Anong di tayo? Pinagsasabi mo na naman!"

Nag blushed namang bigla si Kenny dahil nga naalala nya yung nakaraan na aksidente nyang na kiss si Barbie "wa— wala! Ang OA mo lang talaga."

"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga!"

Tumayo si Kenny at nag tungo sa harapan doon sa may board.

"Wala namang tao kaya ako na muna ang magiging teacher mo. Like what I promised to you when we're in Quezon Province I will help you kaya makinig ka."

"Huh! Talaga ba?"

"Oh at bakit ka naman ganyan? Ayaw morning bang tulungan kita? Aba baka di mo alam honor student ako."

"I know! Pero hindi ka magaling sa math."

"A— Ano?!"

"Baka di mo alam sinabi sakin ni tito Na di ka magaling sa math at nabanggit rin sakin ni Gaile na yun ang ayaw mong subject. Sorry for you pero I love math. Tsss!"

"Edi wow! Bahala ka!"

Paalis na sana si Kenny pero na huminto sya.

"Hindi mo ba talaga ako pipigilan?"

Hindi sya pinansin ni Barbie.

"Hoy! Barbie!"

"Kahit mag sisigaw ka pa diyan wala akong pakialam."

"Aba't!!!" Naupo syang muli sa tabi ni Barbie.

"Ano ba? Umalis ka na!"

"At bakit? Student ako sa AGA at ito ang classroom kung saan ako natalaga and anak ako ng principal kaya wala ka ring pakialam!"

"Tsss! Childish!" Itinalikod nya yung upuan nya at nag patuloy sa pag susulat.

"TSK!"

Ang hindi alam nung dalawa nakamasid sa labasan si Thew.

"Why don't you see them closely?"

Pag lingon ni Thew "Ellaine?"

"Aha, are you disappointed seeing me here?"

"Pinagsasabi mo." At iniwan nya si Ellaine pero hinarangan sya nito. "What the?! Umalis ka diyan!"

"You know something right?"

"Tumabi ka diyan!"

"Fine! Pero I know na may gusto ka kay Barbie at alam ko ring anak sya ng Director."

"What? Tumigil ka diyan!"

"I knew it, you know something. So hindi talaga mag pinsan sila Kenny at Barbie am I right?"

"Anong pinagsasabi mo? Saan mo narinig ang bagay na yan?"

"I heard it from my own ears."

"Stop it Ellaine as if you know them a lot!"

"Huh! Really? Alam naman nating simula pa lang crush ko na si Kenny so do you think I didn't know him a lot? Knowing me?"

"Nga naman isa ka nga palang patay na patay sa mokong na yon."

"Whatever! So tell me hindi talaga mag cousin yung dalawa right? I know you know something."

"Bakit sa tingin mo ba kung may alam ako sasabihin ko sayo? Kahit mag lupasay ka pa diyan wala akong pakialam!" The. He walked out.

"Fine! Coward!"

Bigla namang nag panting ang tenga ni Thew at binalikan si Ellaine at kinuwelyuhan.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo!"

"What? Sasaktan mo ko? Then do it! But parents has a power to shut you down. Baka nakakalimutan mo wala ng ibubuga ang pamilya mo!"

Binitawan ni Thew si Ellain ng pabagsak.

"This is enough Ellaine

! Wala akong pakialam kung ano ang nalalaman mo!"

At tuluyan na ngang umalis si Thew at naiwang nakasalamak sa sahib si Ellaine gang sa dumating ang mga alipores nitong si Hannah at Sheilla.

"What are you doing ba here?" Sambit ni Hannah habang pinapagpag ang likuran ni Ellain at ganoon rin naman itong si Sheilla.

"Kanina ka pa namin hinahanap you disappear naman kasi bigla." Opinyon naman ni Sheilla.

"AHHHH!!!" Reaction ni Ellain at nag tatakbong bigla.

"Hey!!! Where are you going? Ellaine!" Pahabol na sambit nung dalawa at sumunod kay Ellaine.

Nakita naman ni Niro si Thew Na nag lalakad kaya nilapitan niya ito pero hindi sya pinansin nito at nag patuloy lang sa pag lalakad.

"Hmmm? Anyare dun?"

"."

Kinagabihan,

Maagang nag punta si Barbie sa room nya kaya naman si Kenny ang nag imis ng pinagkanan nila nitong dinner.

"Mag kaaway na naman ba kayo ni Barbie?" Tanong ni Bruce kay Kenny Na nag iimis ng pinagkainan nila.

"Dad, parang di pa kayo sanay parati namang galit sakin yon."

"Sinasabi ko sayo umayos ka Kenny."

"Pero dad! Gusto ko lang naman syang tulungan sa klase sya itong laging galit sakin."

"Baka naman kasi ginagalit mo!"

"Wala po akong ginagawang masama sya itong parati nalang kala mo pinaglihi sa sama ng loob mas gusto nya pang mag patulong sa iba kesa sakin."

"Tsk! Umiiral na naman yang pag ka pilosopo mo kasi tandaan mo para mo ng kapatid si Barbie kaya intindihin mo!"

"Dad, ako na nga po ang umiintindi sya naman itong pasaway bahala sya."

Bruce sighed "tell me, do you have a feelings for her?"

"Po? Da— Daddy naman."

"Don't hide it son. I'm your dad and alam ko kapag nag sasabi ka ng totoo o ng kasinungalingan. Tsaka ning nakulong kayo dun sa room sa AGA remember di ka..."

"Dad, enough tama na po kahit umamin ako ng feelings ko kay Barbie di naman nya ko tatanggapin isa pa ang sabi nyo di pa pwede mag love life si Barbie hangga't di pa sya na graduate ng college."

"I know and I know na genuine ang feelings mo sa kaniya kaya kung gusto mo talaga sya mag sumikap ka di yung puro ka sumbat. Tsaka si Thew May feelings rin sya kay Barbie right?"

"Dad, kapitan ba kayo o isa na rin kayo sa mga "Marites" dito sa Barangay?"

"Heh! Ang akin lang mag kaibigan kayo ni Thew at wag sanang masira iyon ng dahil lang sa isang babae."

"Matagal ng sira ang friendship namin di nyo lang alam." Pabulong na sambit ni Kenny.

"Ano?"

"Wala po. Sige na mag pahinga na kayo mag liligpit na muna po ako."

"Sya sige na wag kalimutang usata ang dapat isara mabuti na yung secured ang lahat bago matulog."

"Opo Dad ako ng bahala sa mga pintuan at bintana."

"Sya sige goodnight na."

"Opo sa inyo rin. Inumin nyo muna ang gamot nyo bago matulog."

"Oo."

At nang makatapos mag ligpit si Kenny ng mga pinggan na gulat syang bigla nalang sumulpot si Barbie.

"Ano ba?!"

"Problema mo? Para ka namang nakakita ng multo."

"Bakit ba kasi bigla ka nalang sumusulpot?"

Eh nakuha ng tubig inumin si Barbie.

"Ayan kape pa more. Nauuhaw ako kaya ako bumaba laki ng problema nito."

"Tsss! Ewan diyan ka na!"

"Teka lang."

"Ano?"

"May buwanang dalaw ka ba? Ang init ng ulo!"

"Wow! Nakakahiya naman sa isang Barbie na kulang nalang ibaon ako ng buhay wag lang syang kausapin."

"Ewan sayo! Anyways, gusto ko lang malaman kung ano ang lagay ni Thew."

"Ha?"

"I heard na na scam ang family nya? Kamusta sya? Ang sabi sakin nila Gaile simula ng na scam sila di na napasok sa klase si Thew. Kinausap mo sya kanina di ba? Kaya ka nawala nung umaga."

"Concern ka?"

"Of course si Thew ang isa sa unang nag approach sakin bilang maging kaibigan kaya natural lang na maging concern ako sa kaniya. Masama ba?"

"Tsss! Edi tanungin mo sya!" Then he left.

"Hoy!!! Napaka mo!"

Habang nataas naman ng hagdan si Kenny nag papa-pabulong bulong pa ito.

"Concern daw eh bakit di sya ang kumausap! Unang naging kaibigan bakit ano ba ko sa kaniya? Grabe sya!"

"Hoy!"

"Ano?!

Nag madali sa pagakyat si Barbie para lang harangan si Kenny.

"Ano ba? Di pa ko tapos makipag usap sayo!"

"Sakin? Pero ang topic not for me?"

"Napaka mo! Nag tatanong lang naman ako ah. Di ba ang sabi mo kapag may tanong ako kausapin lang kita. Oh eh, ano yang inaarte mo?"

"Huh! Yung sinabi kong yon about sa pag aaral hindi para maki chismis!"

"Ano? Anong chismis? Gusto ko lang kamustahin si Thew."

"Bakit sino ba ako? Ako ba si Thew? Sya ang tanungin mo dahil ako si Kenny! Bye!!!"

"Teka naman!"

"Ano na naman ba? Inaantok na ko."

"Samahan mo ko bukas kausapin natin si Thew."

"Ayoko. Si Gaile ang isama mo."

Nakarating na sa kwarto nya itong si Kenny at papasok na nga sana...

"Bakit ka ba nag kakaganyan?"

"Huh! Tinatanong mo kung bakit? Bahala ka diyan!" At pinagbagsakan na nga niya ng pinto si Barbie.

"Aba't baliw ang isang yon ah! TSE!!!"

At pumasok na nga rin sa room nya itong si Barbie habang nahiga na sa kama nya itong si Kenny ng pabagsak.

"Tinatanong nya pa kung bakit ako nag kakaganito? Sira ulo ba sya? Alam naman nyang di kami ayos ni Thew ako pa isasama at hindi ba sya nakakaramdam na nag seselos ako? Bwiset!"