1 SAFE

- Nieves Clemente ( 8 year's old) 1881

Upong estatwa ako, at patuloy lang sa pagtitig ang aking mga mata sa katawan na nakaratay sa aking harapan. Sa gitna ng patuloy na pagtitig ko dito ay patuloy din ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniyang noo.

Tumingin ako sa kaniyang mga mata na hanggang ngayon ay nakadilat padin kahit wala na siyang buhay. Ramdam ko ang sunod sunod na pagputok ng mga pistolas, ngunit wala na akong naririnig pa na kahit kaunting ingay. Nabingi na ako sa sobrang takot at kaba. Kahit anong nais ko na tumayo at tumakbo ay tila mismong katawan ko ang sumasalungat sa aking isipan.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng paghila sa aking braso. Nagparaya nalang ang aking katawan nang buhatin ako ng isang estranghero.

Nagsimula itong tumakbo

Unti-unting bumalik ang aking pandinig at muling nanginig ang aking katawan.

Hindi ko masukat kung gaano ako kakomportable sa kung sino man ang kumakarga sakin ngayon dahil bigla akong napahugulgol sa iyak.

"Yumakap ka sakin"

Nagsalita siya..

Dahan dahan akong tumingin sa kaniya, pero dahil sa mga namumuong luha sa mga mata ko ay nanlalabo ang aking paningin, hindi ko maaninag nang mabuti ang kaniyang itsura. Nakasombrero ito ng itim na buntal at pormal ang kaniyang Kasuotan, amerikanang itim at nakapanloob sa kaniya ay puting polo.

"Huwag ka nang pasaway kung nais mong mailigtas at makaalis sa lugar na ito ng mabilisan ay yumakap ka sakin"

Hindi agad ako nakakilos

"Sige na bata.. Yumakap ka sakin"

*BOOOOOOOMMM!!*

Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw mula sa di kalayuan dahilan ng agad kong pagyakap sa kaniya kasabay ng patuloy kong pag-iyak.

"Kumapit ka at pumikit"

Pumikit ako..

Ilang saglit..

Biglang tumama sa aking katawan ang napakalakas na ihip ng hangin.

Napakalakas na parang itinatangay ako

Napakalamig...

Pero ramdam ko ang kaligtasan habang yakap ko ang estrangherong ito..

Maililigtas ako...

Ligtas ako...

_____________________________________________

- Nieves Clemente (18 year's old) Year 1891

"NAGLAYAS KA NA NAMAN?!"

Kahit gaano pa kalakas ang pag-ragasa ng tubig sa talon ay kailan ma'y ang boses ng babaeng ito ay di padadaig

"Naku Nieves, pag ikaw ay mapahamak dahil diyan sa katigasan ng ulo mo, kami ang sisisihin"

Nagbuntong hininga ako

"Di ko maintindihan ang aking ama, sa labing siyam naming pagsasama, bukod sa pagiging mahigpit niya sa akin ay hindi ko din malaman-laman kung ano ang nangyari sa aking ina, tumatakas ako at linalapitan ang kahit sino upang makakalap ako ng impormasyon tungkol sa kaniya. Pero ni isa walang nakakakilala sa aking ina"

Tahimik....

"Bakit ngayon mo lang nabanggit sa amin yung tunay na pakay mo? sana noon pa at nagawa ka naming tulongan."

Litanya naman ni Nato habang hinahagis ang pinupulot niyang bato sa may tubig ng talon.

Huminto ito sa ginagawa at tumingin sa akin.

"Ano? Bat natahimik ka?" pagtataka nito.

Napakamot ako sa batok.

"Eh, sa ayokong idamay pa kayo sa kalokohan ko - "

"Nieves! Kailanman hindi naging kalokohan ang paghahanap sa mga mahal mo sa buhay, yun ay pagpapahalaga, mahalaga ang iyong Ina, at handa ka naming tulongan."

Yun ay kung mahahanap ko pa siya Lara.

Napayuko ako.

"Di magawa ng aking isipan na maalala ang itsura ng aking ina, ni isang litrato man lang niya ay wala akong mahanap. Ayon sa aking ama ay saka ko lang siya nakapiling noong mga sandaling ako'y sanggol pa lamang."

Tahimik lang ang dalawa at halatang hinihintay nila ang mga susunod na sasabihin ko.

"Hindi ko na siya mahahanap.."

Tumingin ako sa dalawa na takang nakatitig lang sa akin..

"Ano ang ibig mong sabihin?" Si Lara

"Patay na ang aking Ina"

Bakas sa mga itsura nila ang pagkagulat matapos nilang marinig ang sinabi ko.

"Pero hindi masabi sakin ng aking Ama ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.. Kaya umaasa ako na ni isang tao na taga rito sa lugar natin ay may alam tungkol doon, pero wala akong napala. Pabalik balik din ako sa bayan pero wala padin, at hanggang ngayon wala pa akong alam"

Naramdaman ko ang pag tapik ng palad ni Lara sa aking likuran.

"May malalim na dahilan ng iyong ama kung bakit hindi niya magawang sabihin sayo ang nangyari sa iyong minamahal na ina Nieves.. Pero heto may tanong din ako sayo. Matagal ko nadin itong gustong tanungin"

Bumaling ako sa kaniya

"Ano?"

"Saan nakuha ng iyong mga magulang ang Pangalan mo? Kalalaki mong Tao, Nieves ang pangalan mo."

Nangunot ako.

"May masama ba tungkol sa pangalan ko?" Seryoso kong tanong sa kaniya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito dahil sa naging tauli ko sa kaniyang tanong.

"Ah, hindi naman sa masama o mali nuh, pero aminado naman akong maganda ang iyong pangalan, pero hindi ito nababagay sayong kakisigan at - "

"Tama na yan Lara, nakikita mong may pinagdadaanan ang ating kaibigan, hindi nakakatulong yang kalokohan mo sa kaniyang problema.." ika ni Nato sabay lapit sa amin.

"At kailangan na nating bumalik, malapit nang magdilim, wala tayong lamparang dala at siguradong mahihirapan tayong makabalik." Dugtong nito.

______________________________________________

Nang nasa tapat na ako ng aming tahanan ay sumilip muna ako kung may bakas ang aking Ama, kung nakauwi na siya.. Malapit nang lumubog ang araw, nasobrahan ang pagtambay namin sa may talon, malayo mula dito sa aming lugar. At lintik kung maabotan niya akong wala dito sa bahay.

Maingat akong pumasok, nagmasid ako sa paligid.

"Wala pa siya" ika ng aking isipan.

"Nieves, kailanman ay hindi ka na natuto"

Nagulat ako't napahinto dahil sa boses ng aking ama.. Galing ito sa may hagdanan, bumaling ako doon at nakita ko nga siyang pababa at seryoso lamang itong nakatitig sakin.

"Kung sa tingin mo ay hindi nakakapagod ang paulit-ulit na pagsabihan ka , ay doon ka nagkakamali."

Makalma ang paraan ng pagbigkas niya ng bawat salita pero ramdam ko ang galit nito.

Muli akong napayuko at buong tapang ko siyang sinagot.

"Nakaramdam lang po ako ng pagka-inip."

Lumapit ito.

"Sa susunod na pasukan ay hindi ka na sa paaralan mag-aaral. "

Napaangat ako't tumingin sa kaniya.

Anong ibig niyang sabihin?

"Bakit naman po?"

Hindi pwede.

"Dahil simula ngayon ay hindi ka na pwedeng makipaghalubilo sa ibang tao, kung makakaramdam ka ng pangungulila ka sa mga kaibigan mo ay huwag kang mag-alala kakausapin ko sila't dito nalang kayo tumambay."

Tumalikod ito at nagtungo sa may aparador may kinuha itong isang pirasong papel.. Isang sulat.

"At ipapadala ko ito sa magiging guro mo, dito ka nalang sa loob ng pamamahay na ito mag-aaral. Pinagsabihan na kita ng ilang beses Nieves, na hindi ka ligtas sa labas, at hindi ka pwedeng magtiwala sa kahit na sino maliban sa mga kaibagan mo at mga kamag-anak natin, klaro yun Nieves, at kahit ika'y hindi sumang ayon ay wala kang magagawa dahil ako ang iyong ama at yun ang kautosan ko."

Konti nalang ay hindi na makapagtimpi ang aking ama at siguradong masisigawan ako nito pag may maling salita na lumabas mula sa aking bibig.

"Pero hindi po ako babae upang tratohin niyo ako ng ganiyan, lalaki po ako at kaya ko po ang sarili ko, paano ako magiging isang independyente kung halos lahat ng mga kilos at gawa ko ay kontrolado ng mga kamay at salita mo!"

Gaya nga ng inaasahan ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko.. Nagulat ako dahil sa biglang paglakas ng aking boses.

Napayukom nalang ako.

"Pasensya na Nieves, pero sana maintindihan mo, nawala na ang iyong ina, at hindi ako makakapayag na pati ikaw mawawala sa akin..."

Natahimik nalang ako at hindi na sumagot pa.

"Umakyat ka na at maya-maya ay darating ang Tiyahin mo, sabay sabay na tayong mag hapunan."

Wala akong nagawa kundi ang nag Opo nalang at nagtungo na sa hagdan.

Nang makapasok ako sa aking silid ay lumapit ako sa bintana at pinagmasdan ang kalangitan.

Nagsisilabasan na ang mga Bituin.

Sabi sakin ni Nato ay ang mga tala daw ay ang mga namayapa nating mga minamahal sa buhay at nagsisilbi silang gabay natin sa kadiliman, lagi nila tayong pinagmamasdan.

"Ina? Nandiyan ka ba?"

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha dahil sa tinding kalungkotan at pangungulila ko ngayon.

Sa totoo lang hindi ko matanggap na patay ang aking Ina hanggat hindi ko malalaman ang dahilan nito. Kaya minsan hindi din ako naniniwalang patay na siya.

Tumama sa aking katawan ang isang napakalamig na simoy ng hangin, nagsitaasan ang aking mga balahibo.

Napayakap nalang ako sa sarili at pumikit..

Tuloy tuloy ang aking pag-iyak.

"Ina, ikaw ba yan?"

Patuloy lang ang pag-ihip ng hangin, medyo gumagaan nadin ang pakiramdam ko dahil kahit papaano ay alam kong nandito lang siya at ginagabayan niya ako, hindi niya ako pinapabayaan.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng kakaiba... Napamulat ako.

Tumingin ako sa may kakahuyan sa di kalayuan.

Sa tulong ng buwan ay hindi ako nahirapan na usisahin ito. Nang aking mapagtanto kung ano yun ay mas lalong tumindig ang aking mga balahibo.

Hindi ko mawari kung tao ito o ano, pero ayon sa pigurang nakikita ko ay isa itong Tao, at ang nagbigay ng kilabot sa akin ay ang mga mata nitong namumula na sumasalungat sa taglay na kadiliman ng paligid.. Maliwanag ang mga ito.

"SINO KA?!" Pasigaw kong tanong.

Nakatingin lang ito sa aking kinaroroonan.

"Nieves?!"

Napabalikwas ako nang may tumawag sakin mula sa labas ng aking silid.. Kumatok ito,

"Inutosan ako ni Tiyo Ambrosio na tawagin ka, kumain na daw tayo"

Si Kuya Ernesto, ang panganay na anak ng kapatid ng aking Ama.

"Ah, Susunod nalang ako.." Sagot ko dito.

Nang muli kong tignan ang puwesto ng di ko malaman laman kung anong nilalang yun kanina ay wala na siya doon.

Nagtaka naman ako kung bat kusa nalang itong nawala... Isinara ko ang aking bintana at napabuntong hininga nalang ako.

"Dala lang ito ng aking damdamin, kung ano-ano na ang nakikita ko"

Saad ng aking isipan.

______________________________________________

"Nieves, balita namin ay hindi ka pinapayagan ng iyong ama na pumasok sa paaralan sa susunod na pasukan..." Litanya ng aking Tiyahin.

Hindi naman ako agad nakatugon at tumingin lang ako kay Ama na seryosong kumakain.

"Para sa akin, mas mainam na magkaroon ka ng pakikipag-ugnay sa ibang mga mag-aaral, hindi ba nakakapanlumo na palagi kang nakakulong sa bahay na ito?" Pagpapatuloy nito.

Bumaling naman ako kay Kuya Ernesto na nakatingin lang din sa akin.

"Mas mainam parin sakin na ligtas ang aking anak at malayo sa kapahamakan. At mas makakapag-aral siya nang mabuti kung walang nakakaabala sa kaniya na ibang tao.." Seryosong tugon ng aking Ama.

Napahagikgik ang aking Tiyahin.

"Ambrosio, Ambrosio, hinding-hindi makakatulong kay Nieves ang laging nakakulong dito sa pamamahay na ito, kung tungkol ito sa kaniyang kaligtasan ay hindi sapat ang pagiging mahigpit mo sa kaniya."

Alam kong hindi maganda ang patutungohan ang usupan na ito. Tumayo nalang ako at nagpaalam kahit hindi ko pa nasimulan ang kumain.

"Dapat matuto na siyang ipagtanggol at ipaglaban ang kaniyang sarili.. Mahirap na kung tatanda siyang laki sa layaw.."

Napahinto ako sa paglalakad.

"At Nieves, ang pagsayang ng pagkain ay isang paraan ng pagtanggi sa grasya Hijo, ubosin mo ang iyong pagkain."

Wala na akong nagawa pa kundi ang bumalik sa hapag.

"Gaya nga ng sabi ko Ambrosio, turoan mo ang anak mo na maging matapang sa lahat.. Gaya ni Ernesto, sa maaga niyang edad ay tinuroan na siya ng kaniyang ama kung paano humawak at gumamit ng pistolas, at kahit saan siya magpunta ay may dala siyang punyal na maari niyang gamitin bilang depensa sa mga di inaasahang kaaway, lalo na sa mga ba - "

"Manahimik ka na Ate."

Hindi na nagawa pang tapusin ng aking Tiyahin ang kaniyang sinasabi dahil kay Ama.

"Bilang Ama ng anak ko, mas may alam ako kung paano ayusin ang buhay ni Nieves, at may malalim akong dahilan kung bakit ko ito ginagawa sa kaniya.." Seryosong bitaw ng aking Ama.

Kapwa kaming tahimik ni Ernesto habang ang aking Tiyahin ay nakangiti lamang at tila minamaliit ang paraan ng pagbuhay at pagpapalaki ng aking Ama sa akin.

Ramdam ko naman ang integridad ng aking Ama habang sinasabi niya ang mga iyon.

Pero alam kong may malalim siyang dahilan.

At hindi ko alam kong kailan, o dapat ko bang malaman.

Itutuloy.....

avataravatar
Next chapter