8 -07-

KABANATA 7

MATAGAL na simula noong pumunta si Angel sa mansyon ng mga Lee. Hindi na nga niya alam kung ilang taon na ang lumipas, pero ganoon pa man ay hindi niya iyon makakalimutan.

Nag commute lang siya papunta sa Alabang mula sa kanyang tinitirhan sa Taguig bago nag-booked ng UBER papunta sa isang subdivision sa Parañaque.

"Kuya, sa may phase 3 po kami." sabi ni Angel doon sa isa sa mga guard na humarang sa sinasakyan. "Sa mga Lee po." dagdag niya pa.

"Ma'am, pasensya na po. Wala kasing binilin sa amin na tatanggap sila ng bisita." pormal na sabi ng kausap.

Kinagat ni Angel ang kanyang ibabang labi. "Paano ba 'to?" mahinang sabi niya, at saka nag-isip.

Wala naman siyang kontak sa mga nasa loob dahil matagal na panahon na din. Isa pa, kasalanan din niya dahil bigla siyang pumunta ng wala man lang pasabi.

"Puwede po ba kayo na lang ang tumawag sa loob? Pakisuyo at sabihin po nandito ako. Angel name ko kuya."

"Sige po, ma'am. Saglit lang, huh? Ano nga po apelyido niyo?"

"Solidad po." sagot niyang muli.

Sinipat niya ang guard at nakitang mayroon na itong kausap doon sa telepono. Tumango-tango pa ito na parang binibilinan ng kung ano.

Ilang sandali lang ay natapos na ang tawag at bumalik na ito sa kanya. "Ma'am, pasensya na po. Sige po, pasok na kayo. Salamat po."

"Salamat din, kuya!"

Noong makarating sa tapat ng mansyon ng mga Lee ay binayaran lang ni Angel 'yong UBER driver. Binigyan niya din ito ng tip na isang daang piso.

Pinindot niya ang doorbell ng tatlong beses at mayamaya pa ay lumabas ang isang katulong na mayroong dala-dalang payong. Pinagbuksan siya nito at iginaya papasok sa loob habang pinapayungan.

"Angel, ikaw na ba 'yan, hija?" isang magandang babae na tila hindi 'ata tumatanda ang kaagad na sumalubong sa kanya.

"Hello, Tita Jane." nahihiyang sabi niya.

"Ang saya at napadalaw ka! Anong mayroon, hija? Kumain ka na ba? Tara, doon tayo sa may sala." magiliw na sabi nito. Hindi na nakapagsalita pa si Angel noong hinila na siya ng ginang papunta sa may sala.

Mabilis na ipinaghanda siya ng mga katulong ng makakain. Habang naghihintay ay kinamusta lang siya ng Tita Jane niya. Tinanong at nagkuwento ng kung anu-ano. Masyado itong natuwa dahil ngayon na lang siya muling nakita matapos ang matagal na panahon.

"Bakit palinga-linga ka, hija? May hinahanap ka ba?" tanong ng ginang noong mapansin ang kanyang kinikilos. "Hinahanap mo ba ang Tito Ken mo?"

"O-Opo." nauutal na sabi niya. "Nasaan nga po pala si Tito Ken? Gusto ko din siyang makita." totoo naman iyon dahil na-missed din ang pagiging maloko nito.

"As usual, ayon, busy ang tito mo sa negosyo ng pamilya. Mamaya pang gabi 'yon uuwi. Hintayin mo kaya?"

"Ay, nako, Tita Jane. Hindi na po. May pasok pa kasi ako mamayang gabi."

"San ka ba nagta-trabaho?" pang-uusisa nito.

"Sa may Ortigas po. Call center agent."

Tumango-tango naman ang kanyang Tita Jane. "So you need to go home pala para makapag rest ka pa."

"Opo! Actually, kaya po talaga ko pumunta dito ay hinahanap ko kasi si Pilgrim. May gusto kasi akong sabihin sa anak niyo."

"Nako, hindi na siya umuuwi dito."

"Po?"

"Simula kasi ng binile namin siya ng unit sa may Makati ay hindi na iyon umuwi dito sa bahay."

****

HABANG PAUWI ay sinubukan na tawagan ni Angel ang contact number ng best friend na si Pilgrim. Ibinigay ito sa kanya ng ina ng binata, pero sinabing hindi sigurado kung ito pa din ang ginagamit.

"Hello?" halos mapasinghap si Angel noong marinig ang baritonong boses mula sa kabilang linya. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib, kinabahan at hindi nakapagsalita. Para siyang kinapos ng hangin. "Hello? Hello? Ibababa ko na 'to kung ayaw mong magsalita."

"Pilgrim!" natatarantang sabi niya. Na-starstruck kasi siya sa boses nito. His voice was calm and sexy. May pagka-husky iyon dala marahil ng kakagising lang ng binata. Pero ganoon pa man ay humagod ito sa kanyang pandinig at tila nagbigay ng kung anong sensasyon sa buong kalamnan.

Tumikhim ang lalaki mula sa kabilang linya. "Sino 'to?"

Nakagat ni Angel ang kanyang ibabang labi. Hindi man nakikita ay ramdam niya ang appeal ng binata. Para itong isang DJ sa isang istasyon sa radyo na pinakikinggan niya. Ang guwapo ng boses!

"Kumusta ka na?" tanong niya sa lalaki. Hindi niya alam kung paano mag-uumpisa. Ang tagal na panahon na din simula noong huli silang mag-usap kaya nakakaramdam siya ng pagka-ilang ngayon.

Mabuti na lang din at wala ang lalaki kanina noong magpunta siya sa bahay nito. Angel is hundred percent sure that she will do crazy things kung sakali man.

"Is this a frank call? Sino 'to? San mo nakuha 'yong number ko?" mukhang nairita na ang binata kaya medyo tumaas na ang boses nito. Bigla tuloy rumehistro sa kanya at itsura ni Pilgrim noong nasa grade school hanggang college kapag nagagalit ito.

Nagsasalubong ang dalawang makapal nitong kilay, manliliit ang mga mata at mamumula ang mga tainga. Tipong anumang oras ay sasapakin kung sino man ang dahilan ng pagkainis. Ganoon pa din kaya ito hanggang ngayon?

"It's me, Angel. Angel Solidad. Naalala mo ba?" pagpapakilala niya naman. Narinig niya pa na tila mayroong kumalabog mula sa kabilang linya.

"Sino nga ulit 'to?"

"Si Angel nga!"

"'Yong best friend ko?" napangiti si Angel sa kanyang narinig mula sa kabilang linya. Best friend pa din pala katulad niya ang turing nito sa kanya hanggang ngayon.

"Oo, ako nga. Kumusta ka na, Pilgrim? Nakuha ko nga pala 'yong number mo kay Tita Jane. Nagpunta ko sa bahay niyo kanina." kuwento niya sa lalaki.

"What-the-fuck!" mahinang mura nito na hindi nakaligtas sa kanyang pandinig. "I'm fine! How about you?"

"Medyo okay naman ako."

"Bakit ka napatawag? Saka bakit medyo okay lang?"

"May problema kasi ako. Ikaw lang ang pupuwede kong malapitan at alam ko na matutulungan mo ako." bahagyang nag-alangan si Angel kung sasabihin na ba sa lalaki ang tunay na sitwasyon. Pati na din ang dahilan ng pagtawag niya sa binata.

Baka bigla lang siyang babaan ni Pilgrim kung sasabihing kailangan niya ito at yayain na makipag one night stand.

"Puwede ba tayong magkita?" muling sabi ni Angel. Siguro ay sa personal na lang niya sasabihin sa lalaki ang lahat. Kung hindi man pumayag, at least, doon ay wala na itong kawala. Kahit lumuhod pa siya sa harapan ni Pilgrim at magkaawa ay gagawin niya.

Ganoon pa man ay hindi lang basta nakaluhod ang naisip ni Angel noong mga oras na iyon. Paano ba naman kasi ay rumehistro sa kanyang isipan ang eksena doon sa porno na napanuod niya noong nakaraan. Kung saan habang nakaluhod ang babae ay binibigyan nito ng blow job ang lalaki!

Napailing-iling siya. Pilit na binura ang mahalay na eksenang iyon sa kanyang isipan.

"Hey! Are you still there?" tanong ni Pilgrim.

"Ah, oo, Pilgrim. A-ano? Kita tayo?"

"Sure! Kita tayo? Kailan ka free?"

"Bukas puwede ako. This is urgent. Sana pumayag ka."

"Oo naman. Ikaw pa ba? Sige-sige. Kita tayo bukas. Nakakamiss ka din kausap, eh."

avataravatar
Next chapter