3 -02-

KABANATA 2

"HOT GUY fucked a hot chick in the locker room." mahinang pagbasa ni Angel sa title doon sa video ng isa sa mga porn site na ibinigay sa kanya ni Francine.

Kanina, matapos ang nangyari sa pagitan nila ng nobyong si Calvin ay naisip ni Angel marahil ay tama nga si Francine. Siguro nga ay hindi naman kalabisan kung ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking mahal na mahal niya.

Bahagya napapikit si Angel. Nakikita at nararamdaman niya ang labis na pagmamahal sa kanya ni Calvin kung kaya't siguro nga ay wala na siyang dapat pang ipangamba sa mga maaring mangyari.

Kapag nag outing, I will give what he want.

Naisip ni Angel na bumawi dito. Ibibigay niya na ang gusto ng binata sa susunod na buwan kapag nag outing na sila. Sa ngayon dapat ay mayroon siyang kahit na kaunting nalalaman sa larangan ng pakikipagtalik. Kaya naman ito siya at nakahiga sa kanyang kama hawak-hawak ang cell phone.

Napahinga si Angel ng malalim, humugot ng lakas bago niya sinimulang buksan sa browser ng kanyang cell phone ang video. Sandali itong nag loading bago nagsimulang mag play sa screen.

Sa palabas ay nakita ni Angel ang isang babae na kasulukuyang nakatayo doon sa may locker area. Nakasuot ito ng blouse na fit sa katawan, halos lumuwa na ang dibdib nito dahil kalahati lang sa mga butones ang naka-ayos na halata mong sinadya. Ang pang ibaba naman nito ay maikling skirt na kulay pula at kita na ang kulay pink nitong t-back.

Napalunok si Angel at nanatili pa din na nakatutok ang kanyang paningin sa palabas, kung saan kasalukuyang may kung anong inaayos ang babae sa locker. Ilang sandali pa ay mayroong isang guwapong lalaki na nakasuot din ng uniporme ang pumasok sa loob.

Nilapitan nito ang babae at kinausap. May kung anu-anong pinag-usapan ang dalawa, at mayamaya pa ay naghalikan na ang mga ito. The girl in the video started to hook her arms on the man's neck. Habang ang lalaki naman ay naging malikot ang mga kamay at dumako sa pang upo ng babae at marahan iyong pinisil.

Matapos maghalikan ay lumayo ang lalaki sa babae. Pinagkatitigan ito sandali, at saka isa-isang kinalas ang butones ng suot nitong blouse hanggang sa tumambad sa lalaki ang malusog nitong dibdib. Nakangiti nitong pinaglaruan ang dibdib ng babae, nilamas, yumukod, at saka tinikman.

Napuno naman nang mahihinang pag-ungol ng babae ang maririnig sa video nang dahil doon, habang si Angel naman ay hindi mapakali at malalim ang naging bawat paghinga.

Jusme, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sa isip-isip ni Angel, hindi maiwasan na manginig ang buong katawan. Sa palagay niya ay dahil na din sa kakaibang sensasyon na lumulukob sa kanya mula sa porno na palabas.

Ilang sandali pa ay nakita ni Angel na kinakalas na ng babae ang sinturon na suot ng lalaki. Sunod ay hinila nito paibaba ang suot na patalon kasabay ng briefs, hanggang sa lumabas ang naghuhumindig nitong ari.

The girl kneel down, and then she started to stroke his hard manhood. Slowly. Up and down. Angel saw the guy placed his hands behind the head of his partner. As if he was saying that he want that girl to give him a blow.

Nakangiting ibinuka naman ng babae ang bibig, saka sinimulan na dilaan ang ulo ng ari ng lalaki. Alam na ni Angel ang susunod na eksena, kung kaya naman bago pa tuluyang isubo nang buo ng babae sa video ang ari ng kapareho ay nag exit na siya.

Gosh!

****

"ANYARE sa 'yo, bes? Bakit ganyan ang mga mata mo? Namamaga!" bungad na sabi ni Francine kay Angel noong magkasabay sila sa papasok sa loob ng gusali kung san nagtatrabaho.

"Paano ba naman ay binasa ko 'yong isa sa mga binigay mo sa aking libro." tumingala pa si Angel at marahang pumikit-pikit dahil ramdam niya ang hapdi ng mga mata. Magtatanong na lang siguro siya sa mga ka-team kung sino ang mayroong dalang pamatak.

"Gano'n? Eh, bakit ang mata mo ang namamaga? Hindi ba dapat ang kipay mo na!" kahit kailan ay wala talagang preno ang bibig ng kaibigan. Ganoon pa man ay gusto niya din dahil hindi ito plastik at talagang totoo.

"Eh, paano, ang galing kasi! Well written at nakakaiyak 'yong kuwento." ang bilis lang niyang natapos iyon at talagang pinagpuyatan. Hindi niya kasi mabitiwan dahil bawat kabanata ay talagang kaabang-abang.

"Bakit doon ka nag-focused sa kuwento? Gagang 'to! Kaya ko nga iyon binigay sa 'yo para magkaroon ka ng ideya, eh!" nag-tap ito ng badge at ganoon din siya upang makapasok sa lobby.

Dumiretso silang dalawa papunta sa elevator. Good thing na wala pang masyadong tao at pila noong mga oras na iyon kaya nakapasok din sila kaagad.

"Page-turner naman kasi. Tapos ang tragic pa. Nakakaiyak! Namatay 'yong bidang babae doon sa bandang huli." naalala na naman ni Angel sa kanyang isipan ang eksenang sa libro. Kung saan nakahiga ang babae at tinamaan ng baril dahil sinalag ang bala na para sana sa minamahal nitong lalaki.

"Malapit ka ng magaya doon sa bida. Tandaan mo, walong buwan na lang at expire ka na, bes." pinindot ni Francine ang floor kung saan sila bababa. "Kailangan mong magmadali." pahabol pa nito.

"Alam mo, dapat hindi ko na lang ikinuwento sa 'yo 'yong alamat na 'yon ng pamilya namin." saglit siyang huminto. "Gusto lang kaming mag-asawa kaagad ni Lola Hilda para magka-apo na siya."

Nang makarating sila sa floor ay kaagad na bumukas ang elevator. Bumaba lang silang dalawa at nagpunta sa biometrics para makapag-in.

****

"LET'S break up!" halos manlamig hindi lamang ang kamay ni Angel kung hindi pati na rin ang kanyang buong katawan, noong marinig ang tatlong salitang iyon na sinambit ni Calvin.

Ang saya-saya niya pa habang nasa biyahe papunta dito sa isang sikat na coffee shop somewhere in Alabang. Halos dalawang araw din silang hindi nagkita ng nobyo dahil may kailangan daw kasi itong ayusin sa kompanyang pinapasukan.

Ngayon naman na nagpakita nga ito. Ang buong akala niya ay pag-uusapan nila ang nalalapit na alis, pero hindi pala.

"Why?" nagtatakang tanong ni Angel sa lalaki. Bahagya niya pang kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na mapaluha.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman. Gusto niyang matawa na maiyak nang dahil sa eksena nila ngayon. Para silang mga artista at nasa taping.

"Ayoko na, Angel. I'm so sorry." muli ay sabi ni Calvin. Gusto niya itong sampalin ng paulit-ulit.

Ayoko na. I'm sorry! Ayan ang mga salitang masakit kapag pinagdugtong.

"Anong ayoko na Calvin? Out of the blue moon ay ganyan ang sasabihin mo sa akin? May nagawa ba akong mali?" pinilit niyang maging kalmado at huwag gumawa ng kahit na ano'ng iskandalo.

"No, it's not you—"

"It's me!" pagpapatuloy niya sa sasabihin nito. "Calvin naman, eh! Gasgas na gasgas na 'yang linya na 'yan, eh. Puro it's not you, it's me. Then what happened next? You will leave me in this place after you said that?" hindi na napigilan ni Angel ang sarili na mapaiyak.

Tinanggal niya ang kanyang suot na salamin sa mata, saka pinunasan ang mga luhang tumulo sa kanyang pisngi.

"Angel, don't cry. I don't want to see you like this. I don't want to see you crying because of me." kinuha ni Calvin ang kanyang kamay at saka mahigpit na hinawakan.

"If you don't want to, then why are you doing this to me? Why, Calvin?" sinubukan na bawiin ni Angel ang kamay na hawak-hawak nito, pero naramdaman niya na mas lalo pa itong hinigpitan ng binata.

"It's hard for me to do this, Angel. Huwag mo naman sana akong pahirapan." nakayukong sabi ni Calvin sa kanya. Nakita niya ang bahagyang pag ngilid ng luha sa mga mata ng nobyo, pero naging maagap ito at mabilis na hinawi gamit ang isang kamay.

"Ako pa ba ngayon ang nagpapahirap sa 'yo?" tanong niya. "Ano bang problema? Puwede naman siguro natin itong pag-usapan, 'di ba?"

"I will marry someone." pag amin ni Calvin sa kanya.

Napasinghap naman si Angel nang dahil doon. Gulat na pinagkatitigan ang binata. "A-ano'ng sabi mo?"

"You heard me right, Angel. I will marry someone." Bumuntong hininga ang binata, waring humugot ng lakas bago magpatuloy sa sasabihin. "I met this girl when I go to bar with Jonnie and Rommel. May nangyari sa amin ng babaeng iyon. One night stand. Hindi ko na sinabi sa iyo ang bagay na 'yon dahil kakaumpisa pa lang ng relasyon natin. Alam ko naman na hindi na kami magkikita after that, pero hindi pala."

"Calvin stop! Ayoko ng marinig ang mga susunod mo pang sasabihin." pagpigil ni Angel sa sinasabi nito. Marahas niyang hinila ang kanyang kamay at binawi mula sa pagkakahawak nito.

"No, Angel. Do you want to know all, right? After so many months, muli kaming nagkita no'ng babae. Paulit-ulit na may nangyari sa amin. Everytime na tinatanggihan mo ako sa pakikipag sex, I always go to her, hanggang sa hindi nag tagal ay—"

"Calvin please!" hindi na napigilan pa ni Angel ang mapalakas ang boses nang dahil doon. May ilan sa mga katabing lamesa nila ang nagtinginan sa kanilang gawi, mga nag bulungan.

Tumikhim si Calvin. Ngunit imbes na tumigil ay muli na naman itong nagpatuloy sa nais sabihin. "Hindi nag tagal ay nahulog na ako sa kanya. Nagkapalagayan kami ng loob na dalawa. She's beautiful, sweet and caring. Unlike you, Angel. You're not that freaking attractive like her. You're a mess."

"How dare you!" malakas na sinampal ni Angel ang binata. "You'll regret this, Calvin. Tandaan mo 'yan!"

avataravatar
Next chapter