1 Prologue

Dana's POV

Wala akong ibang marinig kung di ang pag hinga ko at ang bawat tapak ng paa ko sa Corridor ng School habang tumatakbo ako. Then all of a sudden bumangga ako sa Isang pader?

Pader sa gitna ng Corridor?

"Tapos ka na bang tumakbo o gusto mo pa?" Narinig ko na naman yung boses ng hayop na to.

Wala ba siyang alam gawin kundi manghatak at mang bully? Hinigpitan niya ang kapit niya sa braso ko para sagutin ko yung tanong niya.

"Bitawan mo nga ko! Hinaharangan niyo yung daanan. Tapos--- " I was cut off by a flying saucer I mean flying Can of coke.

That hit me right into my face. Napaluha ako sa sakit. Si Angel pala, Isa sa mga kaibigan ni Ash, ang aking bully.

"Ohh. The b***h is Crying!" Pang aasar pa ni Angel sabay irap. Di talaga bagay ang pangalan niya sa kanya. Dapat ipinangalan sa kanya e Luci for Lucifer. Tatay niya ata yun eh.

"Being a bitch is better than being a slut Angel" sabi ko sa kanya kahit naiiyak pa rin ako.

"What did you say?" Akmang sasampalain ako

"Hey, don't touch her, She's mine, ako lang pwedeng gumawa niyan" Sabi ni Ash.

Aba, idol iba den. Nanay at Tatay ko nga di ako sinasaktan Tapos siya pwede aba naman Pawerr!! Pwede pala yun e!

"Hey Ash. Let go off her. It's not unreasonable to hurt her" concern na sabi ni Theo isa sa mga kaibigan din ni Ash. Pero siya yung pinaka mabait sa kanila.

Kung naramdaman kong lumuwag na yung kapit niya sa kamay ko agad naman akong tumakbo papunta sa Class room ko.

----------------------

*poke* poke* poke*

Sunod sunod yung pag poke ni Ash sa tagiliran ko gamit yung ballpen niya. Nako mga teh sa maniwala't kayo sa hindi Classmate ko tong Ashtray na to, Actually lahat sila sa tropa niya.

What a Cliche Diba? Simula nung pumasok ako sa School nato, Classmate ko na siya lagi. Okay back to reality

I just ignored him at nakinig na sa nilelecture samin nung Prof namin.

Hanggang sa nilapit niya yung mukha niya sa pisngi ko, kaya nararamdaman ko na yung hinga niya, pero sinusundot pa rin niya yung tagiliran ko. Nakikita ko siya sa gilid ko at ramdam ko ding naiinis na siya sakin

"Why are you ignoring me!" Sigaw niya dahilan para magtinginan yung mga classmate namin Pati yung Prof namin.

Tinignan ko lang siya at bumalik na sa pag susulat ng Lecture. Aba ang kupal nag walk out!

"Lagot ka Dana! Ginalit mo na naman si Ash!" Pananakot ni Oliver isa sa mga Classmate ko.

"Sanay na ko" bulong ko at tinuloy na yung pag nonotes ko habang nag lelecture yung Prof namin.

avataravatar
Next chapter