3 Chapter 2: The Unwanted Visitor

Dana's POV

So yeah, after 8 hours of schooling nakauwi na ako. I ride on a jeep dahil wala naman akong kotse, Di ako tulad ng mga kaibigan ko na may sariling mga kotse. Di na muna ako nag pahatid sa kanila.

Nakakainis kase sila eh, alam naman nilang ayaw ko ng ganun. I mean, di ako sumasali sa mga Beauty Pageants na yan. Dahil 1 week wala ang parents ko, ako lang mag isa sa amin, wala naman kase akong kapatid. My parents went to Cebu para asikasuhin ang Business nila dun.

I went to my bedroom and search for pajama and white shirt. After kong magbihis, tumawag ako sa Isang Pizza parlor para umorder ng pizza malamang 😂. After 15 mins. Dumating na yon, nilagay ko yun sa Couch na naka tapat sa T.V namin.

"Hm? Ano kayang Magandang movie?" Tanong ko sa sarili ko.

Agad ko namang nakita yung "Autopsy Of Jane Doe" Kaya plinay ko yun.

*ding dong *

Doorbell namin yan.

"hmm? Sino Kaya yun? Wala naman akong ineexpect na bisita ah. Atsaka 7 p.m na." Tumayo ako at naglakad papuntang gate habang dala dala ang isang slice ng pizza sa kamay ko. Nasa may tapat palang ako ng pinto, naaaninag ko na yung tao dun, I can say na lalaki siya kasi maikli yung buhok at panlalaki ang suot, may daladala din siyang kotse.

biglang nanlaki yung mata ko ng nasa may tapat na ako mismo ng gate. The heck? Si Ash?

" Anong ginagawa niya dito? Pano niya nalaman yung bahay ko?" sabi ko sa isip ko, Binuksan ko yung gate namin, para makausap siya.

"Anong ginagawa mo dito? Atsaka pano mo nalamang dito ako nakatira? Ano? Sagot!" Exxagerated kong sabi sa kanya.

Nginitian niya lang ako ng Sincere na ngiti. Pede ba? Ang gwapo niya kapag ngumingiti siya ng gan----, I mean ano, oo na gwapo na! Tss.

Niyakap niya yung sarili niya na parang nilalamig. Aba eh siraulo pala to eh. Alam naman niyang malaman wala siyang dalang sweater? Hello!! September na oh.

"Okay Fine!, pasok" sabi ko sa kanya na pinalaki yung bukas ng gate. Pumasok naman agad siya.

Kahit binubully ako nito, mabaet naman ako noh.

So ayun, dire diretso si Ash sa loob ng bahay namin, at umupo sa sofa na kala mo bahay niya sabay kuha ng isang slice ng pizza.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Irita kong tanong

"Ayy. Oo nga pala... here" sabi niya while he is handing a paper.

Kinuha ko naman sa kanya yun "Hmm? ano naman to?" Sabi ko sabay basa ng folder na inabot niya saken.

"Hiningi ko sa Ate ko, those are possible question sa question and answer portion, di na niya sinagutan kase alam niyang matalino ka naman" sabi niya sabay subo ulit ng pizza.

"Seryoso ka talaga dito? atsaka kilala ako ng ate mo ?" Curious kong tanong na nakakunot pa ang noo ko.

"Uhm.. ano ba yang pinapanood mo? " sabi niya na parang nasusuka.

Nasa part na kase yung movie na inautopsy na si Jane Doe.

"Hoy, hoy, hoy !! Dun ka sumuka sa lababo" sabi ko sa kanya at hinatak siya. Arte arte. Di naman totoo yan ehh.

"Urghh!! Urggg!!" Habang sumusuka siya hinihimas ko yung likod niya. Jusko namana talaga, nubanaman to, Watalayf. Napisil niya yung gripo Kaya sumirit yung tubig, dahilan ng pag ka basa ko.

"Nubanaman Ash! Umuwi ka na nga sa

sa 7inyo!!" Sabi ko sa kanya. Aba ang kupal tinawanan lang ako.

"Ahh. Tumatawa kapa dyan ahh " binuksan ko ulit yung gripo at winisikan siya ng tubig.

Ginantihan niya ako, at ayun para kaming mga bata na naglalaro ng tubig.

"Tama na nga!" Sigaw ko. Lintek banaman, basang basa nako. Kumuha ako ng towel para punasan yung sarili ko.

"Akin na, Ako na" sabi niya sabay hila nung twalya.

"Ako na nga! Kaya ko naman ehh" sabi ko sabay hatak ng tuwalya.

"Ako na" siya "Di na nga! " ako

Naging ganon yung routine naming dalawa. Hanggang sa nainis na ko at hinatak yung towel.

"SINABING AKIN NA EHH!!" Sabi ko saka ko hinatak ng malakas sa kanya, dahilan para maout of balance kaming dalawa. Kaya ayun! Natumba kaming dalawa.

"Aray ko" i grunt. Sumakit yung Likod ko sa pag kakabagsak namin sa sahig. Blessed me, nilagay niya yung isa niyang kamay sa ulo ko para di ako mauntog. Nakapatong siya sakin at nakatitig. Ano ba? Ang gwapo niya!! Ang ganda ng mata, tangos ng ilong at kissable lips.

"Done, checking them?" Sabi niya at mag smirk. Bigla naman akong natauhan pagkasabi niya nun.

"Ha? Alis nga!" Sabi ko sa kanya at pilit siyang tinutulak, pero sadyang mabigat siya.

"Ayoko nga" cool niyang sabe, sabay ngiti. Tinitigan niya ako and then he kisses me on my LIPS! Oh my God!!! We're kissing, I don't know if what kind of demon possess me to kissed him back, and yeah were now kissing each other, when all of a sudden nag ring yung phone niya, kaya lumuwag yung pagkakapatong niya agad naman akong umikot para maka alis sa pagkakapatong niya saken.

I feel my whole face turning like a red tomato. Sobrang nakakahiya

"Theo naman! Kahit kailan talaga panira ka ng moment" sabi niya lang sa cellphone sabay lagay ulit sa bulsa

"So? Asan na nga ba ulit tayo?" Nakangisi nyanh tingin sakin

"A- ano uuwi kana diba?" sabi ko ng makatayo ako at mabilis na pumunta sa pinto sabay bukas non

"hmmm? ayoko pa sanang umuwi kaso 8 o'clock na pala, kaya yep uuwi nako" Sabi niya saka siya tumayo at lumapit papuntang pinto

Ang Awkward sa side ko, ewan ko lang sa kanya. Parang tuwang tuwa na ewan, hinatid ko siya hanggang sa gate. When we reaches the gate tumalikod agad ako tsaka nag lakad papalayo

"Hey Dana!" sigaw ni Ash galing sa Gate, dahilan ng pag pause ko pero di ko padin siya hinaharap

"Pink suits you" ramdam kong nakangiti sya ng sinasabi nya yun.

what pink? hanggang sa nakapasok ako sa loob ng kwarto ko para mag palit saka ko lang narealize na yung Pink kong Bra yung tinutukoy niya. Naka white shirt lang kase ako kaya bumakat yung Pink kong bra. Jusko Dana! Ano bang nangyayare sayo, Nakakahiyaaa

avataravatar