8 Epilogue

1 year later...

Bella's POV

"I know that nobody will believe my story, but I'm proud to say that I have an adventure in life. That I met a guy named Warren" basa ko sa huling parte ng librong naipublish ko na.

Nagsulat ako tungkol sa story na nangyari sa akin.

I am proud to say that I've been on the year 2050 colliding with the fate of a guy named Warren.

"Ganun ba talaga ang nangyari sa'yo?" ranong ni Nicolai sa akin at tinignan ko silang tatlo ng masama.

"Oo nga. Isang buwan at isang linggo ako dun. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi niyo ako tinulak noon eh" sabi ko at inirapan sila.

"Sorry na, si Oliver talaga ang may plano nun" pagtuturo ni Eva kay Oliver.

It's been a year, pero naaalala ko pa din sila. Si Warren, Si Tita, Si Mr. Leonat yung iba pang tao na nakasalamuha ko dun.

"Sige na bukas nalang ulit" sabi ni Nicolai at sumakay na ng taxi.

I have a better life now, pero hindi pa rin maiwasang maiyak dahil sa nangyari sa akin, nami-miss ko na sila at papunta ako ngayon sa abandoned building na yon para bisitahin ang pinakamalaking kwarto dun.

-

Pagpasok ko ay hindi na tulad noon na may nagpakita na puting bagay, ngayon ay hindi na yung mansion ni Mr. Leon ang nakita ko, kundi ang totoong itsura ng kwartong malaki.

Para sa akin siguro pwede ko na itonbg tawaging parke, tuwing pumupunta ako dito ay naaalala ko yung mga nangyari sa akin dun sa taong yun,araw-araw kong tinitignan yung picture namin ni Warren, sa totoo lang ay yun din ang wallpaper ko.

Umalis na ako sa abandonadong building at pumunta na sa kotse ko.

Hindi na ako magtatagal dahil pagabi na din.

Pagkarating ko sa bahay ay ang tahimik. Naalala ko yung araw na akala ni Warren ay umalis na ako, nami-miss ko na yung mga bosed nila.

May parte sa akin na pinagsisihan yung pagbalik ko kahit isang taon na ang nakalipas pero tinanggap ko dahil sa isang pangungusap na sinabi ni Warren sa akin. Hihintayin ko siya.

-Kinabukasan-

"Good Afternoon, Mr. Montecillo. Thank you for investing in my Company" sabi ko kay Mr. Montecillo at tumayo, investor ng company na natayo ko din, months ago.

"Mauna na ako, Ms. Song. I have errands to run" sabi niya at tumango ako.

"Keep safe, Mr. Montecillo" sabi ko at umalis na siya.

Ang init dito, gusto kong pumunta sa coffee shop, malapit lang naman dito.

Agad akong lumabas sa meeting room at kinuha yung phone at wallet ko, tsaka hinawakan yung kwintas na biga sa akin ni Warren. Naghihintay pa rin ako, naghihintay sa sinabi ni Warren na susubukan niya akong sundan. Naniniwala pa rin ako kahit isang taon na ang nakalipas.

Kumuha ako ng payong, hindi ko feel magdrive ngayon, at malapit lang naman ang coffee shop na pupuntahan ko.

Naglalakad ako, may nakasalubong ako at ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kaniya pero napahinto ako nang makilala kung sino yun, makilala yjng kwintas na suot niya, dahan-dahan kong nahulog yung payong ko at lumingon sa kaniya na nakalingon din sa akin, habang nakangiti.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko,siya ba talaga y-yan?

Siya ang lumakad papalapit sa akin, pagkalapit niya ay niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"W-Warren?" tawag ko sa kaniya at kakalasin sana yung yakap nang higpitan niya pa yun.

"Huwag ka munang gumalaw, gusto kong maramdaman mo ako. Gusto kong mayakap ka lang kahit ilang minuto lang. Isang taon kong pinag-isipan kung susundan ba kita, isang taon kong hinahanap yung presensya mo" sabi niya at ramdam kong tumulo ang luha niya.

"Kahit ilang minuto lang na yakap, para sa isang taon. Hindi ko na hahayaang magkalayo pa tayo. Susundna kita kahit saan ka magpunta" dagdag niya pa.

"Alam kong hindi mo ako matandaan pero nagkakasama na tayo sa School, you are junior and I am senior, galing ako sa taong 2018..." nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon.

"Ako yung nakabangga mo noon, sa taong 2018," sabi niya at naaalala ko na kaya napatawa ako ng mahina.

"Ikaw pala yung may bangs noon" sabi ko at tumawa din siya.

"Babawiin natin yung isang taon na yun sa buong buhay natin. Pangako, hindi na kita iiwanan. Hindi ka na mag-iisa" sabi niya at ngumiti ako at naramdamang may tumulo sa mata ko.

Hindi ko inaakalang nagbanggaan na pala dati pa ang kapalaran namin. Dalawang tao at puso ang itinadhana na magkabanggaan at sa huli ay magkasamang maglalakbay.

March 17, 2020/2050 | Ang hindi kong makakalimutang araw at mga taon, kung saan pinagtagpo ulit kami, kung kailan nagpatuloy ang istorya namin. Ang araw at taon na tinakda para magbanggaan ng tuluyan ang aming kapalaran. Ang araw at taon kung kailan nakilala ko ulit ang lalaking nagngangalang Warren Alvarez, ang lalaking itinadhana na samahan ako sa buong buhay ko.

The End...

avataravatar
Next chapter