7 Chapter 6

Bellas's POV

"Huwag mo naman akong paiyakin" sabi ko kay Warren at nasa harap na ng pintuan ng mansion kung saan ako nakalabas dati pag pasok ko sa pinakamalaking kwarto.

Isang linggo na ang nakalipas, ang dali ng araw. Sa limang araw yun ay iba-iba na namang memorya ang nabuo, memoryan idadala ko sa taong 2020.

Dapat akong bumalik sa taong 2020,kung nasaan talaga ako dapat naroon.

"Sigurado ka bang babalik ka na?" tanong ni Tita at namumula na rin.

"Kailangan ko pong bumalik" sabi ko at tumango siya.

"Huwag ka nalang kaya tumuloy?" tanong ni Warren sa akin.

"Kailangan kong tumuloy, Warren" sagot ko sa kaniya at nagulat ako ng lumapit siya at niyakap ako.

Ilang minuto tumagal ang yakap na iyon at tumingin siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko.

"Huwag mo akong kakalimutan ha?" tanong niya at hinawakan ko din siya sa pisngi.

"Hindi ko kayo kakalimutan" sabi ko naman sa kaniya at ngumiti, tsaka niya ako niyakap ulit.

"Ayokong bumalik ka" sabi niya at ramdam ko ang pagtulo ng luha niya.

"Pero gusto mo kaya wala kaming magagawa" sabi niya at kinalas ang yakap namin.

Kinakabahan ako na paggising ko kinabukasan, wala na akong Warren na makikita at wala na din si Tita na mgaluluto para sa amin.

"Idala mo 'to para may remembrance ka" sabi ni Warren at may binigay sa akin na box.

Binuksan ko ito at susi siya na necklace.

"Nakikita mo ba ito? Ikaw lang ang may kayang mag-open nito. This necklace and your necklace is paired. Yang susing yan lang ang makakabukas dito sa necklace na ito na may lamang picture nating dalawa. Naniniwala akong magkikita pa tayong dalawa, at pag dumating yung araw na yun, mabubuksan ulit itong necklace ko" sabi ni Warren at hindi ko na napiligan ang humagulhol.

Sinuot ko yung necklace niya at ngumiti.

"If we are destined, we will meet. If we will not, then we are still destined, by heart not by year" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Pinapatagal mo lang, Waaren" napatingin kami kay Mr. Leon, siya yung matandang inabutan ni Tita ng kape nung unang araw na napunta ako dito.

"Gusto kong patagalin pero naniniwala akong magkikita pa tayo. Hintayin mo ako ha?" tanong niya sa akin at tumango ako.

"Hihintayin kita" sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang paghagulhol.

Humarap na ako sa pintong yun at hinawakan ang knob.

Tumingin ako sa kanila ng matagal bago ko iyon pinihit at binuksan.

"Hindi ko kayo makakalimutan" sabi ko at pumasok na dun, katulad dati ay may nakita akong puti pero naglaho yun agad at nakita ko ang abandonadong building kung saan namin napagdesisyunang pumunta tsaka ako tumingin ulit sa pintuan.

Isang memorable na pintuan ito.

Agad ko ulit iyong binuksan at nakita na ang loob ng pinakamalaking kwarto.

Napaupo ako dun nang maalalang nakabalik na ako sa taong 2020. Walang Warren, Tita at ang mga mas modernong kagamitan.

Rinig lang sa kwartong ito ang paghagulhol ko at basang-basa ang damit ko dahil sa pag-iyak.

Hinawakan ko ang necklace at nandun pa rin iyon.

Sa tamang panahon ay makikita ko din kayo, siguro nga hindi pa ito yung tamang panahon oara makilala ko sila at makasama ng ganun katagal.

Agad akong lumabas ng kwartong yun at nakita ko ang kotse ko sa labas, hawak ko din yung phone ko at ang susi.

Nakabalik na nga ako, Nakabalik na sa taong 2020.

Agad akong nagmaneho papunta sa bahay.

Malay mo isang araw, sila naman ang mapunta dito, at sabay-sabay kaming mabubuhay papunta sa taong 2050.

avataravatar
Next chapter