6 Chapter 5

Bella's POV

"Paano mo naman susubukan na sundan ako?" tanong ko sa kaniya at lumapit siya sa akin.

"Maghahanap ako ng paraan" sagot niya sa akin at napatawa ako.

"Pero sa tingin mo, pano ako makakabalik sa taong 2020?" tanong ko sa kaniya.

"Baka kailangan mong bumalik kung saan ka unang pinunta nung portal, dun din ang portal pabalik sa taong 2020.

"Sa mansion sa kabila" sabi ko sa kaniya.

-Kinabukasan-

"Ilang days ka pa mags-stay dito?" tanong ni Tita sa akin.

"Siguro mga isang linggo pa po" sabi ko at nakita ko ang lungkot sa mata niya.

"Pero hayaan niyo po. Hindi ko kayo makakalimutan." sabi ko at ngumiti siya.

"Saan po ba si Warren?" tanong ko sa kaniya dahil pagkagising ko din ay wala na siya.

"Nasa farm siya" sagot niya at tumango ako.

Isang linggo nalang ako mags-stay dito at babalik na ako sa taong 2020.

"Sundan ko na po siya dun" sabi ko kay Tita at tumango naman siya.

"Mag-ingat ka ha, yung sugat mo" sabi niya at tumango ako tsaka tumakbo ako papunta sa bike ko.

Pagkarating ko sa farm ay nakita ko siyang may kausap na babae, kasing tangkad niya lang at mukhang kaedad niya rin.

Agad kong hinila pabalik yung bike ko.

Naisip ko lang, huwag na munang mag pa pansin sa kaniya para mas madali ang para sa kaniya kapag umalis na ako.

Pumunta ako sa malapit sa train na nakita ko noon at umupo sa sahig, may iba ding nakaupo.

Nang nakita kong may aparating na train ay agad kong niready ang phone ko at pinicturan yun.

Hilig kong magpicture ng mga bagay-bagay, noon pa. Maganda atang kumuha ng litrato dito sa taong 2050 dahil lahat ay nag-improved.

Kapag nakabalik na ako sa taong 2020, madami akong gustong ik-kwento sa mga taong gustong makinig.

-

Hindi ko namalayan ang oras dahil nakatulog ako sa gilid kanina alas-sais na ng hapon kaya naisipan ko ng bumalik, hindi naman din kalayuan yung bahay nila dito.

"Nang makaratig ako sa loob ay nakita ko si Warren na nakayuko at si Tita na nakaupo sa tabi niya.

"Oh, ayan na pala si Bella eh" sabi ni Tita at napatingin sa akin si Warren na namumula yung mukha.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya nang mapatingin siya sa akin.

Agad siyang tumayo at niyakap ako habang rinig ko ang paghagulhol niya.

"Akala ko nakabalik ka na..." sabi niya at ramdam ko ang agtulo ng luha niya.

"H-ha?" tanong ko.

"Akala niya ay umalis ka na kasi ang sabi ko pinuntahan mo siya sa farm eh" sabi naman ni Tita.

"Ganun ba? Nakatulog ako dun sa harap ng trails eh"sabi ko at tumawa ng mahina.

" Ewan ko nga diyan kay Warren" sabi ni Tita at tumawa.

Ngayon ay napipinta ko na kung ano ang mararamdaman nila kung aalis ako. Parang may part sa akin na gustong umalis at mayroon ding hindi.

-

Tulog na si Warren sakaling kami ni Tita ay nasa kusina.

"Napipinta ko na po ang mararamdaman ni Warren sa panahong aalis ako" sabi ko at ngumiti siya.

"Kaya niya iyong lampasan. Or kung gugustuhin niya ay hahayaan ko siyang sumunod sayo" yung unang sinabi niya lang ang narinig ko dahil yung pangalawang sentence ay hindi ko narinig ng mabuti.

Hindi ko ata kayang dakwatan ang taong 2021 hanggang sa taong 2049. Kung anong magiging kwento ko sa mga taong iyon, kung paano ko sila mami-meet, lalo na si Warren.

-Kinabukasan-

"Ma, sasabay ako kay Ostreau na pupunta sa farm" rinig kong paalam ni Warren kay Tita dahil nasa higaan palang ako. Timatamad akong bumangon.

Sino yung Ostreau? Weird ng name ah?

Ilang araw nalang ay aalis na ako. Isang buwan at isang linggo lang ang itatagal ko dito sa taong 2050, pero andami agad na memories na nabuo, at lahat ng yun ay hindi ko makakalimutan, mas lalo na ang realidad na may nameet akong Warren sa buhay ko.

I know that this isn't a dream anymore. I was pushed to go inside a room that leads me here. I am here for a reason, every single thing that's happening to us has a reason.

Isang araw ay babalik na din ako sa taong 2020 at hindi ko makakalimutan ang mga memoryang nabuo ko sa taong 2050.

avataravatar
Next chapter