5 Chapter 4

Bella's POV

Isang buwan na ang nakalipas simula nung pumunta kami sa bahay ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit siya.

"Paabot ng isang tray" sabi ni Warren kaya inabutan ko siya ng isang tray para paglagyan ng prutas. Nasa farm kami ngayon at nag-aani sila ng mga prutas kaya sumama na ako, alam ko na ding magbike, tinuruan ako ni Warren.

"Magpahinga ka muna" sabi ko sa kaniya at inabot yung tubig sa kaniya.

"Salamat" sabi niya at tumango lang ako.

Hanggang ngayon ay humahanap pa rin ako ng paraan para makabalik sa taong 2020.

"Sigurado ka bang gusto mong bumalik sa taong 2020?"tanong sa akin ni Warren.

"Ewan ko din. Nagustuhan ko na dito, pero may mga kailangan akong balikan" sagot ko sa kaniya at tumingin sa mga tanim.

"Dito ka nalang. Hindi na ata kami sanay kung wala ka" sabi niya at tumingin ako sa kaniya.

"Talaga ba?" tanong ko sa kaniya at tumawa siya.

"Oo naman"

-

Pauwi na kami sa bahay nila Warren. Gusto ko ng bumalik sa taong 2020. Pwede bang kunin lang lahat ng gamit ko at lilipat ako sa panahong ito?

Nagulat ako nang matumba ako.

"Aray" singhal ko.

"Okay lang ako, may bato lang" sabi ko agad.

"May masakit ba sa'yo?" tanong niya sa akin.

"Wala, galos lang naman ito" sagot ko naman at tatayo sana pero may sugat ata ako sa paa.

"Babalikan ko nalang yung bike natin dito mamaya" sabi niya at tumingin ako sa kaniya nang buhatin niya ako.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahy nila.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Tita sa akin.

"Balikan ko lang yung bike namin" sabi ni Warren at tumango lang kami.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Tita sa akin.

"Okay lang po ako" sagot ko sa kaniya.

"Alam mo ba, may nagsabing kapitbahay na bagay daw kayo ni Warren" sabi ni Tita at napatawa ako ng mahina.

"Talaga po ba?" tanong ko at tumawa siya.

"Oo," sagot niya.

"Paano po pag nakabalik na ako sa taong 2020. Ano po kaya ang mararamdaman ni Warren?" tanong ko sa kaniya.

"Edi gugustuhin niya ring bumalik" hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Tita dahil pabulong iyon.

"Ano po iyon?" tanong ko sa kaniya.

"Edi malulungkot siya" sagot niya.

"Eh kayo po?" tanong ko sa kaniya.

"Edi malulungkot din" sagot niya ulit at tumango ako.

Kung aalis ako dito, malulungkot yung mga taong nakasama ko katulad nalang nila Warren at Tita, pero kung hindi naman ako babalik, tuluyan akong makakalimutan ng kaibigan ko don.

"Mag-isip ka ng matalinong desisyon, sa amin ayos lang kung bumalik ka, pero huwag mo kaming kalilimutan." sabi niya at ngumiti ako.

Napatingin kami nang dumating na si Warren.

Makakaya ko 'bang iwan 'tong lalakeng alam kong makakatuluyan ko sa hinaharap.

Pero dapat ay matanda na siya ngayon, eh bakit 23 palang siya ngayon. Hindi naman ako mahilig sa bata ah?

-

"May iniisip ka ba?" tanong niya sa akin habang nasa rooftop kami at nakatingin sa langit.

"Paano kaya kung isang araw paggising niyo, wala na ako dito at nakabalik na ako sa taong 2020. Ano kaya ang mararamdaman niyo?" tanong ko sa kaniya at tumingin ako sa kaniya na nakatingin din sa akin.

"Siyempre, hindi mawawala yung lungkot. Maninibago kami" sagot niya.

"Gusto mo bang makabalik?" tanong niya sa akin at tumango ako.

"Kung pwede lang ay kunin lahat ng kailangan kong gamit tapos pwede na akong bumalik ulit dito" sabi ko at natawa kaming dalawa.

"Huwag mo ng kunin at palitan mo nalang ng bago, edi okay ka ng mag-stay dito?" tanong niya at umiling ako.

"May ibang bagay na hindi natin kakayaning palitan" sabi ko sa kaniya.

"Picture tayo" sabi niya at nilabas yung phone niya.

Hindi pa ako ready nang marinig kong magclick yung camera.

"Hoy, hindi pa ako ready" sabi ko at tumawa siya.

"Bilis na kasi" sabi niya at agready na ako.

"1.2.3" bilang niya at nagwacky ako.

"Dito din sa phone ko, para kapag nagkalayo ulit tayo, meron tayong remembrance dalawa" sabi ko at nilabas din ang phone ko at nagpicture kami dun.

"Ayos lang kahit bumalik ka sa taong 2020, basta huwag mo kaming kakalimutan. Kahit saan ka magpunta susubukan kong sundan ka" sabi niya at ngumiti ako

avataravatar
Next chapter