3 Chapter 2

Belle's POV

"Uminom ka muna ng juice"sabi ni Tita, dahil tita nalang daw ang itawag ko sa kaniya.

"Anak niyo po ba yung Warren?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi"sagot niya at tumango lang ako.

"Ma," napatingin kaming dalawa nang may pumasok sa bahay niya.

"Oh, ayan na pala si Warren" sabi niya at tumingin sa akin yung Warren. Ma? Ma naman pala ang tawag niya eh.

"Sino po siya?" tanong sa kaniya ni Warren.

"Ako nga po pala si Bella, Bella Song." pagpapakilala ko.

"Mag-usap lang kami" sabi ni Tita at tumango ako.

Nakita ko namang tumingin sa akin yung Warren bago sila mag-usap.

Ilang minuto lang ay tapos na silang mag-usap at bumaoik sila sa akin.

"Ayos lang ba syo na kasama ako sa isang kwarto?" tanong ni Warren sa akin.

"Oo, ayos lang naman" sagot ko sa kaniya.

"Pero hayaan mo, hindi naman tayo magkatabi ng higaan, magkalayo" sabi niya at tumango ako.

Ang weird. They are welcoming me even though they didn't even know me.

"Idala mo muna siya sa rooftop, baka gusto niya 'ron. Maghahanda lang ako ng pagkain" sabi ni Tita sa kaniya at tumango lang siya.

"Tara muna sa rooftop" sabi niya at tumango ako at umakyat kasunod niya.

Pagkaakyat namin ay maaliwalas nag hangin. Kagaya pa rin sa taong 2020,ganun ang hangin.

"Paano ka nakapunta dito?" tanong niya sa akin at napatingin ako sa kaniya.

"Paano?" tanong ko sa kaniya dahil paano niya naman natanong kung paano ng hindi niya naman ako nakita kung saan ako galing.

"Oo," sagot niya naman.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya?

"Hindi mo ba ako sasabihang baliw kung sinabi ko sayo?" tanong ko sa kaniya at umupo tsaka tumingin sa akin.

"Hindi" sagot niya sa akin.

"Napunta ako dito kasi, nawala ako" sabi ko at tumawa siya ng malakas.

"Fine" sabi ko at umupo din sa tabi niya.

"Bakit niyo ako pinatuloy kahit hindi niyo naman ako kilala?" tanong ko sa kaniya.

"Ganun lang talaga kabait si Mama" sabi niya at naalala ko na naman yung Mama ang tawag niya pero bakit hindi naman niya magulang si Tita?

"Bakit pala Mama ang tawag mo s kaniya sakaling hindi ka naman niya anak?" tanong ko sa kaniya at napatingin siya sa akin.

"Katulad mo dati, 2 years ago, nawala din ako at napadpad dito" sagot niya.

"Pero kinupkop ako ni Mama, kaya simula noon ay ang tawag ko na sa kaniya at Mama" dagdag niya pa at tumango ako.

Hindi naman talaga ako nawala, ano ako? Shonga?

"Gusto mo bang maglibot mamaya?" tanong niya sa akin.

"Sure. Kung pwede" sagot ko at tumango siya.

"Then, isasama nalang kita" sabi niya ulit.

"Hindi talaga ako nawala" sabi ko at napatingin siya sa akin.

"I think I am time traveling" sabi ko at napatingin siya sa akin.

"Time travelling?" tanong niya sa akin.

"Oo. Pumasok ako sa isangabandonadong building at sa pinakamalaking kwarto dun ay pumasok ako at napunta na ako dito" sabi ko at kumunot ang noo niya.

"Anong ibig sabihin mo?" tanong niya sa akin.

"Nasa taong 2050 kayo samantalangako ay nasa taong 2020 bago pa ako mapunta dito" sagot ko sa kaniya at yumuko ako.

Naiiyak ako dahil wala lang akong ka alam-alm sa nangyayari sa akin, kung bakitako nandito, kung paano ako napunta dito.

"Hindi ko alam kung paano man lang ako napunta dito." sabi ko at pinunasan ang luha.

"Kung alam ko lang ay sana hindi na ako tumuloy" sabi ko at naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.

"Siguro sa mga taong ito ay nasa 50 taong gulang mahigit na ako" sabi ko at tumawa.

"Anong edad mo na?" tanong niya sa akin.

"21. Ikaw?" sagot ko at tanong ko naman sa kaniya.

"23"sagot niya.

"Ah, mas bata pala ako" sabi ko at tumango siya.

"Siguro kung 2050 na talaga ngayon, mami-meet pa kita sa future ng 2020"sabi ko at huminga ng malalim.

"Ready na ang pagkain" napatingin kami sa tumawag na si Tita.

"Papunta na po kami!" sagot namna ni Warren.

"Tara na" sabi niya at tumayo na at naglakad papunta sa hagdan.

"Mauna ka na" sabi niya at pinauna akong bumaba.

"Ayos ka lang ba, hija? Mukhang naiyak ka ata" tanong ni Tita at umiling ako.

"Napuwing lang po ako" sabi ko at ngumiti.

-

"Huwag mong papabayaan si Bella, Warren" sabi ni Tita dahil paalis na kami dahil may kailangan daw kunin su Warred sa Parcel Locker.

"Sakay na" sabi niya at sumakay ako sa likod ng bike niya.

"Hoy Warren, sino yan? Girlfriend mo?" rinig naming tanong ng isang lalake.

"Opo" sagot niya at nanlaki ang matko.

"Umayos ka nga" sabi ko at tumawa lang siya.

Bakit parang ang dali naming magkakilala.

"Hindi ba talaga kayo natatakot sa akin? Tanong ko sa kaniya.

"Monster ka ba?" tanong niya at tumawa.

"Hindi naman, pero alam niyo yung--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nangbigla siyang nagpreno dahilan para mapayakap ako sa kaniya.

"Sabihin mo naman kung hihinto ka" sabi ko sa kaniya.

"Sorry, nandito na tayo" sabi niya at nakita kong may locker dun sa gilid, katabi ng isang grocery store.

Kinuha niya lang yung parcel at napatingin naman ako sa phone ko.

Nag-open na. Tinignan ko agad ang messages at nakita ko ang messages nila Eva, Nicolau, at Oliver, pinindot ko iyon pero ayaw na mag-open dahil expired ns daw ang sim ko.

"Ang late mo naman ata bumili ng bagong cellphone?" tanong niya sa akin.

"Ito ang latest na phone sa taong 2020" sagot ko sa kaniya.

"Ah, kaya pala" sabi niya at tumango-tango.

Nakita ko namang may hawak siya, ibig-sabihin nakuha niya na.

Mapapansin mo talagang wala na ako sa taong 2020 kung titignan sa labas, madami na ang nagbago, mas rumami ang malalaking building.

"May gusto ka pa bang puntahan?" tanong niya sa akin.

"May museum malapit dito, gusto mo bang pumunta?" tanong niya sa akin.

"Kahit saan, basta hindi delikado" sabi ko sa kaniya at tumango nalang siya.

Napagdesisyunan naming maglakad nalang since sabi niya ay malapit lang naman.

"Dito na yun" sabi niya at huminto kami sa tapat ng isang malaki at malawak na gusali.

Pinark niya lang yung Bike niya at pumasok na kami.

Nakakamangha na ganito ang itsura ng museum sa taong 2050. May mga tungkol sa ibang taon gaya ng 2020, 2030, at 2040.

Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na nandito ako sa taong 2050. Paano ako makakabalik sa taong 2020?

Naglakad-lakad kami pero napahinto ako nang may makita akong picture ng building.

"Diyan ako pumasok" sabi ko sa kaniya at lumapit din siya sa picture.

"Diyan?" tanong niya at tumango ako.

"Oo, pero hindi ko alam kung paano na bumalik sa taong 2020" sabi ko at napatingin sa kaniya.

"Baka tinadhana ka na talagang tumira sa taong ito kung dinala ka dito" sabi niya at kumunot ang noo ko.

Tadhana ba talaga ang nagpunta sa akin dito? Hindi na ba talaga ako makakabalik sa taong 2020?

avataravatar
Next chapter