2 Chapter 1

Bella's POV

"Dali na" pagmamadali sa akin ni Nicolai.

"Hindi makapaghintay?" tanong ko sa kaniya at inirapan siya.

"Bilisan mo dahil nakakahiya naman sa kanila Eva na kanina pa naghihintay dun" sabi niya at sumakay na kami sa kotse ko.

"Nakakatakot daw dun eh" sabi niya habang ako ay nagmamaneho.

"Sabi naman ng iba may portal daw dun, once daw na nakapasok ka sa pinakamalaking kwarto dun ay hindi ka na makakalabas" sabi niya at tumingin ako sa kaniya.

"Naniniwala kayo dun?" tanong ko at tumawa ng mahina.

"Sana ikaw yung mapunta dun sa malaking kwarto na yun para maniwala ka naman" sabi niya at tumawa.

"Funny" sabi ko at sarkastikong tumawa.

"Next month na pala yung death anniversary ng parents mo 'diba?" tanong niya sa akin at tumango ako.

"Paano mo nakakayanan na mag-isa?" tanong niya sa akin at tumingin ako sa kaniya.

"Gusto mo malaman?" tanong ko sa kaniya at tumango siya.

"Palit muna tayo ng tutuluyann, ikaw dun sa bahay ko tapos ako muna uuwi sa bahay niyo" sagot ko sa kaniya at sumeryoso ang mukha niya.

"No thanks" sabi niya.

"Nakakatakot kaya sa bahay mo, anlaki-laki, mag-isa ka lang naman" sabi niya at tumawa ako.

"Well, at least, solo ko ang bahay" sagot ko sa kaniya at hininto ang kotse ko.

"Baba na" sabi ko at bumaba na ng kotse.

"Sa wakas ay nandito na rin kayo" sabi ni Eva at lumait sa amin kasma si Oliver.

"Ang creepy nga" sabi ko at tinignan ang building.

"Told ya!" sigaw sa akin ni Nicolai.

"Tara na ba?" tanong ko at tumango sila at nagtinginan silang tatlo.

Nagsimula kaming pumasok sa building pero ang nakita namin ay may mga disenyong hindi pa nabubura. Kulay brown at beige ang kulay ng mga pader pero yung iba ay wasak na yung pintura dahil din ata sa kalumahan nung building.

"Gusto niyo bang pumuta sa pinakamalaking kwarto?" tanong ni Oliver at at tumingin sa amin.

"Huwag muna, masyado namang maaga" sabi ni Eva.

"Sige." sagot naman ni Oliver.

Mukhang may binabalak 'tong mga 'to ah?

Subukan lang talaga nila.

Sumigaw si Nicolai nang may lumipad na kung ano sa harap niya.

"Ang OA mo, pati kami nagugulat" sabi ni Eva at imirapan si Nicolai.

Naglalakad na kami ng isang oras at napag-isipan nilang pumunta na dun sa pinakamalaking kwarto.

"Bago pa ang pinto" sabi ko at tinignan namin yun.

"Diyan yung sinasabi nilang may portal daw" sabi ni Eva at tumawa ako.

"Seriously? Naniniwala kayo dun?" tanong ko at napatingin sila sa akin.

"May binabalak kayo, 'diba?" tanong ko at hinarap silang tatlo.

"Ano naman?" tanong ni Nicolai sa akin.

"That's my instinct. I trust my instincts more than anyone" sabi ko at tumawa silang tatlo.

"Papasok lang tayo diyan sa loob" sabi ni Oliver.

"Since ikaw naman ang hindi takot sa ating apat, Bella. Open the door" sabi ni Eva at tinaasan ko siya ng kilay.

"Alright." sabi ko at hinawakan ang dalawang doorknob ng pintuan dahil double doors ang pintuan na ito.

Nagulat ako nang itulak nila akong tatlo at agad na hinila yung pintuan pasara. Pagkapasok ko ay parang may puting nagpakita sa akin at nawala rin iyon agad, dahilan para mapapikit ako.

"Hoy!" sigaw ko at tinry buksan yung pinto pero ayaw mabuksan iyon. Nilabas ko din yung cellphone ko pero hindi iyon bumubukas.

Naglakad ako at napapansin kong bago ang mga pintura at mga gamit na nakalagay dito. Parang hindi naman ito abandoned dbuilding ah?

Nagulat ako nang may magsalita kaya napatago agad ako sa likod ng vase.

"Dalhin mo 'to sa kabilang bahay, Warren" sabi ng isang may edad na na babae dun sa isang lalaki na kasing edad ko lang ata at may inabot.

Tinignan ko siya hanggang sa makaalis siya.

"Sir, ito na po ang iyong kape" sabi niya sa isang matandang lalaki na anakaupo sa isang upuan kaharap ng isang table.

"I don't have time for coffee, it's already 7 in the morning, may aasikasuhin pa ako. At siguro ay babalik ako dito sa mga ilang linggo" sabi niya at tumango lang yung babae.

Umalis na yung matandang lalake at paalis na sana yung matandang babae nang umubo ako. Panira naman 'tong ubo ko!!!

"Sinong nandiyan?" tanong niya kaya pumikit ako, nakakainis, kinakabahan ako.

"Anong ginagawa mo diyan, Miss?" tanong niya at nilatag yung kape sa sahig at pinuntahan ako.

"Madaming alikabok diyan" sabi niya at pinatayo niya ako. Hindi nila ako huhuliin or something?!

"Hintayin mo ako dito, idadala nalang kita sa aking bahay" sabi niya at tumango lang ako.

Nakita ko ang calendar na nakalatag sa sahig. March 17, 2050. Napakunot ang noo ko, Where exactly am I?! Is this place sort of calendar maker? Masyado naman atang maaga para magkaroon ng kalendaryo ang taong 2050.

"Halika na" tawag niya sa akin at tumango ako at sinundan siya. Palabas kami sa pinasukan ko kanina.

"Hindi po mabuksan yan" sabi ko at napatingin sa akin nang mabuksan niya yun.

"Ay" sabi ko nalang at lumabas na kami.

Shit! Hindi ito yung labas kanina sa abandoned building! Nasaan ako?!

Nanlaki ang mata ko nang makalabas kami. Ang ganda, para akong nasa panood, parang edited lahat ng bagay. May daanan din ng train akong nakikita sa di kalayuan.

"Ate, anong date na po?" tanong ko nang makarating kami sa bahay niya ata, maliit, pero 3 floors ang meron.

"Huwag mo akong tawaging Ate, masyado na akong matanda. Ang date ngayon aY March 17, 2050" sagot niya at parang gusto kong tumulala nalang. Nasa taong 2050 ako!

"May problema ba, hija?" tanong niya at umiling ako.

Paano ako makakabalik sa taong 2020?!

avataravatar
Next chapter