1 CHAPTER ONE

"Shes coming!!!"sigaw ng isang dalagitang hinihingal sa pagtakbo papasok ng eskwelahan.Napalingon ang mga estudyante at agad mga napalitan ng takot ang mga kalmadong pakiramdam.

Dali daling mga nagsitakbuhan at pawang mga takot na takot.

Kanya kanyang tago ang mga ginawa.

Hanggang sa mga napapalunok at sabay sabay na pinanood ang kalmado at pasipol sipol na babaeng naglalakad papasok ng St. Judes Academy.Makikilala mo agad sya dahil sya ang pinakaiiba.Hindi nagsusuot ng uniform at laging nakapulos itim.

Pulang pula din ang mahabang buhok nito.

May bitbit ding skateboard sa kamay.Sa bag pack naman ay nakalagay ang isang baseball bat.

Nakangisi ito at sa unang tingin ay hindi mo aakalaing isang babaeng may kakayahang manakit ng tao.Masyadong natatakpan ng maamo nyang mukha ang kaniyang totoong pagkatao.

Diretso ang lakad at walang nililingon.

Siya si Rica Fuentabilla na tinanyagang Poisonous bad girl ng St Judes.

Dahil pamangkin ng dean at sya ring anak ng mayor,walang nangangahas na kalabanin siya.

Napatigil siya sa paglalakad at inalis ang isang pares ng suot na earphone.Tumigil rin sa pagsipol bago dahan dahang binalingan ang isang estudyanteng nanginginig na nagtatago malapit sa basurahan.

Napangisi siya bago dahan dahang naglakad papalapit sa walang kalam alam na estudyante.Kawasa at nakatalikod mula sa kanya kaya di nalaman ang biglaang paghablot sa bag nito sa likuran.

Napasinghap ang mga estudyante at mga napailing.Naaawa sa estudyanteng mabibiktima sa araw na ito.

''R-Rica!!"takot na takot na sambit ng lalaking may malaking salamin sa mata.

Itinabingi ni Rica ang ulo bago pinagmasdan ito.Hindi naman makatingin pabalik ang lalaki.

"P-parang awa ..mo n-na--"hindi na natuloy ang sasabihin ng gamit ang hintuturo ay inilapat iyon ni Rica sa bibig ng lalaki para manahimik.

"Ang ingay mo naman..tsk tsk"dahan dahang inalis ni Rica ang salamin ng lalaki na walang ginawa kundi mapalunok at kumurap.

Napangiti sya.

Tila naman nakakita ng anghel ang lalaki.Lalong napasinghap ang mga nanonood.

Pero ang ngiti nya ay naglaho bago walang pagdadalawang isip na binigyan ng suntok sa mukha ang lalaki na agad natumba sa lakas.

Tinignan pa muna ni Rica ang lalaking napatulala at dumudugo na ang ilong bago inilapag ang salamin ng lalaki sa lupa.

"Ang pangit mo kasi eh."panuyang sabi niya at tinapakan ang salamin hanggang sa madurog.

Ibinalik niya sa ayos ang earphone bago nginisian ang lalaki.

"Bye!"sabi niya bago tinalikuran ito.

avataravatar