webnovel

Episode 5

Ng makapasok na ako sa trabaho,simula alas sais ng gabi hanggang sa ika ala otso ng gabi naging maayos naman ang aking trabaho, katulad ng dati maraming mga customers ang coffee na pinatratrabahuhan ko, pero pagsapit ng ika 8:30 naku sumulput naman itong sir eros kasama ang mga kasama niya kahapon mukhng mga barkada niya ang mga yun, lahat silang magkakasama puro sila gwapo at mtikas kung kumilos, mukha lahat galing sa mga mayayman na angkan, kailangan habang mas maaga makaiwas na ako kay eros.

Lumapit sa akin si Allan at sabay sabing "puntahan mo ang table 20 , ayaw nilang mag order kung hindi ikaw daw ikaw ang kukuha ng order nila" habang nginunguso sa akin ang atble nila eros

"okay" sabi ko kay allan habang ndi nakangiti, nagtataka ang mga kasamahan kong waitress at waiter dito bakit ako nakuwang waitress , ni ndi man daw akong marunong ngumiti , kaya ang tsismis sa akin nga mga kasama ko sa trabaho baka kabit daw ako ng boss namin, ang rurumi talaga ng mga isipan ng mga tao ngayon, paano ko papatulan ang boss namin , unang una may respeto ako doon, pangalawa parang ama ko na ito, pangatlo wala sa bokabolaryo ang pagkakaroon ng karelasyon ngayon dahil ang buong atensyon ko ay nakapokus lang sa pag-aaral ng makahanap ako ng magandng trabaho.

Lumakad na ako papunta doon sa pwesto nila eros , ng nasa harapan ko na sila tinanong ko na sina eros pero kay eros ako nakatingin dahil naiinis ako dito alam ko siya lang ang may gusto na ako ang kumuwa ng kanilang order "anong order nyo po mga sir"tanong ko kina eros

" katulad ng kahapon ms. Beautiful" sagot ng isa sa mga kaibigan ni eros sa akin ,habang nakangiti siya sa akin ng sobrang tamis, habang ako naman nakatingin lang sa kanila ni walang kangiti ngiti sa labi

"anim na black coffee sir" sabi ko habang ndi nakangiti sa kanila at walang mababakas na anong mang emosyon sa akin mukha, nilista ko na ang kanilang order sa akin listahan at akma na akong aalis ng bigla magsalita si eros

" hihintayin kita elena ah, alas diyes noh" sabi ni eros habang may sobrang tamis na ngiti sa labi, hindia ko kumibo , dahil ayaw ko naman magpahintay, kaya nagpasya na akong maglakad para iwan ko na sila ng marinig ko magsalita yung isa sa mga kasama niya, " sigurado ka eros, Hihintayin mo si elena? Hindi ka pa pagod simula kanina alas sais nag gig tayo , tapos gusto mo pa magpaiwan dito, wag mo sabihin kahapon naghintay ka din hanggang alas diyes dito para ihatid si elena" tanong ng isa sa mga kaibigan niya, kala nila hindi ko narinig yun, nagpapnggap ako hindi ko narinig at nagtuloy tuloy ako sa paglalakad.

Tamaa ba ang aking narinig , gig daw ang alam ko lang na nagigig yung mga nagbabanda, so nagbabanda sina eros, nagtataka ako bakit kailangan pa nilang magbanda mukha naman silang galing sa mayaman ng mga angkan, siguru mga libangan na nila yun, kasi wala naman mukhang mahirap sa mga kasama niya, at kaninang lumabas sila samga sasakyan nila, haatang galing nga sa mayayaman angkan dahil hindi biro ang mga halaga ng mga sasakyan nila, mga sport car lahat ng mga sasakyan nila, ang bawat labas pa naman ng bawat isa mula sa kanilang sasakyan ay mga mukha silang prinsipe .

Ng natapos na ang kanilang black coffee pinahatid din sa akin, tatangi sana ako ng sumabat ang aking boss at sibnabing ako na ang maghatid sa table 20 kasi daw mukhang mahirap kausap ang mga binata sa table na yun lalo na ako daw ang nirerequest nila, kung hahatid daw ni allan or ng ibang kasamahan namin baka hindi din daw tanggapin ng mga binatang yun

Naglakad na ko papunta sa kanila habang hawak ko sa aking mga kamay ang tray na nalalaman ng kanilang order, at nagpaalam ako sa kanila na ilalapag ko na ang order nila, makalpas ang trenta minutos natapos na ang mga kasama ni eros at nagsitayuhan na sila habnag si eros , nanatiling nakaupo, talagang totohanin niya yung kanyang sinabi kanina na ihahatid ako sa pag-uwi. Nagkibit balikat nalang ako sa isipin yun.

At ng sumapit ang als diyes , ng magsasara na kmi doon lang tumayo si eros at sabay sabi sa akin ng madaan niya ako sa bandang pinto" hintayin na lang kita sa lbas ah" sabi ni eros akin ,habang siya todoa ang ngiti sa akin na may kaunting lambing pa ang kanyang boses, habang ako walang ngiti sa labi at hindi kakabakasan ng ano man emosyon sa aking mukha, alam ko narinig ng ibang kasama ko sa trabaho ang tinuran ni eros, dahil halus sila ay napatingin sa amin, sinadya ba ng may sayad na ito na iparinig sa mga kasama ko sa trabaho, nanadya ito kaya lalo akong nainis dito, papansin ang bwisit na ito.

Ng natapos na kami sa pagliligpit, nagpasya na kaming umalis, ayun naman si eros naghihintay sa labas, siguradong sasabihin naman niya nilamok siya, sino ba nagsabing maghintay ito, wala naman akong sinabi sa kanya.

Ang daming mga mata ang nakatingin sa akin, nakamatyag sa akin, ano ba ang mga pangalan nila, hindi ko matandahan dahil hindi ko naman sila kinakausap, ang alam ko lang na panagalan si laura at si allan, maliban sa kanila wala na , hindi ko naa inalam ang kanilang pangalan dahil wala naman akong balak makipag usapa sa kanila o makipagkaibigan man lang, mas gusto kong mag-isa at awalang kausap.

Sa nakalipas na taon , simula ng nabuhay akong mag-isa wala na akong naging pakialam sa akin paligid, wala akong pakialam kung ano sasabihin ng mga tao sa aking paligid , hindi ko kailangan ipagtangol ang sarili sa kanila, bahala sila sa buhay nila

Kaya nilagpasan ko na nalang si eros, kasu may pagkamakulit ito kaya sinundan niya ako at ginaya sa kanyang sasakyan. Magproprotesta sana ako kasu tinatmad na ako at pagod ako sa maghapon na pasok sa skwelahan at sa trabaho, kaya nagpatanggay nalang ako

Pagdating ko sa sasakyan niya agad ko nilagay ang seat belt at agad ko ipinikit ang aking mga mata , alam ko naman na alam niya ang bahay namin kaya kumpyansa akong kahit nakapikit ako , mihahatid niya ako sa bahay, at mukha naman wala itong balak masama kasi kahapon pa sana ginawa na niyaNagtataka ako bakit hindi gumagalaw ang sasakyan, ngayon pla natingin ito sa akin, ng iimulat ko ang aking isang mata,ng makita niya na binuksan ko aking isang mata , doon lang niya pinagana ang kanyang sasakyan.

Ng makarating sa bahay tulad ng kagabi hindi ako nagpasalamat at siya naman ay inasar nman ako dahil siya ang nagpasalamat sa akin.