8 Kabanata 6

Age

Summer after grade school has been peaceful. Bihira akong sigawan ni Lola. Siguro ay dahil busy din sa practice at hindi na talaga ako lumalabas ng bahay para makipaglaro. Hindi n'ya na ako kailangang sunduin kung saan-saan nang may dalang pamalo. I chuckled at my thought.

Walang rehearsal ngayon at si Spanky lang ang kasama ko rito sa bahay. Nilingon ko ang asong lawit ang dilang nakatingala sa aming gate. Nasa bukid sina Lola, kasama si Chayen. Summer kasi at kailangan magpatubig para sa mga tanim. Irigasyon ang isa sa problema rito. May mga makina lang kasi kami para sa patubig, ikinakabit iyon sa mga poso na halos pinaglumaan na ng panahon. Minsan ay wala ng nasisipsip galing sa mga iyon, lalo na kapag ganitong tag-tuyot.

Sa sobrang pagkabagot ay nagtungo akong ilog, sa may likod ng bahay. Ilang Linggo rin akong hindi nagpunta rito. Busy sa ensayo.

Sa isang buwan na lumipas, natuyo rin ang ilog. Wala ng tubig. Puro tuyong dahon lang ang nakikita ko at ilang mga shells ng hindi ko kilalang species. Tahong lang ata ang alam ko sa mga 'yon. Nagpadausdos ako pababa at saka pinagpag ang puwitan ng suot kong sport shorts. Matagal-tagal na rin simula no'ng huli akong nabutasan ng shorts, lagot na naman ako kay lola kung sakali.

Naglakad ako sa tuyong ilog at tinungo ang tulay. Ilang sandali pa, I heard a strum of guitar. May tao sa tulay?

Nagmadali ako upang makumpirma ang narinig. But the moment I saw who's sitting on the bridge while playing a guitar, wearing a black t-shirt, dark blue maong pants and a boots, I wanted to back out. Ngunit dahil sa mga tuyong dahon ay napalingon agad s'ya sa langitngit ng una kong hakbang paatras. Kita ang gulat sa kan'yang mga mata ngunit nang makabawi ay itinabi rin ang gitara, saka ako muling nilingon.

"Hey..." Nakangiti n'yang bati.

Tumango lang ako at dumeretso ng lakad. Patungo sa kinaroroonan n'ya. Kaya lang ay nasa tulay s'ya samantalang nasa ibaba ako, kailangan kong umakyat.

Buti nalang din at hindi ako naka bestida. Kaya lang ay madulas paakyat dahil sa lumot, wala namang hagdan pa akyat ng tulay. May semeto lang na naka pa-slant at 'yon ang madalas naming dinadaanan paakyat at pababa, lalo na tuwing naliligo sa ilog.

"Shit!" Malutong akong napamura nang mapigtas ang tsenelas dahil muling nadulas. Mabuti nalang at napakapit na ako sa tulay.

"Damn. Be careful." Nilingon ko ang kamay na humawak sa aking braso, tinutulungan akong makaakyat.

Agad akong naupo para matingnan ang tuhod. Hindi na ako nagulat nang makita ang sugat doon dahil nararamdaman ko ng mahapdi kanina.

"Let's get you home now. Shit. Nasugat ka." Raja said worriedly but I just rolled my eyes, OA.

Lumingon ako sa paligid at tumayo nang makita ang puno ng bayabas sa kabilang dulo ng tulay. Raja stalked behind me. Nang marating ang dulo ay nagdahan-dahan ako. Hindi na iyon sementado at isang tsinelas lang ang suot ko dahil napigtas ang kapares. Baka mabubog ako.

Pumitas ako ng dahon at hinipan iyon. Ilang beses ko pang pinagpag para matanggal ang dumi, saka ko isinubo at nginuya.

"What the fuck?! Bakit mo kinakain 'yang dahon?" Muntik na akong mabulunan ng dahon ng bayabas nang marinig iyon kay Raja. Umubo pa ako nang kaunti saka iyon inulawa.

Kunot noo kong nilingon ang lalaking nasa gilid ko. "Ano? Rich kid. Psh." I murmured.

Naupo ako sa dulo ng tulay at marahang itinapal ang nginuyang dahon ng bayabas sa sugat na nasa tuhod.

"Is that even safe?" Makulit na namang tanong ni Raja.

"Kulit mo. Palibhasa laking betadine ka eh." Sinabi ko iyon nang hindi s'ya nililingon. Nasa sugat pa rin ang buong atensyon.

"H-hoy! Tinanong ko lang naman ah? That sounds very insulting." Humalaklak ako sa sinabi n'ya. Arte.

He tugged the neckline of my shirt and continued. "Tara na kasi. Malapit na lang dito ang inyo kaya doon mo na 'yan gamutin." Kunot noo ko s'yang tinitigan. Our conversation today is very different from our past conversations. Anong mayroon?

I sighed and stretched my legs while looking at the wound. Tiningala ko si Raja. "Hanap ka ng pako r'yan sa tabi-tabi. O 'di kaya alambre." Kumunot ang noo n'ya at akmang magsasalita pa pero inunahan ko na. "Dalian mo na!" Kakamot-kamot ulo s'yang sumunod. Hindi na nagreklamo.

Tumayo na rin ako at dumampot ng malaki-laking bato. Bumalik ako sa gitna ng tulay kung nasaan ang gitara n'ya. Doon ko rin kasi iniwan ang pares ng tsinelas ko.

Ilang sandali pa ay dumating na si Raja. Nilapag ang madaming pako sa semento, iba't iba ang sukat. Kinuha ko iyong pangalawa sa pinakamaliit at itusok sa ilalim ng tsinelas. Nang bumaon nang kaunti ay saka ko pinukpok nang bato hangang sa tumagos sa kabila. Tumayo ako at nagpagpag ng kamay saka isinuot ang tsenelas.

"Ano yan? Reusable? Sana ay tinapon mo nalang at bumili ka ng bago." Nakapamewang na sabi ni Raja.

"Hoy rich kid, madaming basag na kung ano riyan sa daan, gusto mo bang mabubog ako pauwi?" Inirapan ko s'ya at dinampot ang batong ginamit pati na rin ang mga pako. Ibinalik ko ang mga iyon sa gilid ng punong bayabas.

"Pwede naman kitang... buhatin nalang..." Hindi makapaniwala ko s'yang nilingon.

Hah!

Pinagsasabi nito?

"Pwede rin naman akong maglakad?" I said sarcastically and started walking. Huminto rin agad nang maramdamang nakasunod si Raja sa akin. "Saan ka pupunta? Doon ang inyo!" I pointed at the southern part of the bridge.

"I'll walk you home." He casually said and headed the way home.

Laglag panga akong natigilan. Hindi naintindihan ang sinabi n'ya. Ilang hakbang pa lang ay tumigil na rin s'ya at nilingon ako. Kunot ang noo.

"What? Let's go." Inirapan n'ya ako at nagpatuloy sa paglalakad bitbit ang gitara n'ya.

Ha?

Ano 'yon?

Lito man ay naglakad na rin ako at wala ng nagawa.

Akala ko ay panaginip lang ang pag-uusap namin kanina dahil tanaw ko na ang bahay namin at wala pa ring nagsasalita simula nang umalis kami sa tulay. But then he spoke midway.

"Marunong ka nito?" Isinenyas n'ya ang gitara. Hindi naman ako nagsalita at tumango lang. He grinned and continued asking. "What else can you play?" Nakatingin s'ya sa akin habang naglalakad. Nag-iwas ako ng tingin at sumagot.

"Just piano and ukelele."

"That's all?" Marahan n'yang tanong.

"And uh-beat box." Dagdag ko.

He pursed his lips and chuckled. "Sana all talented." Pagkatapos ay humalakhak ulit s'ya.

Hindi ko tuloy alam kung compliment ba iyon o sarcasm. Kaya hindi na ako sumagot at umirap nalang.

I opened our backyard gate and went inside. Hinintay kong makapasok si Raja at ako na rin ang nagsara ng gate.

"Good afternoon po." Agad akong napalingon nang marinig si Raja. Nanlaki ang mata ko at sinalubong ng yakap ang kung sino mang binati n'ya.

"Mommy!"

My mom laughed sweetly and called my Dad. "Nakauwi na ang dalaga!" He kissed my hair before letting me go from her tight hug.

"Kailan po kayo dumating?" Nalilito kong tanong at agad ding nakalimutan iyon nang makita ang ama. "Daddy!" I excitedly ran towards my dad and hugged him tight.

"What's up big girl? Surprise!" Daddy chuckled and looked behind. "Oh! You're with Rael?"

"Good afternoon, sir. Na-naabutan n'ya lang po ako sa tulay. Kaya.... inihatid ko nalang din po." Raja said awkwardly. Bahagya pa s'yang nakayuko na tila nahihiya.

"Kung gano'n ay mag meryenda ka muna rito at mamaya ka na umuwi. Sumabay ka na sa amin papunta sa inyo." My dad tapped Raja's shoulders.

Tinitigan ko si Raja nang may nanliliit na mata. He looked at me, too, raising his brows.

"Sure, sir." He formally answered.

"Ah! Drop the formality, hijo, tito is fine." Tinapik-tapik pa ni Daddy ang balikat ni Raja.

"Samahan mo si Rael sa sala, Fae. Bumili lang si Chayen ng meryenda, susunod din kami." Mom shooed us away.

Umirap ako at nauna ng maglakad. I heard Raja thanked my parents again before he followed me. Nakasalubong namin si Lola papasok ng kusina, ngumiti lang ako pero itong si Raja ay pabibo, nagmano s'ya kay Lola. Pakiramdam ko tuloy ay ang bastos kong apo, pero hindi naman kasi talaga ako nagmamano noon pa. I usually kiss my parents and Lola.

Kumportableng naupo si Rael sa sala. Tumayo ako sa harap n'ya at namewang.

"Pupunta sina Mommy sa inyo? Bakit? Bakit hindi mo sinabi kanina?"

"Pupunta kayo. Kasama ka." He said, emphasizing the word kayo. I was about to interrupt him but he continued. "I thought you knew so I did not bother. My mom said dadating ang parents mo at sa bahay kayo mag d-dinner." He casually said and just shrugged.

I sighed and walked out. Dideretso na sana ako sa kwarto kaya lang ay naalala ko ang sugat ko. Bumalik ako sa sala at kinuha ang first aid kit. Sumalampak ako sa sofa at binuksan ang kit kaya lang ay umepal na naman si Raja.

"You should wash that with running water first. Kanina ay nginuyang dahon ang inilagay mo d'yan. How gross." Umirap s'ya at naghalungkat ng magazine sa mesa.

Sa sobrang irita ay padabog akong tumayo.

"Bakla. Tss." I hissed and walked towards the bathroom.

Nagtungo ako sa kusina dahil naroon ang common bathroom. Hinugasan ko ang sugat ko at sinabon na rin.

Everything makes me feel uneasy. Maybe it doesn't show, but I feel uneasy. These weird interactions with Raja and all the conversations na akala mo naman ay close kami, o matagal nang magkaibigan. As far as I can remember, we've been strangers all my life. Siguro alam ang pangalan ng bawat isa, pero hindi tunay na magkakilala.

Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Chayen na nagtitimpla ng juice. May slices din ng cake na nasa tray na kaya lumapit na ako sa kan'ya para tumulong.

"Nand'yan si Rael ah. Saan kayo galing?" Pang i-intriga n'ya. Parang hindi naman talaga interesado dahil ang buong atensyon n'ya ay nasa juice na sinasalin sa baso.

"Naabutan ko lang sa tulay." Dinampot ko na ang tray at naglakad patungo sa sala para makatakas sa follow up questions n'ya.

Pagdating sa sala ay naabutan kong nagtatawanan ang mga magulang ko kasama si Raja. Inilapag ko ang dalang meryenda sa mesang nasa harapan nila at tahimik akong naupo sa single sofa kung saan ko iniwan ang first aid kit. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Chayen bitbit ang tray na may lamang juice. Naupo rin s'ya at nakisali sa usapan, nanatili naman akong tahimik habang abala sa sugat.

"Where did you get that, Faerie?" My Dad asked when he noticed me.

"Nadulas lang, Dad." I smiled and finally zipped the kit. Tapos ng gamutin ang sugat.

"Bakit ka nadulas? Saan ka na naman nakipaglaro?" Dad continued interrogating me with brows furrowed.

Umirap ako't napasulyap kay Raja. His lip rose a bit, like he's suppressing a smile. Inirapan ko s'ya.

"I wasn't playing! Nagpunta lang ako sa tulay, to kill some time, Dad. I was bored. And I don't play anymore." Putol-putol kong sagot. Kunot din ang noo habang nakatingin sa ama.

Humalakhak si Raja kaya nilingon ko na s'ya at tuluyan akong sumimangot. Humigpit ang hawak ko sa first aid kit, pinipigilan ang sariling ibato iyon sa kan'ya. This conversation is getting into my nerves and I don't know why.

"Just be careful next time, hija. You might get a scar." My mother said calmly. I looked at her and sighed.

"I'll go to my room now...." Mahina kong sabi.

"Take a bath first. Aalis tayo mamaya at ang dungis mo." Is this really my dad? Really? Or maybe this is normal? Iba lang ang pakiramdam because Raja is here, and he is witnessing it all.

Bumuntong hininga nalang ako't tumayo. Ibinalik ko ang first aid kit sa lagayan. I was about to head to my room when Lola spoke.

"Naku at talagang dalaga na ang apo ko!" She dramatically said. Hindi ko na iyon pinansin at tumuloy na patungong kwarto.

"She doesn't look like her age." It was my dad.

"She doesn't talk like her age, too." I heard them laugh as my mom say that.

"She's more mature than kids her age.... that's what I noticed."

Sigurado akong si Raja ang nagsabi no'n. Putol-putol at pahina nang pahina.

avataravatar