7 Kabanata 5

Don't

The remaining days of the rehearsals was tiring. We've been busy with the props and Roxanne would always pick a fight. It's not helping that my best friend is some kind of war freak. I guess she finds catfights entertaining. Kaya mas'yado ring patola.

Ito ang huling araw ng paggawa namin ng props at next week, sisimulan na namin ang practice para sa street dance. We're done with the festival dance. Kaunting polishing na lang at practice nang may props.

Roxanne has been vocal about her feelings for Raja and everyone teases them, except Marvi. She wants the ship to sink at iyon ang lagi n'yang bukambibig sa tuwing pauwi na kami. She's obviously jealous about it, I assumed she likes Raja.

"You're alone. Where's Marvi?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Sandali pa akong natigilan at hindi kaagad nakasagot.

"A-ah…Birthday ng Tita n'ya. They went somewhere in Poblacion." Naupo s'ya sa tabi ko at pumangalumbaba.

Raja wasn't able to pick me up for today's practice because he has something to do with their farm. I think it's a good thing because Marvi's away, leaving me alone with him. It would be a long ride if ever, kahit pa ilang minuto lang naman talaga ang layo ng Plaza mula sa bahay. I didn't expect him to come to our practice today because I thought he'd be busy, but he's here, having a chit-chat with me.

"Hmm. Sasabay ka kay Kapitan pauwi?" Mahina n'yang tanong. Halos hindi ko marinig kaya nilingon ko pa s'ya.

"Hindi na, Raja. Uuwi na rin ako pagkatapos pinturahan itong banga." 

Tinuloy ko ang ginagawa para rin matapos na. Maaga pa naman pero maglalakad ako pauwi dahil nagpuntang Munisipyo si Kapitan. Ayaw kong abutan ng dilim sa daan.

I'm painting the last banga. It's big and it's black. Artificial lang naman at gawa sa pinagpatong na maliliit at malaking batya. Hindi kakayanin kung totoong banga ang gagamitin dahil bubuhatin ito ng mga lalaking dancers.

I actually think that we'll win this year's festival dance. Noong huli ay third place lang kami at ang mga taga-Paniki ang nanalo. Galing sa Tarlac National High School ang lahat ng dancers nila at halatang pinaghandaang mabuti ang kompetisyon. They were synchronized at wala man lang   nagkamali sa buong performace. May isang dancer kaming nagkamali sa lifting noon pero ayos lang dahil nakuha pa rin namin ang third place. Ngayon ay malakas ang kutob kong mananalo kami. Bigatin ang props at backdrop. May inihanda kaming giant walis tambo at color rainbow iyon. Maging ang costumes ay mas makulay ngayon kaya siguradong may panama.

"Sasabay ako pauwi." Gulat kong nilingon ang nagsalita. My god! Nandito pa pala 'to? Akala ko umalis na rin s'ya kanina. Anong ginawa n'ya riyan? Pinanood lang akong pinturahan itong banga?

"Huh? Maglalakad ako pauwi." Lito kong sagot.

"Oo nga… maglalakad din ako." He licked his lips after speaking. Tila ba hirap na hirap s'yang sabihin iyon.

"Bakit ka maglalakad? Hindi mo dala ang motor mo? Naglakad ka papunta rito?" Sunod-sunod kong tanong. Sigurado akong kunot ang noo ko habang sinasabi ang mga iyon.

"Sumabay lang ako sa truck na naghatid ng costume. May kasabay ka na ba?"

"Wala…." Mahina kong sagot. Tumango lang s'ya at nakapamewang na nag-iwas ng tingin kaya nagpatuloy ako. "Ililigpit ko lang ang mga 'to, tapos ay umuwi na tayo."

Nilingon n'ya ako nang nakaawang ang bibig. Aligaga s'yang tumango at tiningna ang mga gamit na nakalapag sa semento. Tila may gusto pang sabihin pero pinili nalang na manahimik at tumulong.

Niligpit ko ang mga ginamit at tumulong mag-ayos ng iba pang mga bagay na gagamitin sa kompetisyon. Kaunti nalang kaming nagpaiwan para sa mga props pero nagpaalam na rin ako dahil ilang minuto pa ang lalakarin para makauwi sa amin, ang ibang mga naiwan ay malapit lang ang mga bahay.

Naabutan ko si Raja na nakasandal sa waiting shed sa labas ng Plaza. Hindi na ako nag-abalang tawagin s'ya dahil nakita n'ya naman ako agad at kusa na s'yang lumipat.

I noticed he likes wearing sweat shorts. I looked down and saw his slides. Hmmm, nike. I wonder what's the brand of his sweat shorts. Kung sapin sa paa pa nga lang ay nike na, paano pa ang salawal at damit? I looked at what I'm wearing. Just a random h&m high waist shorts and v-neck shirt. I sighed and realized that even my clothes are all branded. Kaya lang ay hindi hamak na mas mayaman ang pamilya nila kaya napapaisip pa rin ako.

"Kanina? Naglakad ka lang din papunta?" Nabingi na siguro ito sa ilang minutong katahimikan kaya nagsumikap ng magsimula ng mapag-uusapan.

"Maglalakad sana, pero nadaanan ako ni Diego kanina kaya sumabay na rin ako." Nginitian ko s'ya pagkatapos sabihin iyon. Kumunot ang noo n'ya at nag-iwas ng tingin kaya kumunot din ang noo ko.

I really have this heavy feeling between me and Raja. I feel like we're both uncomfortable with each other and yet we are here, trying to break some ice between us. But it is obviously not working.

He sighed and continued talking. "Kapag kasama mo ang mga kaibigan mo? Sumasabay ka rin ba kapag may nag-aangkas sa inyo?"

"Madalas hindi. Pero kapag tinatamad si Marvi, umu-oo s'ya agad sa mga gano'n kaya nakikisabay din ako." Nilingon ko s'ya at muling nagsalita. "Pero ikaw lang naman ang nag-aangkas sa amin nitong mga nakaraan." Tumango lang s'ya at wala ng idinugtong.

Inisip kong naubusan na siguro s'ya ng tanong kaya lang ay muli s'yang nagsalita.

"Saan ka mag-aaral ngayong high school?" Simple n'yang tanong.

"Hmmm. Sa CC lang din, tulad nila Marvi." Marahan kong sagot.

"I will move to CC this school year." Alam ko na iyon dahil nabasa ko sa timeline n'ya noong ini-stalk ko s'ya pero nilingon ko pa rin s'ya nang medyo awang ang bibig at nanlalaki ang mga mata. Kunwari ay gulat. Pero kailangan ko bang magulat sa impormasyong ito? Ano ngayon? Ano naman? It doesn't really concern me pero dahil naibigay ko na ang reaksyon ko, kailangan kong panindigan iyon.

"T-talaga? Bakit ka lilipat?" Kunwari ay nagtataka.

"Hindi ko naman talaga gustong mag-aral sa Camiling Catholic, pero pinagbigyan ko sila Mama ng dalawang taon para makalipat din sa CC." That's confusing. Ang mga schoolmates kong hindi afford ang private school ay gustong-gustong makapag-aral sa private school. Siguro kung sila mommy ang magdedesisyon at gusto nilang doon ako, baka doon nga ako mag-aral, o baka sa Lexcon. Kaya lang ay considerate sila sa mga bagay na gusto ko at hinahayaan akong mag desisyon nang mag-isa.

I wandered so much in my thoughts kaya hindi ko namalayang hindi pala ako nakasagot sa kan'ya. Ilang minuto na ang lumipas kaya weird siguro kung ngayon pa ako sasagot. I'd rather change the topic.

It's awkward hearing just the wind and the chirping of the birds when you're actually walking with someone. Sinubukan n'yang gumawa ng mapag-uusapan kanina kaya siguro, ako naman ang dapat na sumubok ngayon.

"Madalas kang tumambay sa rehearsals ah? Wala si Luis?" He chuckle on that. Kumunot ang noo ko.

"You don't call Chayen ate and you don't call Luis kuya, you're not really used to that, huh?" Sinabi n'ya iyon nang nakangiti. Halos tumatawa pa rin.

I felt like he just scolded me. But then he's smiling. "I feel more comfortable and close to them whenever I call them by their names." Ngumuso ako. "Why? Should I call you Kuya?" Mahina kong dagdag. Nakanguso pa rin.

"Nagbakasyon si Luis sa Maynila. Uuwi na rin iyon sa makalawa kaya baka sumama iyon sa aking manood sa mga practice n'yo." Humalakhak ako sa sagot n'ya dahil hindi naman iyon ang huli kong tanong. What's with him?

Hindi ko na rin ibinalik sa kuya at ate ang topic dahil hindi ko rin naman s'ya gustong tawaging kuya.

"Oh? Bakit? Wala ka bang ibang ginagawa sa inyo at lagi kang nasa Plaza?" Tumawa rin s'ya nang mahina at nilingon ako.

"Walang ginagawa, Fae. At nasa Maynila ako summer last year, kaya hindi ako nakapanood ng ensayo mo." Napawi ang naiwang ngiti ng tawanan namin kanina at nag-iwas ako ng tingin.

You made it sound like you watch our rehearsals because of me, Raja.

I wanted to voice it out, but I chose not to.

Tumikhim s'ya at kagat-kagat na ang labi nang nilingon ko. Muli akong nag-iwas ng tingin at tinanaw nalang ang kabahayang ilang hakbang na lang ang layo sa amin. Nang marating ang kanto paliko sa Plaza kung nasaan malapit ang aming bahay ay huminto ako at nilingon si Raja. Akma akong magpapasalamat at bibilinan s'yang mag-ingat kaya lang ay nauna s'yang magsalita.

"You don't sound like a seventh grader every time you talk. Don't grow up so fast, Faerie." Pagkatapos no'n ay nginitian n'ya ako't tinalikuran.

I was taken aback. Napako na sa kinatatayuan. Nanatili akong nakatingin sa kan'ya habang s'ya ay nakatalikod at nakapamulsa, naglalakad palayo.

avataravatar
Next chapter