webnovel

Kabanata 4

Done

"Bibili na tayo ng gamit mo sa school pagkatapos ng laban n'yo ng Festival Dance." Ani ni lola habang nagmemeryenda kami sa balkonahe.

"Po? Bakit? Hindi sila mommy ang bibili?" Nalilito kong tanong.

Madalas kasi ay sila mommy talaga ang bumibili ng mga kakailanganin ko sa school at ipinapadala nalang. Hindi ko kasi gusto iyong mga nasa bayan dahil puro mukha ng artista. Kaya sa Maynila pa talaga galing ang mga gamit ko.

"First time mo daw sa high school kaya gusto nilang ikaw naman ang mamili ng mga gamit na gusto mo. Pupunta nalang tayong SM dahil doon may National Bookstore." Mahabang paliwanag ng matanda.

Tumango lang ako't hindi na sumagot dahil ayos lang naman at wala na akong iba pang sasabihin.

Ala una pa lang pero nagmemeryenda na kami dahil alas tres mamaya ang ensayo. Sakto lang para makapagpahinga ako nang saglit bago gumayak. May libre namang meryenda at hapunan tuwing praktis kaya kung tutuusin, wala ng dapat problemahin.

Hindi na ako nag-abalang magtawag kay Marvi dahil natanaw ko agad s'yang palabas ng gate nila. Kinawayan n'ya ako't naglakad na papunta sa akin.

Sa aming tatlong magkakaibigan, mas close talaga kami ni Marvi dahil magkalapit ang bahay namin. Magkalaro din kami mula pa noong bata. Hindi katulad ni Saldrin na halos sa eskwela lang talaga namin nakakasama, hindi naman iyon dumadayo sa gawi namin dahil medyo malayo at madilim kapag ginabi na. Ang alam ko ay wala rin s'yang ibang kasa-kasama sa lugar nila dahil hindi naman iyon pala labas ng bahay at karamihan ng mga babae doon ay kalaro ni Roxanne.

"Hindi ba't kapag niregla ay dalaga na?" Tanong n'ya habang naglalakad.

Parang tanga lang, ewan ko ba. Hindi rin naman ako nag-abalang sumagot pa.

"Tingin mo papayagan na tayong mag boyfriend?" Dagdag pa n'ya.

Nilingon ko s'ya nang hindi makapaniwala. Parang tanga kasi.

"Kung ako, tingin ko naman papayagan ako. Pero kung ikaw, ewan ko lang kung papayagan ka." Sagot ko na kunwari ay seryoso. Ewan ko ba dito kay Marvi, parang gago.

"Ha? Bakit naman hindi ako papayagan?" Nalilito n'yang tanong.

"Eh kasi wala pa namang malalamas sa 'yo. Anong gagawin n'yo ng boyfriend mo?" Sagot ko pagkatapos ay humagalpak ako nang tawa.

"Hoy! Gago ka! Ang dumi-dumi mo, Faerie Elysia!" Gulat na gulat n'yang sabi. Namumula pa ang gaga.

"Anong madumi do'n? Nagsabi lang ng totoo, madumi na?" Humagalpak ulit ako't tuluyan nang napahawak sa tiyan. Hirap na hirap magpigil ng tawa.

Ngunit napawi rin ang kanina'y hindi mapigilang tawa nang matanaw ko ang pamilyar na motor at pamilyar na pigura ng katawan. Nang masiguro ko kung sino iyon ay agad kong binawi ang tingin at nagpatuloy sa paglalakad na parang wala lang. Hindi rin nagtagal ay naabutan kami nito at bumusina. Huminto kami sa paglalakad dahil huminto ang motor sa aming tapat.

Mayabang.

Inaalog-alog ako ng aking kasama. Kumurot pa ng isa pagkatapos ay bumulong ng "Si Rael!"

Gusto ko s'yang sabunutan at sagutin ng "Alam ko! Nakikita ko! May mata rin ako at magkasama tayo!" pero hindi na ako nag-abala pa. Hindi magandang tignan na sa tuwing dumadating s'ya ay nag-iiba ang aking timpla.

"Papunta kayong plaza? Sabay na kayo." Nakangiti n'yang tanong. Iyon lang naman ang sinabi n'ya pero bakit para sa akin, ang yabang-yabang ng dating?

"Hala? Nakakahiya naman..." Pabebeng ani ni Marvi. Kunwari pa. Umirap ako't hinatak s'ya para makaangkas na. "H-huy! Sasabay ba talaga tayo?" Habol n'yang hindi makapaniwala.

Nilingon ko siya't pinagtaasan ng kilay.

"Ayaw mo ata. Sige, 'wag na."

"Ito naman 'di na mabiro hehehe." Pabulong n'yang sabi, pagkatapos ay hinatak ako't mas malakas na nagsalita. "Tara na Faerie. 'Wag ka ng mahiya. Sumabay na tayo kay Rael." Laglag panga akong nagpakaladkad sa walang hiya kong kaibigan. Kung wala lang kami sa harapan ng lalaking ito ay siguradong kanina ko pa s'ya nasabunutan.

"Ayan, ikaw na maunang sumakay hehehe. Ako rito sa dulo." Sinamaan ko s'ya ng tingin bago sumampa. Dapat talaga ay tumanggi nalang ako kanina.

Pagdating sa Plaza ay sinalubong kami ng masamang tingin ni Roxanne. Bumaba kami ni Marvi at nagpasalamat kay Raja. Tatalikod na sana kami at dideretso sa madalas naming pwesto kaya lang ay bigla s'yang nagsalita.

"Sasabay ba ulit kayo mamaya?" Pagkatapos magtanong ay saka lang s'ya lumingon.

"Hindi, Raja." Diretso kong sagot habang diretso ring nakatingin sa kan'ya. Sumagot na ako agad dahil baka um-oo pa ang walang hiya kong kaibigan.

"Maglalakad kayo pauwi?" Kuryoso n'yang tanong. Tila handa ng umapila kapag nagpakita ako ng senyas ng pagsang-ayon.

"Sasabay kami kay Kapitan pauwi." Pinal kong sagot saka s'ya nginitian. Naglakad na ako palayo't tahimik namang sumunod ang kaibigan.

Iyon nga ang naging opisyal na simula ng ensayo. May ilang steps at formation pa rin kaming kinuha sa perfromace namin last year, pero lahat ng props at backdrop na gagamitin namin ay bago. Isang beses pa akong kinulit ng choreographer namin na mag reyna pero tinanggihan ko lang ulit s'ya dahil gusto ko talagang sumayaw. Hindi pa naman nakakapagod ang practice dahil simula palang, madalas ay nakadepende sa formation ang steps ng bawat dancers. Binigyan kami ng five minutes water break kaya naman dumeretso ako sa harap ng Barangay Hall dahil nandoon ang dispenser, nakalimutan kong magbaon ng tubig.

My bestfriend followed me and immediately ranted.

"Grabe! Ang sakit-sakit na ng mata ko katitingin d'yan kay Roxanne! Sana ay hindi nalang s'ya nagpunta dito dahil wala naman s'yang pakinabang at hindi pa s'ya kailangan!" Mabilis n'yang reklamo pagkatapos ay uminom ng tubig.

Hindi ko naman maintindihan kung ano ang pinanggagalingan n'ya kaya nalilito ko s'yang tinanong. "Ano bang pinuputok ng butsi mo, ha?"

"Engkasi nga! Di mo ba nakikita ha? Pa-cute nang pa-cute kay Rael! Hindi naman cute! Mukhang bull frog kulang nalang eh kumokak s'ya doon para pansinin s'ya!" Ngumiwi ako sa nginangawa n'ya.

"Eh hindi naman pala pinapansin, anong nginangawa mo d'yan?

"Wala.... eh nakakairita kasi..." Nakanguso n'yang sagot.

"Oh! Nandito pala ang malalandi?" Nilingon ko si Roxanne nang may blangkong mukha.

Ito nanaman s'ya sa mga walang kwenta n'yang patutsada. Kung pagsasamahin ang mga minutong pinanood ko s'yang mag-inarte sa harap ko, ilang taon na kaya ang nasayang ko?

"Kung sasabihin mong malandi ka, hindi na ako magtatanong kung bakit. Pero sige nga, bakit naman kami malandi, Roxanne?" Malambing na sagot ni Marvi. Kanina pa 'to iritang-irita kaya ngayon, patola.

"Duh! Isn't it obvious when the two of you shamelessly rode with him on his bike?" Maarte n'yang sabi na para bang napakatanga namin kung hindi namin iyon alam.

"Oh really? That makes us a flirt? You know what makes you the cheapest slut? Mataray na tanong ng kaibigan kong ayaw magpatalo.

Duh! Isn't it obvious when you shamelessly tried to get his attention, but he never bothered to give you even just a bit of it?" Rebutt ng malupit kong kaibigan. Gusto kong pumalakpak dahil gayang-gaya n'ya ang tono at kaartehan ni Roxanne.

But fighting over a guy is cheap and petty. I refuse to attach myself in this kind of feud. There is more to life than men, and love. Also, we are too young for this.

"H–h-ha!? How dare you!?" Hindi makapaniwalang ani ni Roxanne. Tsk. Kapag mainit ang ulo ni Marvi, hindi dapat sinisimulan ng gan'yan. Fluent 'yan mag english kapag galit. Pero kapag recitations, utal-utal.

Tinapos ko na ang pag-inom ng tubig at niyaya ng bumalik sa practice ang kaibigan.

Tinalikuran namin ang laglag pangang si Roxanne kasama ng mga alepores n'yang walang pakinabang. Naabutan namin ang mga kasamang nagpapahinga at sinalubong kami ni Raja na may dalang meryenda. Naupo ako sa sementadong pasamano at tinanggap ang pagkaing inabot n'ya.

"Alas singko na kaya nag-announce na din pala ng meryenda. Ang tagal n'yong makabalik kaya nagtabi nalang ako ng para sa inyong dalawa." Kwento ni Raja pagkatapos ay nakisalo sa amin ni Marvi.

"Naku! Natagalan kami dahil madami kaming nakasalubong na basura." Marvi said with full of sarcasm.

"Oo. Niligpit n'ya muna." Sapaw ko habang nakaturo sa kaibigan. Nilingon ako ni Marvi at sabay kaming tumawa. Napatingin kami kay Raja at lalong natawa sa reaksyon n'yang walang kaalam-alam.

The practice for this year's festival dance was fun. Raja is always present to bring snacks. Naging bihira ang pagdalaw ko sa may tulay dahil ang mga araw na walang ensayo ay ginagawa kong pahinga. I would rather stay at home and paint, or play my guitar. The free time on our practice has been our hangout time and it was nice seeing Raja get close to people I never expected he'd be close with.

Roxanne's feelings for him was obvious and her moves were annoying. We were practicing for almost three weeks now and finally, we are done with the festival dance.

Sa araw na ito ay props ang gagawin namin. Nasimulan na namin iyon noong isang araw at pipintahan nalang halos lahat. Sa tingin ko ay mananalo kami ngayon dahil bongga ang mga props at lahat ay malalaki, hindi katulad last year.

Lagi kaming nadadaanan ni Raja sa tuwing naglalakad kami papuntang practice. So he offered to pick us up, instead. And Marvi, being shameless, agreed without giving it a second thought. Hindi man lang nagpakipot para pag-isipan. Hindi na ako umapila dahil pareho naman kaming makikinabang, hindi na kami naglalakad dahil kapag pauwi ay sumasabay kami ni Marvi kay Kapitan.

Dali-dali akong dumungaw sa salamin nang marinig ko ang pamilyar na busina, kahit nagmamadali ay nagawa ko pang magsuklay nang ilang sandali para masigurong maayos ang itsura ko. Nakuntento lang ako no'ng narinig ko na ang sigaw ni Lola.

"Faerie! Nandito na si Rael!" Agad akong lumabas ng kwarto at nagdahan-dahan lang noong palabas na ako ng sala. Nangunot ang noo ko nang hindi ko naman matanaw si Raja sa may gate namin, doon kasi s'ya madalas nag-aabang.

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko.

"You ready?" Nakahawak pa ako sa dibdib nang lingunin ko s'ya. Nagtataka kung bakit s'ya galing sa loob ng bahay namin. Gulat pa rin akong tumango at marahan naman s'yang humalakhak.

"Galing ako sa kusina n'yo. Inuhaw ako eh." The ghost of smile did not escape my eyes. Tingin ko ay nagpipigil pa rin s'ya ng halakhak. He even bit his lips.

Napakagat din ako sa labi at tumango. "Pasensya na, natagalan."

"It's fine. It's still early, anyway." He said while looking at his wristwatch. "You sure you're done?" Marahan n'yang tanong.

Even if weeks have passed, I am seriously not used to this, having him around and hanging out with him. Iniisip ko nalang na hindi lang naman kami ang magkasama at masyado pa akong bata para bigyan ito ng kahulugan.

Maybe he only see me as her younger sister, that's it, Fae. That's it.

"I'm done, Rae-Raja." I fucking stuttered and he just chuckled!

"Let's go." Ngumiti siya't hinawakan ako sa braso. Agad din n'yang binitawan iyon nang lingunin ko.

Pansin ko ang pareho naming pagkailang pero nakangiti pa rin n'yang inilahad ang daan.

Next chapter