5 Bola 4.0

Kita sa mga mata ng lalaki ang sinceridad sa paghingi niya ng tawad. Kaya sa halip na mag inarte ay ngumiti na lang ako sa kanya.

"Ok lang. sorry din sa abala." Nahihiya kong sabi

"Naaah its fine." nakangiti niyang sabi kahit diretso ang tingin niya.

Tatlong building pa ang dadaanan namin bago ang clinic. Waaahhh !!

"OMG !! Ang swerte naman niya"

"Siguro sinadya niya yan para buhatin siya ni Troy !"

"Hmp! Feel na feel naman niya!"

"If I know sinadya niya ang nangyari, hmp!"

At wow makabulong sila ate !

Sa inis ko ay sinigawan ko sila na siyang nakapagpatigil saamin .

"Bubulong pero naririnig ko naman?! Gusto niyo turuan ko pa kayo ng tamang pagbulong?!"

Natakot ata sila kaya nagsialisan naman. At itong kargador ko naman ay maihuhulog na ata ako sa kakatawa.

"HAHAHAHAHA!!! What ... what the hell ! Hahahahah!" grabeng tawa niya! Makikinita na din ang luha sa gilid ng mata niya dahil sa kakatawa . Baliw na ata tsk tsk

"Baka gusto mo huminga?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Na agad naman niyang napansin.

"Oops sorry" at saka siya nagpigil ng tawa na halata namang hirap na hirap.

"Saya mo ah "

"Its just that...." nakangiti siya nang tumingin saakin na halatang natatawa pa din . Aba kung di niya lang ako buhat buhat ay nilayasan ko na itong baliw na ito .

"Its just that ?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing"

Mukha namang di niya makuha ang sasabihin niya kaya umiling na lang siya at nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.

Di ko na lang siya kinibo dahil mas naramdaman ko ang kirot ng aking tuhod.

Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa School Clinic. Inihiga niya na lang ako sa isa sa mga kama at saka dumalo saamin ang nurse.

"Ano nangyari ?" Tanong ng nurse saamin.

"ah-- ," napakamot nanaman siya sa batok niya. " its my fault napatid siya sa bola ko "

Tinanguan lang siya ng nurse saka umalis para kunin ang first aid kit .

Itinaas ko ang pantalon ko para makita kung gaano kalala ang natamo ng binti ko. Narinig kong suminghap si Troy nang makita ang sugat ko, nilingon ko siya at parang naubusam na siya ng dugo at namumutla siyang nakatingin sa sugat ko,

"Shit! that's big! Im sorry, Mukhang masakit talaga yan" sa laki ng sugat ko, pakiramdam ko ay magiging peklat ito

Di ko na lang siya sinagot dahil nakabalik din naman agad ang nurse para gamutin ang mga sugat ko. Nauna ay ang sa tuhod at talagang napadaing ako sa hapdi .

"I'll wait for you. Baka mahirapan ka maglakad so I'll be your feet" ani niya saka pinasadaham ng tingin ang mga sugat ko na mas lalong ikinaputla niya

Ano daw ? Anong feet? Masyado siyang gwapo para maging paa!

Mamaya na nga lang siya. Masyadong mahapdi itong nilalagay ng nurse .

"Malaki at malalim ang mga sugat mo, buti at hindi natamaan ang mga buto kasi kakailanganin mo mag crutches kung ganoon" sambit ng nurse, thank God at hindi umabot sa ganoon ang mga tuhod ko!

Matapos malinisan at malagyan ng bandage ng nurse ang mga sugat ko ay sinubukan ko ng tumayo . Buti na lang at nakakatayo naman ako pero hindi nga lang ako makalakad

"Ahm.. ano po, hindi po kasi ako makalakad. Masakit pa din po yung tuhod ko " sabi ko na lang sa nurse. Nginitian niya naman ako

"Ganyan talaga kasi malaki ang sugat mo . Pag gumaling galing at napahinga yang tuhod mo di ka na mahihirapan "

Tumango naman ako sa sinabi niya . Kung ganun baka matagalan pa . Haay

"Dont worry. Im here " sabi ng lalaking nakatayo sa likod ko ngayon at kanina pa ako hinhintay na matapos

"Ahm ah o- ok . Sorry talaga sa abala. Kahit pahatid na lang sa dorm" sabi ko nang humarap ako sa kanya.

"Ok. No biggie" at saka niya ako binuhat nanaman. Buti na lang at sa kabilang building na lang ang dorm namin .

Iniakyat niya ako hanggang sa kwarto . Kasama ang Supervisor dahil bawal ang lalaki sa dorm ay sinamahan niya kami hanggang kwarto ko. Pero naghintay lang siya sa labas.

"Ahhh... thank you " nahihiya kong sagot .

"No. Im sorry . Ah ito nga pala nahulog mo din kanina" iniabot niya saakin ang cellpone ko.

"Oh! salamat "

"Inilagay ko jan ang number ko . Call me pag may pupuntahan ka naka speed dial #1 haha. Its my fault too so I have to carry you around"

Nagulat naman ako sa sinabi niya at di ko nagawang makasagot sa kanya. Speed dial # 1 talaga ? Pinalitan na niya si Papa? -__- at carry me around ? What?

Tinalikuran niya na ako at naglakad na papuntang pintuan . Bago siya makalabas ay huminto siya .

"By the way. If ever that you need me. Just ask anyone for Troy Justin Viiperi. Rest now, Romee"

At saka na siya tuluyang lumabas sa kwarto ko at sinara ang pintuan .

avataravatar
Next chapter