3 Bola 2.0

"Ah eh, kami nga po. " napakamot pa sa batok ang lalaking nagsalita .

"Since kumpleto na kayo, as usual dapat kayo magpakilala sa amin " pagpapatuloy niya, tulad ni coach ay hindi din nalalayo ang edad nila, although mas matanda lang si Ms. Oriano.

"Girls First, "nakangiting sabi saamin ni Coach.

"Mauna ka Ces!" at sinabayan pa namin ng tulak ni Hill. Akala namin masusubsob siya. Sinamaan niya na lang kami ng tingin

" Good Morning po, Im Frances Zhan Estrada. Nice to meet you po " nakangiting pagpapakilala ni Cess .

Sumunod naman ay si Hill.

"Hello! Ako po pala si Hillary Yantrel Fajardo, wag niyo po kami masyado pahirapan ha"

At nagsitwanan pa ang higher years bago ako pumunta sa harap para magpakilala

"hello! Im Romee Allessandra Rivera pero Ally na lang tawag niyo saakin ."

"Wow ang tangkad mo, anong height mo? " tanong saakin ng isang higher year

"5'9 po" tipid kong sagot pero nakangiti pa rin

Sumunod naman nagpakilala ang mga kasabayan naming mga lalaking freshmen.

At sa nakikita ko, lahat sila dito sa Judo department ay marunong makisama . After all teamwork is one if the most important thing when it comes to sports.

Inatasan din naman ni Coach ang isa sa mga babaeng varsity para ihatid kami sa dorm. Hindi na namin pinuntahan ang natitirang lugar na di namin napuntahan sa tour kanina dahil tinatamad na talaga kami .

Papasok na kami sa Girls Dormitory ng may makabangga kaming 3 babae. Dahilan para mapaupo si Hill dahil siya ang nasa harap namin kanina .

"Aray!"

Sa halip na magsorry sa kanya ang tatlong babae ay inirapan lamang siya nito at dinaanan lang. Aba bastos !!!!

"Hoy . Bulag ka ba o tanga ? Di mo ba nakita na nabangga mo ang kaibigan ko?a" Akala niya matatarayan niya ako?

"Hindi namin kasalanan kung tatanga tanga siya, duh! di siya tumitingin sa dinaanan niya " at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa bago inirapan .

Aba sumosobra na to ah ! Lalaitin niya pa si Hill !

"Aba ang kapal mo naman! Kayo, nakita niyo ng mabubunggo kayo hindi din kayo umiwas? Mas tanga kayo!" Sumbat naman ni Ces na halatang bwisit na din

"Gosh girls, look at them babae ba sila? Bakit ganyan itsura nila?" At nagtawanan pa sila, pigilan niyo ko ! sasapakin ko na to! inhale Ally, kalma

Akala niya aatrasan ko siya, Hell no !

"Oops! I see , nakakahiya naman sainyo. Mukha nga kayong babae pero ugaling aso naman. Tsk tsk. So if you dont mind, excuse me mauna na kami at magbantay muna kayo ng Girls Dormitory"

At saka ko sila inirapan bago namin sila nilagpasan at tumuloy sa paglalakad. Hindi pa kami nakakalayo ng marinig namin ang lider ng mga aso

"What the Fvck! You bitch!"

Muli akong napaharap sa kanila at sinabing, "Oh I think you're mistaken . A bitch is a female dog for your information and as we all know you just confirmed your identity awhile ago" Saka ko sila tinaasan ng kilay bago talikuran

"Naks ! Taray mo bruh!! " Nag apir pa si Hill at Ces. Narinig ko muli silang nagmura pero hindi na namin sila nilingon

Aba hindi ako pinalaki ni papa at kuya para alipustahin lang!

Dumiretso na lang kami sa kwarto ko at napagdesisyonan na doon na lang tumambay.

Nagdadaldalan nanaman si Cess at Hill tungkol sa mga lalaki nila sa buhay habang ako walang imik sa pinaguusapan nila

Nakaramdam naman ako ng antok at napagdesisyonan na itulog na lang kesa mag sayang ng oras sa kalandian ng dalawa kong kaibigan.

Haay what a day ! First day na first day away agad ?!

Nagising ako ng tahimik ang aking kwarto. Nakita ko na lang sa bakanteng kama sa tabi ko ang dalawang kaibigan ko na kanina lang ay lumalandi ang usapan na ngayon ay mahimbing na ang tulog.

Wala naman ako magawa dito sa kwarto kaya naisipan ko na lang muna maglakad na lang muna sa labas. Nagsweater na lang ako dahil mukhang malamig sa labas.

Grabe ang swerte ko talaga at nakapasok ako dito sa paaralan na ito . Akala mo nasa maliit na maunlad na syudad ka pero sa totoo ay nasa loob ka lang talaga ng vicinity ng paaralan. Kung gusto mo maikot ang XSU ng di napapagod at may pera ka naman ay pepwede ka ng makasakay sa mga service dito.

Pero di biro ang makakuhang pera dito. May sarili kasing pera ang XSU. Bucks ang tawag nila actually. Kaming mga freshmen ay nasa minimum lang ang allowance 500 bucks a week lang. yun na yun! Kung gusto mo tumaas ang allowance mo dapat ay makita ng mga investors sa school na ito ang improvement mo kundi baka mangayayat ka sa 500 bucks na bigay nila! Ang mga star players, ace at basta magagaling sa larangan nila ay naguumapaw sa mga bucks at sponsors. May kanya kanya na nga silang sasakyan at walang kahirap hirap na nabibili ang mga luho nila.

At ito nga 10 bucks ang pamasahe ng service!!! Kailangan ko magtipid kaya lalakarin ko na lang.

Nasa likod ako ng Academic building ng mapansin kong napakaganda at payapa ng lugar na ito. Payapa dahil ito lang ata ang lugar sa school na ito na walang tao. Malinis ang paligid. Well trimmed ang mga damo at pati puno ay makikita mong pantay pantay ang pakakatabas. Siguro dito na lang ako tatambay pag vacant ako

Naglalakad lakad lang ako habang kumukuha ng mga litrato ng may lumapit sa aking aso. Aso?? Paano nagkaroon ng aso dito? At hindi lang basta aso, ang cute!! Mabalahibo ito at tingin pa lang sa puti at makapal na balahibo nito ay halatang malambot na!!! hindi ko alam kung anong klaseng aso ito, hindi naman siya poodle or terrier dahil matangakad it. hahawakan ko na sana siya ng bigla siyang tumahol. Ay ayaw ata saakin?

"Hey cutiiieee! Ang cute mo naman! Naliligaw ka ata, di naman ako nangangagat kaya lika na" at naggawa ko pang kausapin ang asong ito .

Muli itong tumahol. Mukhang ayaw niya talaga saakin! Eh bakit pa siya lumapit?

"Nagagandahan ka ba saakin kaya tahol ka ng tahol? Naiinggit ka?" natawa pa talaga ako sa sarili. sige lang Ally ipagpatuloy mo yan.

"Di bale cute ka din naman pero tanggapin mo na lang na mas maganda ako. Kaya pakarga ka na saakin " akma ko ng hahawakan ang malambot niyang balahibo nang

"Ikukumpara mo talaga sarili mo sa aso ? Pwede na pero talo ka pa din"

Nagsalita yung aso?

"Omg !!! Doggie nagsasalita ka ?!"

"Tanga" nagmumura ka din ?

At may naramdaman akong bola na tumama sa ulo ko. WTF !!!!! Napalingon na lang ako kung saan nanggaling ang bola

Nasisilaw ako sa sinag ng araw kaya hindi ko masyado makita kung sino ang lalaking naglalakad patungo sa direksyon ko. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makalapit siya at tuluyan nang nalaglag ang panga at matres ko.

avataravatar
Next chapter