Webnovel

23 Chapter 23: Give and Take

Now playing: Kay tagal by Mark Carpio

Jema POV

Magkahawak ang aming mga kamay habang palakad lakad sa loob ng mall. Hindi na kasi namin naisipan pa na bumalik sa aming mga klase at pinagpatuloy na lamang ang pagliliban sa buong araw, sa klase.

Isa pa, bukas na kasi ang simula ng Tournament, tiyak na magiging abala na kami pareho ni Deanna at mawawalan na rin masyado ng oras sa isa't isa. Kaya mas maigi na i-enjoy nalang namin ang araw ngayon na magkasama.

Ang buong akala ko eh hindi na ako nito patatawarin pa. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung nagkataon. I don't ever wanna lose her. I have met a lot of people in my life, but with her, it is different. No one can ever compare with how much impact her have made in my life. She have affected my life positively, and I am sincerely grateful for coming her into my life.

Hindi ko maiwasan kanina ang manalangin na sana ay pakinggan nito ang mga paliwanag ko. Na sana ay dinggin ng maykapal ang bawat pagsusumamo ko na huwag naman sanang tuluyan na mawala sa akin ang babaeng minamahal at higit na pinahahalagahan ko.

Kung saan saan lang kami pumupunta, manonood ng sine, kakain, at pagkatapos ay maglilibot muli na parang naliligaw sa loob ng mall. Ang saya-saya lang sa pakiramdam na parang kanina lamang ay nag-iiyakan kami sa rooftop, ngayon naman ay punong puno na muli ng saya ang aming mga damdamin.

Habang tumatawa ito ay hindi ko namamalayan ang aking sarili na nakatitig lamang pala ako the whole tile sa kanyang mukha atsaka napapa ngiti rin na parang ewan. Nakakatunaw sa puso ang kanyang mga tawa at boses. Parang gusto ko tuloy malusaw sa kanyang harapan dahil sa kilig. Ugh!

Napa ngiti ito sa akin bago napa kamot sa kanyang batok. "Nakakatunaw ka naman kung tumingin. Para naman akong mawawala sa paningin mo niyan." Nahihiya na komento nito. Kinuha niya ang aking kamay bago iyon hinalikan. "Sayo lang ako. Don't worry, hindi rin ako mawawala." Pagkatapos ay matamis itong muling napa ngiti sa akin.

Napadaan kami sa event center ng mall, sakto dahil mayroong event ngayon na ginaganap at halos puro mga musician ang nandito. Medyo may karamihan din ang mga nanonood na tao, na sa tingin ko ay mga pamilya at kaibigan ng mga nagtutugtog.

Napa tikhim si Deanna. "Gusto mo ba kantahan kita?" Napalunok ako habang nanlalaki ang mga matang nakatingin rito.

"No. I'm fine." Kagat labing sabi ko rito atsaka napa yuko upang pagtakpan ang pamumula ng aking pisnge. Mabilis nitong hinawakan ang dulo ng aking baba bago ini-angat iyon upang muling salubungin ang kanyang mga tingin.

Napa musyon ito sa may unahan. "Halika, hindi dapat pinalalagpas ang pagkakataon na ganito." Sabay hila nito sa aking kanang braso.

"T-teka Deanna---" Pipigilan ko pa sana ito ng umakyat na ito sa mini stage at nagsimulang pag tinginan ng mga manonood.

Kinakabahan na napa tingin ako sa paligid, sana naman walang mga media na nandito. Tiyak na malalagot ako kay daddy kung mayroon mang kahit isa na makakakilala sa akin at sa oras pa ng klase.

Lumapit si Deanna sa may mikropono. "Hello, everyone!" Sandaling napatigil ito at hinintay na matapos ang hiyawan at palakpakan ng mga nasa paligid.

"Hmmmm..." Napa tingin ito sa akin bago ako binigyan ng isang malawak na ngiti. Awwww! Shit! That killer smile of her makes me weak as always!

Nagbawi ito ng tingin bago sandaling lumapit sa nagtutugtog ng piano. May ibinulong ito doon na siyang dahilan upang mapangiti at mapa tango ito sa kanyang sinabi, pagkatapos ay napatayo ang lalaki na doon ay naka upo atsaka pumalit sa kanyang pwesto si Deanna.

Wait...kaya niya bang tumugtog ng piano? Gulat na tanong ko sa aking sarili habang amazed na nakatingin sa girlfriend ko.

"Nice one, Deanna!" Sigaw ng babae sa may hindi kalayuan bago naghiyawan ang kanyang mga kasamahan.

May iilan naman na napapasipol pa. "That's my girl!" Sigaw pa ng ibang mga manonood habang napapatili.

Kusang kumunot ang aking noo dahil sa hindi naman talaga maitatanggi na ang girlfriend ko ay isang sikat. Bilang isang magaling na atleta at madalas pang mapanood sa TV ang kanyang mga live game.

"Ang kantang ito ay dedicated ko sa aking girlfriend." Awtomatikong natahimik sandali ang kapaligiran. May naririnig pa ako na nagbubulungan, habang ang iba naman ay napapa 'awww'

Napa tinging muli sa aking gawi si Deanna bago ako kinindatan pa. "She's right in front of me guys, kaya behave lang ako." Parang gusto kong mahiya sa lahat ng mga tao na nasa aking paligid na ngayon ay naka tingin na sa akin. Ngunit mas pinili ko ang itaas ang aking noo at bigyan ang mga ito ng malawak na ngiti.

I'm Jemalyn Galanza, remember? Hindi dapat bumabaluktot ang aking buntot lalo na sa mga pagkakataon na ganito. Proud na proud sa akin ang girlfriend ko, kaya dapat lamang din na maging proud ako sa kanya bilang girlfriend niya.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ito sa pag tugtog at nagsimula na rin sa kanyang pagkanta habang ang kanyang mga mata naman ay naka pako lamang sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapa kagat muli sa aking labi at mamula ang mga pisnge.

'Akala ko ay 'di pa handang

Muling tumibok ang damdamin

Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko

Hindi kailangang umimik

Nagdadaldalan lang sa tingin

Saan ka ba nanggaling bakit ngayong lang'

Everything about her makes me realize how truly lucky I am to have met her, makes me appreciate life, to know that there is someone who loves me and makes my heart feel warm.

'Oh kay tagal kitang hinanap

Oh kay tagal ko ring nangarap

Na makapiling ka

Oh aking mahal

Pangakong hindi ka iiwanan

At hindi pababayaan

Oh anong saya ang nadarama'

Narinig ko na lamang din na sinasabayan siya ng lahat ng mga manonood sa kanyang kinakanta. Napapa wave din sila ng kanilang mga kamay habang mayroong ngiti sa kanilang mga labi. I really can't believe na nagmahal at minahal ako ng babaeng katulad niya. She's really worth to wait.

Habang pinapanood ito sa kanyang pagkanta, hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha ngunit kaagad ko rin iyong pinunasan. Napaka pure kasi ni Deanna kung magmahal, alam ko sa sarili ko na wala na akong mahahanap pa na katulad niya dahil nag-iisa lamang siya.

'Di kailangang magpanggap

Walang kailangang baguhin

Sadyang ginawa para sa isa't isa'

Oo, ginawa nga yata talaga kami para sa isa't isa. Match kami eh. Hindi ako magiging ako kung walang siya, at hindi siya magiging siya kung walang ako. Sa madaling salita, wala na kaming iba pang kakailanganin kung hindi ang isa't isa.

'Di kailangang magmadali

Buti na lang 'di pinilit

Alam ko naman na ikaw ay darating'

Bakit pakiramdam ko eh lahat yata ng lyrics ng kanta ay ginawa para sa akin? Natatawa na wika ko sa aking sarili.

Katulad ng kanta, alam kong darating din talaga ang araw na magiging samin ang mundo ng isa't isa. Mabuti nalang dahil naglakas loob ako na gumawa ng paraan upang mapalapit ito sa akin. No matter what it costs, gagawin ko talaga ang lahat para sa babaeng ito. Para kay Deanna.

'Oh kay tagal kitang hinanap

Oh kay tagal ko ring nangarap

Na makapiling ka

Oh aking mahal

Pangakong hindi ka iiwanan

At hindi pababayaan

Oh anong saya ang nadarama'

Nang matapos ito sa pagkanta ay kaagad na nagpalakpakan muli ang mga manonood kasabay ang muling malakas na hiyawan. Nagpasalamat si Deanna sa kanila bago muling bumaba ng mini stage at naglakad patungo sa akin.

Isang mainit na yakap ang ibinigay nito sa akin ng makarating sa aking harapan. Ang tamis tamis niya, sobra!

Naka akbay ang kaliwang braso nito sa akin habang naglalakad na kami papalayo mula sa event center na iyon. Hindi mabura bura ang nakakaloko at malawak na ngiti nito sa kanyang mga labi hanggang sa makarating kami sa parking area.

Napa tingin ako sa paligid, nang mapansin na wala naman masyadong tao ang dumaraan ay mabilis ko itong hinila sa kanyang braso bago sinalubong ng mainit na halik. I can't help it but to kiss her. Kanina ko pa pinipigilan iyong nararamdaman kong ito dahil wala na namang mapag lagyan iyong saya na nararamdaman ko.

Pinutol nito ang aming halikan atsaka napatingin sa aking mga mata. "Jema, nasa parking area tayo pwede ba---

Reklamo sana nito ngunit hindi ko na siya pinatapos pa nang putulin ko ang kanyang sinasabi gamit ang aking labi.

Finally, she gladly welcomes it. The kiss was full of passion and lust. And the lust I'm feeling at this moment of time is uncontrollable. I want her so bad right now. Gumalaw ang mga kamay nito na kanina lamang ay sa aking balakang paakyat sa aking hinaharap. While we fight to control, she push me against the door of my car. Sinusubukan ko na itulak ito pabalik ngunit mas malakas ito kaysa sa akin. Hinawakan nito ang dalawa kong kamay bago niya iyon inilagay sa itaas sa aking uluhan. Mas idiniin din nito ang kanyang katawan sa akin na mas lalong nagpapainit ng aking nararamdaman.

She disconnect our lips and find a new place for her. She softly start kissing on my neck and I lets quiet moan. Mabilis na nakapa nito ang tarangkahan ng aking kotse bago iyon mabilis na binuksan. Buong lakas na binuhat ako nito paloob habang ang aming mga labi ay magka dikit na namang muli.

Marahan na isinandal ako nito sa upuan sa loob. Habang ang kanyang mga kamay naman ay patuloy parin sa paglakbay sa aking katawan. Hindi nagtagal ay kusa nitong pinutol ang aming mainit na ginagawa atsaka napatingin sa aking mga mata.

"Hindi natin pweding gawin ito dito." Sambit nito. Napakunot ang aking noo dahil ang ayoko sa lahat ay iyong nabibitin.

"Kaya pwede ba umuwi na tayo? Habang mahaba pa ang oras at wala pa ang nanay sa bahay." Dagdag pa niya.

Napa kagat ako sa aking labi bago natawa sa kanyang sinabi. May kung anong kumiliti rin sa aking loob dahilan para mamulang muli ang aking buong mukha.

"Of course! Everything about you seduces me, Deanna. Kaya kailangang ituloy natin ito kung ayaw mong awayin kita." Pabirong sabi ko rito bago dinampihang muli ang kanyang labi at pumunta sa driver seat para maka uwi.

Next chapter