Webnovel

17 Chapter 17: Only Me and Her

Deanna POV

"The stars shine wherever you go." Biglang komento ni Jema na siyang dahilan ng pagbasag ng katahimikan. Napalunok ako noong sandaling dumampi sa aking ilong ang amoy ng mabango nitong buhok.

"Thank you!" Buong puso na pasasalamat ko sa kanya habang naka upo kami rito sa ibabaw sa harap ng kanyang kotse. Habang naka sandal naman ang kanyang ulo sa aking balikat at naka tingin sa kalangitan na mayroong nag gagandahan at kumikinang na mga bituin.

Nasa may parang mataas na parking kami ng isang building kung saan makikita at matatanw mo ang buong syudad ng kamaynilaan. Isama mo na rin ang magandang kalangitan na kanina pa namin tinitignan.

Pagkatapos kasi ng celebration kanina sa University ay kaagad akong ipinaalam ni Jema kay inay na mayroon kaming pupuntahan. Kaya't agad naman na pinayagan siya nito. At heto nga, dito kami napunta sa gusaling ito.

"Ito ang pinaka masaya na naging kaarawan ko, dahil sayo." Muling wika ko pa bago hinawakan ang kanyang kamay na napatong sa aking legs.

Sa totoo lang, hindi ko kasi alam kung papaano ko pa ba siya pasasalamatan dahil sa ginawa niya ngayong araw pa lamang. Sobrang hindi na ako makahinga dahil sa sayang nararamdaman. Wala na itong mapaglagyan. Iyong tipong kulang kung hahalikan ko siya sa harap ng maraming tao kanina para lamang mapakita sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat at ka swerte na nakilala ko siya.

"No, Thank you!" Tugon nito bago napa angat ng kanyang ulo at sinalubong ang mga mata ko.

Napa ngiti ako noong sandaling magtama na ang aming paningin. Para kasing hindi ko na kailangang tumingin pa sa langit dahil sa mga mata palang niya, nandoon na ang mga bituin na nagkikislapan.

Napa kagat ako sa aking lower lip upang pigilan ang kiliting nararamdaman sa aking loob.

"Thank you! Dahil sayo, may rason na ako para maramdaman ang saya ng mabuhay sa mundo." Dagdag pa niya. At tila ba parang naging seryoso ang tuno ng boses nito.

Binasa ko ang aking labi gamit ang dulo ng aking dila nang sandaling bumaba ang mga tingin nito sa mga labi ko. Madiin na napalunok din ako bago napa iwas ng tingin.

Ang lapit na naman kasi ng mukha namin sa isa't isa. Kaya hindi ko rin mapigilan ang hindi makaramdam ng sobrang kaba sa aking dibdib. Ngunit kahit isang segundo ay hindi man lamang nito inaalis ang kanyang mga mata sa aking mukha.

"I wish I could write across the sky my feelings for you, so that everyone could see it. But instead, I will kiss you and hug you so that you know you are truly loved Deanna." Dire-diretso na bigkas nito dahilan para mapayuko ako.

Shit! Anong gagawin ko kapag hinalikan na nga niya ako? Natataranta na tanong ko sa sarili. Hindi ko alam kung paano magrereact, ito ang kauna-unahang pagkakataon na mahahalikan ako ni Jemalyn Galanza. Mahahalikan ng babaeng gusto ko.

Isang himpit na tawa ang aking nadinig pagkaraan lamang ng ilang minuto. Kitang-kita ko ang maganda nitong mukha mula sa liwanag na nagmumula sa buwan.

"Relax, hindi ka naman mapapano eh. At wala akong gagawin sayo." Sabay kagat na labi na sabi nito habang naka tingin parin sa akin.

"Ahh..hehe." Kabado parin na sabi ko rito bago napa buga ng hangin sa ere. Akala ko...hayyy. Nevermind.

"I wish I could attach my heart to this Birthday wish. Para lang mas maintindihan mo and how much you mean to me Deanns." Muling wika nito.

Deanns.

Ang sarap sarap lang pakinggan mula sa kanya kapag binabanggit na nito ang nickname ko. Para ba itong anghel na inaamo ang aking puso.

"Pero bakit ako? Hindi ako mayaman na katulad mo, hindi ako katulad ng iba dyan na humahabol sayo, na halos pinagpala sa lahat ng bagay sa mundo. Ito lang ako...walang maipagmalaki, walang maibibigay sayo kahit na ano, kung hindi 'yong..." Napa hinto ako.

Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko na sa kanya ito. Pero habang tumatagal kasi, mas mahirap pigilan itong pagkagusto ko sa kanya kaya mauuwi at mauuwi parin sa...

"Yong?" Nagtatanong ang mga mata at nangungusap ito sa akin.

"...tanging pagmamahal ko lang." Wala sa sarili na nabigkas ko iyon habang naka tingin sa kanyang mga labi.

Hindi ko na namalayan ang sumunod na ginawa nito. Basta ko na lamang naramdaman ang malalambot na mga labi nito na nakalapat na sa aking labi, habang parehong nakapikit ang aming mga mata.

Ilang buwan ko na rin itong nararamdaman at pinipigilan. Dahil akala ko noong una, ay mali na maramdaman ko ito. Pero ngayong magkalapat na ang aming mga labi, doon ko lang na realize na ang sarap-sarap pala sa pakiramdam ang ma-in love. Ang ma-in love sa isang Jemalyn Galanza.

Kusang gumalaw ang mga labi nito na siya naman na sinabayan ko kahit na hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Ang lambot lambot ng mga labi niya. Para itong isang marshmallow sa lambot. Pakiramdam ko pa, nanginginig ang mga labi ko dahil sa wakas, hindi na virgin ang lips ko.

Mas inilapit nito ang kanyang katawan sa akin at mas idiniin pa ang kanyang mga labi sa akin. Mas lalong lumalim pa ang aming halikan na hindi namin namamalayan.

Naramdaman ko naman ang pang gigigil ko kaya't marahan na nakagat ko ang kanyang lower lip dahilan upang malasahan ko rito ang kanyang dugo.

Ngunit hindi iyon naging hadlang sa aming dalawa. Marahan na inihiga ko ito sa ibabaw ng kotse atsaka ako puma-ibabaw sa kanya. Hindi namin pinuputol ang aming halikan hanggang sa may marinig ako na mahinang pag ungol na lumabas sa kanyang mga labi.

Mas lalo tuloy nang init ang aking katawan at mas ninais na higitan pa ang aming ginagawa.

Oh Ghad! Ang hirap pigilan ang bugso ng damdamin. Totoo nga ang sinsabi nila, na kapag nandoon kana sa sitwasyon na ganito ay wala ka ng magagawa kung hindi ang sabayan na lamang ang nararamdaman ninyong dalawa. At hayaan na lamang ang mga mangyayari lalo na kung ang taong mahal mo ang iyong kasama.

Ngunit bago pa man ako tuluyang mawala sa sarili at maka gawa ng bagay na hindi ko alam kung tama bang gawin namin dito sa ibabaw ng kanyang kotse ay dahan-dahan na inihinto ko ang aming ginagawa at inilayo ang aking mukha sa kanya.

Agad na umalis ako sa kanyang ibabaw bago muling na paupo at nag kunwari na para bang walang nangyari. Siguro dahil nahihiya ako? I mean, I lost my control. She kissed me and I kissed her back.

Hindi ko alam kung gaano na namumula ang aking itsura ngayon.

Na upo rin itong muli sa aking tabi habang may nakaka lokong mga ngiti naman sa kanyang mga labi.

"Why'd you stop?" Napa ubo ako ng maitanong niya iyon sa akin bago napa iwas ng tingin.

"S-sa tingin ko kasi masyado yatang mabilis ang mga pangyayari." Nahihiya na sagot ko rito.

"Well, kung sayo mabilis na 'yon, sa akin mabagal pa. You know why?" Tinignan ko ito sa kanyang mga mata at hinintay ang susunod nitong sasabihin.

"Kasi dapat noon palang na halikan na kita." Diretsahang sabi nito. "Pero hindi ko ginawa. Dahil mas gusto kong hintayin ang pagkakataon na pareho na natin gustong mangyari 'yon." Dadag na sabi nito habang naka tingin sa akin.

"Kaya naiintindihan ko kung bakit ka huminto. Dahil maging ako, I lost my control too kaya..." Napakagat ito sa kanyang mga labi. "N-nahalikan kita."

Napahinga ako ng malalim bago ibinaling ang aking mga mata sa itaas, sa kalangitan. Hindi ko kasi maintindihan ang aking sarili ngayon. Para bang mayroong part kasi na...nabitin ako?

Mas lumapit muli sa akin si Jema at muling ibinalik ang kanyang ulo sa aking balikat habang naka tingin sa kalangitan, kagaya ko. Kinuha rin nito ang aking kaliwang kamay at may isinuot na bagay sa isa kong daliri.

Doon ko lamang nakita kung ano iyon ng ipinakita nito ang sariling suot na singsing, na kaparehas lamang ng inilagay nito sa aking daliri.

Couple ring? Tanong ko sa aking sarili.

Naluluha ang mga matang napa ngiti ito sa akin habang may kung anong sinasabi ang kanyang mga mata na hindi ko mawari kung ano.

"The moon and the stars are not enough to express my love for you Deanns." Napalunok ito bago napatawa na animo'y kinakabahan.

"Happy Birthday again Deanna Wong...My Girlfriend."

Hindi ko alam pero dahil sa tuwa na aking nararamdaman ay bigla na lamang akong napaluha at mabilis itong niyakap ng mahigpit at mas idinit pa sa aking katawan.

Next chapter