Webnovel

13 Chapter 13: Territorial

"I'm not jealous. I'm territorial. Jealous is when you want something that's not yours. Territorial is protecting what's already yours."

Jema POV

Pabagsak na isinara ko ang pintuan ng aking kotse pagbaba at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.

Kaagad akong binati ng mga maid habang may pagtataka naman sa kanilang mga mata. Hindi na muna kasi ako umuwi kina Deanna dahil ayoko muna na makita nito na ganito ang aking itsura ngayon.

Isa pa, wala pa ako sa mood upang kausapin o harapin siya.

Alam kong punong puno ng mga tanong ang isipan nito dahil sa nangyari kani-kanina lamang noong makita ako nito sa labas ng Coffee Shop kung saan dapat kami magkikita.

Padabog na binuksan ko ang pintuan ng malaki kong kwarto at malakas na muling isinara iyon at doon nagkulong.

Nag-uunahan sa pagbaba taas ang aking dibdib dahil sa galit, gulat at isama mo na rin ang sobrang pagka dismayang nararamdaman dahil sa ginawa ni Celine.

She's...

"Arrrghhh! I hate her!" Inis na sambit ko sa sarili bago pabagsak na nahiga sa aking kama. Ngunit kaagad din na muling napabangon bago napa sabunot sa aking buhok.

"How dare her!" Muling sambit ko sa aking sarili habang nagpapadyak ng paa bago napahawak sa aking labi.

Flashback:

Pinauna ko na muna sandali si Deanna sa Coffee Shop sa harap ng University dahil kailangan ko munang magpaalam ng maayos sa aking mga kaibigan.

Medyo nagtatampo na kasi ang mga ito sa akin dahil sa napapadalas na ang hindi ko pagsama sa kanilang mga lakad, na dati-rati ay hindi man lamang ako umaabsent.

Habang masaya akong nakikipag kwentuhan sa kanila ay sandali kong napansin ang tila ba tahimik na si Celine.

Nagulat pa ako ng bigla itong napaiwas ng tingin sa akin at biglang namula ang kanyang mga pisnge.

Hmmm. Ano kayang iniisip nito.

Baka naman may ginagawa na naman ito na hindi maganda? Tanong ko sa sarili.

Pilit na binalewala ko iyon at tuluyan na ngang nagpaalam sa aking mga kaibigan. Sinabi ko na naghihintay si Deanna sa akin at ayokong pinaghihintay ang future girlfriend ko.

Kanya kanya naman sila ng hiyawan at pang-aasar sa akin. Sinabi pa ng mga ito na kapag oras na natali na ako ay wala na akong kawala pa. Which is gustong-gusto ko naman, lalo na kung si Deanna ang babaeng tatali sa akin. Hehe.

Nakipag beso na ako sa mga ito, including Celine, na ang weird ng mga tingin at pinapakitang mga aksyon sa akin.

"Jema wait!" Pagtawag nito sa akin habang naglalakad na ako sa hallway para puntahan si Deanna.

Napa irap ako sa sarili bago ito muling hinarap habang naka cross arms pa. "What? Weirdo?" May pagkainis na sabi ko rito.

Napalunok muna ito bago tuluyang nagsalita. Inihakbang nito ang kanyang mga paa palalapit sa akin bago ako hinawakan sa braso pagtapos ay hinila sa kung saan.

"Wait, saan ba tayo pupunta?" Nagtataka na tanong ko rito ngunit tila ba wala itong naririnig at patuloy lamang sa pagkaladkad sa akin.

Hindi nagtagal ay napadpad kami at huminto sa lugar kung saan madalas at paborito kong pagtambayan dito sa buong University. And favorite spot ko, kung saan ko dinala si Deanna noon, noong sinamahan ko itong maglibot sa buong University.

Napahinga ako ng malalim. "So tell me Celine, what is this all about?" Tanong ko rito. "What are we doing here?"

"Because I wanted to." Simple lamang na sagot nito. Kaagad na napakunot ang aking noo bago napailing na para bang hindi makapaniwala sa kanyang isinagot sa akin.

"Celine, can't you just please tell me what is really happening to you? Because I can't---

Hindi ko na naituloy pa ang ano mang nais kong sabihin nang basta na lamang ako nitong hinila papalapit sa kanya at walang sabi na inilapat ang kanyang labi sa aking mga labi.

Iyong madiin at alam mong sinadya niya talagang gawin.

I tried to push her so hard at pagkatapos ay mabilis na sasampalin ko na sana ito ngunit mabilis naman niyang napigilan at nahawakan ang kamay ko.

"I'm sorry!" Tila ba nabigla rin na sabi nito sa akin dahil sa kanyang ginawa, pagkatapos bitiwan ang aking kamay na hawak.

Napailing ako in disbelief. "How...could..you!!" Galit na sabi ko rito bago ito mabilis na tinalikuran.

"Jema, I can explain." Kaagad na sabi nito para pigilan ako sa pag-alis.

Galit na muling napatingin ako sa kanyang mga mata. Gusto kong umiyak. Feeling ko, she betrayed me. Why is that? Why'd she do that? She's my best friend for fcking sake!

"Don't fcking talk to me. Ever! You ruined our friendship, Celine." Pagkatapos kong sabihin iyon ay walang sabi na tinalikuran ko na siyang muli.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng may muling sabihin ito. "You know Ponggay Gaston, right?" Dahil doon ay natigilan ako. At biglang nakaramdam ng kaba at pangamba.

Yes. I know her well. I know everything about her and Deanna. I know what their history is.

Hindi ko man ito muling nilingon pa, pero nagsalita parin ako. "W-what about her?" Utal na tanong ko rito.

Kahit hindi man ako tumingin o hindi ko man nakikita ang buong mukha nito, alam kong naka ngisi ito ng wagas ngayon.

"She's having a great time right now with Deanna, Jema. And I know for sure, that you can't do anything about that---

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nito dahil awtomatikong napatakbo na ako papalayo sa lugar na iyon para puntahan si Deanna.

Hindi ko hahayaan na magkita silang muli ng Ex Crush niya na iyon. Hindi dahil sa natatakot ako na baka hanggang ngayon ay may nararamdaman parin si Deanna sa kanya. Kundi dahil natatakot ako sa katotohanang mas nauna ito sa buhay ng babaeng gusto ko.

Dahil alam kong mas malaki na ang bahagi nito sa buhay at puso ni Deanna na pweding gamitin nito para muling maging magkalapit silang dalawa.

Deanna is for me. I am not really the jealous type of person, but what's mine is mine. Period.

------

Hinihingal ako ng sobra bago makarating sa Coffee Shop. Kaagad na pumasok ako sa loob at mabilis na hinanap ng aking dalawang mata ang imahe ni Deanna. Ngunit ganoon na lamang ang panghihina ng aking tuhod ng makitang naka upo ito roon habang may babae naman sa kanyang harapan.

At alam kong siya ang babaeng iyon. That Ponggay girl.

Tila ba naninikip pa ang aking dibdib ng makita ko ito na iniipit ang iilang hibla ng buhok ni Deanna sa likod ng kanyang tenga, dahil humaharang sa kanyang mukha.

I couldn't watch them any longer. Nasasaktan ako. Inaamin ko nasasaktan ako.

Dahil nakikita ko kung paano parin siya tignan ng taong gusto ko. 'Yong mga tingin na gustong gusto kong makuha mula sa kanya, ang dali-dali lamang niyang ibigay sa iba. Bakit ganon?

So I just walked out the door again at mas pinigilan ang nagbabadya na pagluha.

End of Flashback:

Hindi ako papayag na hahayaan na lamang na maging masaya ang babaeng iyon habang kasama si Deanna. Hindi ako papayag.

Hindi ako papayag na may ibang magpapakilig sa kanya o may iba itong ngingitian. I don't want anyone making her blush or calling her of any stupid endearments. Call me selfish, but I don't. She's only mine.

Habang nagmamaneho ako papunta sa bahay nina Deanna ay wala akong ibang naiisip kung hindi ang masasayang oras nito kasama ang babaeng iyon.

Ha! Magsaya na siya, dahil iyon na ang ang huling beses na makakasama niya si Deanna. Sabi ko sa aking sarili.

At kung sineswerte ka nga naman. Ngayon ko pa talaga sila makikitang magkasama? Napangisi ako sa aking sarili.

Mabilis na inihinto ko ang sasakyan at kaagad ding bumaba mula rito. Habang naglalakad ito papalabas ng restaurant ay sinalubong ko ang mga ito.

Mabilis naman akong nahanap ng mga mata ni Deanna, she was about to speak ng hawakan ko ang kanyang braso at basta na lamang itong hinila papalayo sa Ponggay na iyon.

"Uuwi na tayo." Tipid na sabi ko rito bago tinignan sa mga mata ang Ex Crush nito.

"I'm taking my girl back. Thanks for your time para samahan siya habang wala ako." Napaiwas ito ng tingin. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag galaw ng mga panga nito at muling nilabanan ang mga titig ko.

Ako na ang unang nagbawi ng aking mga mata. Napa tingin ako sa naguguluhan na si Deanna bago tuluyang napa ngiti rito.

"I'm taking you home." Sabi ko rito. Apologetic na muling napa lingon ito kay Ponggay. "Now!" Tipid na sambi ko.

Hanggang sa wala na itong nagawa pa at tuluyan na nga na sumama sa akin. Hindi na rin nakapag paalam pa ito kay Ponggay. Napangiti ako sa loob ko.

Sometimes it's really important to mark your territory. Para makita nila na hindi lahat ng bagay ay maraming pweding pagmamay-ari.

Next chapter