webnovel

"I'm In"

"Seryoso ka talaga dito, frend?" Tanong sa kanya ni Missy ng hilahin niya ito papaunta sa office ng Debate Club.

"Yes. I want to be a member of this club." Taas-noong wika niya ngunit isang malakas na batok ang ibinigay sa kanya ni Missy.

"This club is exclusive only for intelligent beings- and you are not one of them." Nakasimangot na ani nito. Hinila naman niya ang buhok nito bilang ganti sa pambabatok nito sa kanya.

"Wow! Napaka-supportive mo talagang kaibigan." Sarkastikong ani niya dito. Binigyan naman siya ng kaibigan ng isang mapaklang ngiti.

"Eherm. Are you looking for someone?" Pagpupukaw ng isang boses sa kanilang likuran. Agad naman silang napalingon ng kaibigan at siniko siya nito.

Napaawang ang kanyang labi ng makita ang isang makisig na binata na nakakunot ang noong nakatunghay sa kanila. Pinag-aralang mabuti ni Hannah ang itsura nito. Napakakurap siya na tila hindi siya makapaniwala na may ganoong kagwapong lalake na nag-aaral sa unibersidad na iyon. Kay linis nitong tingnan at halatang mula ito sa isang may kayang pamilya.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay napalunok si Hannah. Amimado siyang ngayon lang siya na-aatract ng ganoon sa isang lalake. Kita niya ang pag-iwas nito ng tingin sa kanya at ibinaling sa kaibigan niyang si Missy.

"Ah, hi Charles! Gusto kasi nitong kaibigan ko na magpa-member sa club mo." Nakangiting ani ni Missy na pinapungay pa ang mga mata. Muli siyang tiningnan ng pormal ng lalake.

"Oh, sure…but you need to first submit the requirements. Come with me." Ani nito saka ito pumasok sa loob. Isang kindat ang ibinigay niya kay Missy saka niya iniwan ito at pumasok sa loob ng office.

"So..you are?" Tanong ng lalake na hindi tumitingin sa kanya habang may hinahanap na papeles sa drawer ng file cabinet sa loob.

"I'm Hannah Gomez." Pakilala niya habang inililibot ang paningin sa loob ng maliit na opisina. Makikita ang mga naka-display na certificates, medals at trophies ng club.

"Gomez? Are you related to Barbara Gomez?" Tanong nito na binigyan siya ng isang sulyap habang binabasa ang hawak na papel.

"Yes. She's my ate." Sagot niya. Alam niyang sa pagkakataong iyon ay dapat niyang gamitin ang pangalan ng kapatid dahil may kutob siyang may namamagitan sa dalawa. Kita niya ang pagbilog ng mata nito at napatitig ito sa kanya at pinag-aralan ang kanyang itsura.

"Talaga?! Lumiwanag ang itsura nito. "Pero parang di kayo magka-mukha." Komento nito.

"Tama, mas maganda ako sa kanya." Seryosong ani niya na mas lalong ikinalawak ng ngiti nito.

"My God, ang gwapo naman talaga ng lalakeng ito. Di ko masisisi si ate." Bulong niya sa sarili habang nakatitig sa lalake. Tila nailang naman ito sa ginawa niya.

"No doubt, pareho kayong maganda." Nakangiting ani nito saka inabot sa kanya ang papel. "Paki-fill-up na lang 'yang membership form at anjan na rin 'yung mga requirements." Paliwanag nito.

Nagpatango-tango naman siya.

"So it means I'm in?" Excited niyang tanong nito.

"Yes, if you can return to me the form & attend the meeting later at 5pm." Nakangiti nitong wika sa kanya.

"Thank you!" Masaya niyang wika saka ito sinugod ng yakap. Alam niyang hindi siya seryoso sa pagpapa-member ngunit kakaibang saya ang bumalot sa kanya ng marinig ang positibo nitong balita. Ito kasi ang unang club na sasalihan niya sa mahigit dalawang taon niya sa unibersidad na iyon. Natatawang hinayaan naman siya ng lalake na yakapin niya ito.

"Sorry, masaya lang talaga ako." Masayang ani niya dito. Isang matamis na ngiti din ang ibinigay nito sa kanya.

Next chapter