1 "PUSONG KUMAKABOG-KABOG"

It was December 2016 sa pagkakaalala ko nung muling nag krus ang mga landas natin doon sa isang Mall na malapit lang sa inuupahan ko, I remember kung anu pa ang itsura mo that time at kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib mo dahil sa sobrang kaba nung araw na yun, im excited pero di ko pinahalata sayo na masaya ako na nakita kita dahil naalala ko lahat yung mga panahon na High School palang tayo kung paano ka nag open up sa akin ng nararamdaman mo at kung paano rin ako tumakbo ng sobrang bilis papalayo sayo dahil sa sobrang hiya ko at pagkakabigla sa mga narinig ko galing sayo.

Well fast forward ko na muna ang kwento ng Love Story Natin...

Combo txt message natin:

Rex: Hi good morning 😃

Miya: Good morning din po

Rex: pwede ba ako makipagkita sayo mamaya after lunch kahit saglit lang?

Miya: Ahm, okay lang naman

Rex: okay sige salamat text kita pag on the way na ako,

ah san pala tayo pwede magkita?

Miya: Dito nalang sa Mall malapit sa akin para makauwi din ako kaagad.

Rex: oh okay

10am na anu kaya isusuot kong damit? kinakabahan din ako pero sabagay friends lang naman kami at magkikita lang kami hindi naman kami magdi-date.

After 2 hrs nagtext na si Rex...

Combo:

Rex: Miya, on the way na ako sa meeting place natin, ikaw ba?

Miya: ahm, nagbibihis palang ako pero okay lang naman kasi malapit lang ako 5 to 10 mins andun na ako.

Rex: okay see you later 😊 ingat ka pala.

Miya: okay, ingat ka rin 😊

Ay grabe sobrang init pero okay lang mamaya naman malamig na sa Mall, anu kaya gagawin ko pag nagkita na kami? Bakit ako kinakabahan... hays! puso ko, puso ko kalma ka lang and relax lang okay...😄😄😄

12:30pm na ako nakarating ng Mall at syempre lakad lakad muna dahil andun pa sya sa bandang dulo ng Mall kung saan kami magkikita.

combo:

Rex: Miya, andito na ako sa sinabi mo kung saan ako maghintay.

Miya: Dito na rin ako naglalakad punta dyan,

Rex: ah sige, anong kulay ng damit mo?

Miya: white, ikaw?

Rex: Gray

OMG! nagkita na kami, medyo awkward kasi di namin alam anu pag uusapan namin hanggang sa magsabi sya ng...

Rex: kumain ka na ba?

Miya: oo

Rex: ah eh... mag ikot-ikot nalang muna tayo dito sa Mall tapos pag nagutom na tayo kain tayo sa foodcourt kung okay lang sayo.

Miya: ah sige ganun nalang gawin natin.

Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib nya rinig na rinig ko at nakikita ko sa reaksyon ng mukha nya ang kaba at sobrang nahihiya sya at di nya alam paanu ako kakausapin ng natural,

ako nalang magdadaldal sa kanya para maging komportable sya sa pakikipag usap sa akin dahil baka mahimatay na ito.🤣🤣🤣

Miya: Rex, bakit ka pala nagawi banda dito sa lugar malapit sa akin?

Rex: Pumunta kasi ako sa Agency ko para kunin sahod ko at sakto naman naalala ko na malapit ka lang dito kaya sinubukan kong magtanong sayo kung pwede tayo magkita at salamat naman dahil pumayag ka.

Miya: Yung totoo ayaw ko sana kasi wala naman reason para magkita tayo pero iwan ko ba parang gusto ko rin makita ka in personal para makita ko kung anu na itsura mo at pagkatao mo ngayon.

Rex: Hala grabe bakit hindi ba ako tao dati? haha

Miya: oo hindi ka tao dati at hanggang ngayon mukha ka parin unggoy... hahahaha! joke lang ah baka mapikon ka.

Rex: Uy grabe ka naman sa unggoy mas gwapo pa ako dun ah..

Miya: Anong gwapo ka pa dun,.mas gwapo pa sayo yun., hehehe,

Rex: Nakaka strike 2 kana ah, nahihiya na tuloy ako sayo magpakita ng mukha ko.

Miya: Ui wag kana mahiya masasanay ka din, hahaha

Masaya ako nung mga oras na yun na kasama ko siya at madami pa kami napagkwentohan tungkol sa trabaho nya at sa buhay nya wala muna about sa life ko kasi mas gusto ko muna sya kilalanin at hanggang sa nakaramdam kami ng gutom at naghanap kami ng makainan sa foodcourt para kumain.

Miya: Dito nalang muna tayo sa foodcourt para makaupo tayo at makakain na rin.

Rex: Sige kain na tayo nagutom narin ako kakaikot natin at katatawa kanina.

Miya: Tara, mag order na tayo at syempre treat mo ako kasi ikaw nag aya sa akin😄😄😄

Rex: oo naman treat talaga kita at masaya ako na malilibre kita ngayon.

Pumunta na kami sa napili namin na bilhan ng kakainin namin at ako namili ng kakainin namin dahil nahihiya daw si Rex mag order dahil hindi daw sya marunong kaya ako nalang umorder.

Miya: Ok na hintayin nalang daw natin na mai-serve nila after 10mins.

Rex: okay sige

Miya: Nag extra rice pala ako baka kasi kulangin ka sa rice

Rex: tama yun kasi gutom na rin ako, ay nga pala thank you kasi pumayag ka sa araw na ito na makasama ko kahit friendly date lang masaya ako dahil nakausap kita at ngayon ko lang nalaman na joker ka lang pala.

Miya: welcome and thank you din sa treat mo in advance kahit di pa natin nakakain order natin.

Rex: welcome din, siguro di naman ito ang huli nating pagkikita diba?

Miya: Ahm, di ko lang alam bakit may susunod pa ba ito?

Rex: Meron pa kung papayag ka ulit.

Miya: Pag isipan ko

Naputol usapan namin nung dumating ang waiter na nagserve ng pagkain na inorder namin...

Waiter: Good afternoon po maam and sir, ito na po order nyo, enjoy the foods.

Miya: Thank you po😊

Rex: Salamat din po

Waiter: Welcome po.

Pagkalapag lang ng order namin ay kumain na kami agad para makauwi na rin dahil kailangan nya ng makauwi dahil malayo pa ang uuwian nya at may pasok pa sya kinabukasan at habang kumakain kami nagusap pa kami ng mga high school memory namin at walang tigil na tawanan at asaran ang nangyari habang kami ay kumakain hanggang sa matapos na kami kumain nag aya naman sya na kumain kami ng ice cream para habang naglalakad kami palabas ng Mall ay may kinakain kami.

habang naglalakad....

Rex: Oh paano ba yan kailangan ko ng umuwi at ganun ka rin, kailan ulit kita makikita at makakausap?

Miya: Txt mo nalang ako tawagan para pag free ako pwede ako makipag meet sayo.

Rex: Promise mo yan ah?

Miya: Oo naman.

Rex: Okay asahan ko yan, sige kailangan ko ng sumakay mag ingat ka sa pag uwi mo hindi na kita maihahatid kasi baka di ko maabutan ang huling biyahe ng bus pauwi sa bahay na tinutuluyan ko.

Miya: Okay lang yun, mag ingat ka rin sa biyahe

Rex: sige salamat ulit, magtetext ako sayo o tatawagan kita pagnakauwi na ako.

Miya: ok sige.

Nakaalis na sya sakay ng uv express habang ako naglalakad naman papunta sa sakayan ng jeep papunta sa bahay na tinutuluyan ko rin at habang nasa biyahe ako naiisip ko sya at dun lang ulit ako tumawa ng ganito dahil matagal na panahon na rin akong di nakakatawa ng ganito sya lang nakapagpangiti sa akin ng ganito...

to be continue...

avataravatar