2 1. I’ll guide you

How can I start my story? Hmm, I can't decide what genre should I do, comedy, romance, or tragedy?

I opened my bag to pick up my mini notebook.

It's been 2years since I decide to make a story about someone because I'd really like to make a story about him, but I don't have any idea what the story will be

"Are you Isabelle?" Oh, he's Andrei, he's the heartthrob freshman here in our Campus.

"Yes. Why?" Tanong ko sakanya, girl ang gwapo talaga nya ang lagong pa ng boses. Isipin mo kausapin ka ng heartthrob dito sa school sino di kikiligin?

"Uhm, napulot ko lang ID mo, so here." my God nakakahiya! Ang pangit ko pa naman sa Id pic ko mukha akong may Hepa huhuhu, by the way, he's so nice

"Oy thanks hehe, una na 'ko ha" actually gusto ko pa siyang kausap, Hindi para harutin siya kundi para dito.

"Hoy Isabelle! I heard gossip about you and Andrei, what a traitor!" She said with her death glare.

"Ay yes girl, we had chitchat. Sayang nga e nakita kita so lumayo na ako baka kasi masaktan ka" I said while teasing her

"Aaaaaaa! Ang epal naman ni Sab!" She said and she left me

That girl is very immature. She is Maxine Paulette Heart, she is one of my best friend. She's very close to me, I can say that she's my Human Diary. I can share my secrets. She has a crush on Andrei ewan ko ba sa babaeng 'to this is just our second month here at Campus pero kung makapag fangirl kay Andrei akala mo naman 2taon na niyang kakilala

I go to the canteen to buy snacks, wala e next subject namin ang TLE.. and you'll know what I am talking about.

Napatingin ako sa orasan ko para makita ang oras malamang, mag ttime na naman pero ang dami pa rin tao sa canteen, I saw some of my classmate's buying also some snacks

"Sab, pumunta ka daw sa office ni Mr. Lim later may iuutos daw siya sa'yo. Wag mong kakalimutan ha" Saad naman ng isa kong kaklase. She is our Class President, she's really pretty she is a good fighter and a good leader. She is Luna Merrick

Tumango lang all sakanya at nagpatuloy sa pagpili ng mag snacks.

Pagkatapos kong bumili ay umakyat na ako para sa next sub

"Max is crying what happened, Sab?" She is Zyil one of my best friend too, actually lima kami hahahahaha she's most intelligent among us, she's too pretty kaya naman meron "Zyil's Squad" kung tawagin namin ahahahahahha

"You know Andrei?" Tanong ko kay Zyil

"Yung crush ni Max? Ay ano? Hinarot mo? Aa kaya pala" hahahahahaha makikita mo sa itsura ni Zyil ang pagkastress at umupo na sa upuan niya

Lumapit ako kay Max at Zyil na nag co-comfort-an HAHAHAHAHAHAHA

"Mex serreh ne neleleke leng nemen keta" pfft hahahahahahahahaha

"Nang aasar ka ba talaga Sab???" Todo tanggol si Ate Zyil mo, well saaming lima malapit talaga silang dalawa although magkakaclose kaming lahat

"Ano bang gusto mong gawin ko Maxine Paulette?"

"Sabihin mo, sorry master" shuta

"Amp, Wag ka na umiyak ka na lang dyan magdamag"

Maya-maya ay biglang pumasok sa room si Andrei, yes kaklase ko siya sa TLE Class, Math, at Science Class kaya nga todo paganda na ulit si Max ngayon e

Kasama ni Andrei yung pinsan niyang takaw-gulo

Magkatabi sa unahan ko sila Max at Zyil habang ako inaantay ko yung dalawang katabi ko dito sa likod pero dumating na lang si Sir TLE wala pa rin yung dalawa grrr

"Mr. Andrei and Mr. Tolentino, what are you going to do? Stand up within an hour?"

Napatingin kaming lahat kila Andrei na nakatayo pa rin at walang maupuan.. tumingin naman ang lahat sa bakanteng upuan dito sa katabi ko shocks

"Ms. Isabelle?" hindi pwede jusko, nakakahiya waaah

Nakita ko namang itinuro na lang ni Sir kila Andrei yung upuan na bakante

Agad kong hinaba yung paa ko at tinaas ko sa dalawang bangko

Napatigil silang dalawa at napatingin sakin

"Hehehehehe" sabi ko

Napakamot naman ng ulo si Andrei, wala ng hiya hiya bakit kasi ang tagal nung dalawa anemal

Maya maya ay may walang hiyang nagtatanggal ng paa ko sa upuan— at aba?!

Si Andrei? Akala ko pa naman talaga gentleman 'to shuta

"Pagod na ko kakatayo.." sabi ni Andrei at umupo sa pangatlong upuan

Tumayo naman ako bigla nung uupo na sa gitna namin ang pinsan niya

Tumingin silang dalawa "ba't ka tumayo?" Tanong nung pinsan niya

"Pagod na ko umupo" sabi ko naman at ginaya ang ginawa ni Andrei

"Oh edi tayo na lang—" agad naman akong napatingin sa magaling pinsan ni Andrei at nilakihan siya ng mata

"Tayo na lang— ikaw"

Agad akong umupo sa upuan ko at tumingin na lang sa bintana, shuta nakakapang lambot

"Okay Class, where is your treasurer collect 20pesos for the xerox copy" ayan wait niyo lang ang magic word ni Sir

"Get one and pass" hindi yan huh

"Please kindly read this and answer the guide question, I'll go to computer laboratory first" ayan simulan na ang fiesta

Bago lumabas si Sir ay pumasok muna yung dalawa pocha, bat ngayon lang 'tong mga 'to??

Nakita ko namang punong puno pa ang mga bibig nila at may malalaking bag na dala gagi anong ginagawa ng mga 'to

"Why are you late Ms. Adeline and Ms. Avery?" Tanong ni Sir lagot, kahit di yan nagtuturo si Sir nagchcheck pa rin 'yan ng attendance ko hahahahahaha

"Ahh sir sumakit po kasi puson ko e" sabi ni Avery habang tinatapik— este hinahampas ni Adeline ang likod nito

"Best actress pala mga kaibigan mo e" sabi ni Andrei

Ngumiti na lang ako ng pilit

"Okay, go to your seat" 

Inikot naman ni Sir yung mata niya para maghanap ng bakanteng upuan

"Bakit kulang ang chairs niyo?" Tanong ni Sir

Swabe talaga sa school na 'to hindi lang ballpen, pencil, paper ang nawawala, pati upuan

"Kukuha muna ako ng dalawang chairs sa kabilang section baka may sobra"

"Ay nako sir! Thanks but no thanks sir okay lang po," sabi ni Adeline animal anong binabalak nito

"Eh pano yan isang oras kayong nakatayo?" Tanong ulit ni Sir

"Sir sinong may sabing nakatayo kami ng isang oras? Avery ilabas mo ang carpet at kumot!" Utos ni Adeline kay Avery

Agad naman napuno ng tawanan ang classroom namin

Pumunta sa tabi namin si Avery, "boss okay na ba dito?" Tanong ni Avery

"G na dyan!" Sabi naman ni Adeline

"Sir take your time, feel free to leave" sabi ni Adeline at may pagtungo pa

"Ha? Ahh okay.. sige wag kayong maingay ha"

"Sure sir"

Paglabas ni sir ay agad nilang nilabas ang mga pagkain nila habang yung dalawa naman ni Adeline at Avery ay akala mo ay nag sunbathing dahil meron pa silang suot na sunglasses, shocks ang lalakas ng tama huhuhuhuhu

"Syempre hindi kumpleto ang picnic kung walang—" agad naman tinaas ni Avery ang dala niyang pitcher, nagulat ako ng itaas ng mga kaklase ko ang lahat ng baso nila, wow prepared kahit President namin meron

"Hoy ano yan ha?" Singit naman ni Andrei at nagtinginan kami kay Andrei, si Andrei nga pala ang President ng First-Year Curriculum

"Patay, kaklase nga pala natin si Andrei"

"Shet nakita ba ni Andrei na nagtaas ako ng baso? Jusko baka magalit si babe"

"Pucha uhaw na ko"

Narinig ko ang sunod-sunod na bulungan ng mga kaklase ko pero nakatingin pa rin kami kay Andrei

"B-bakit wala akong baso?"

Ang lahat ay nagsitalon sa tuwa dahil akala namin ilalaglag kami ni Andrei

"Ayon naman pala e! Bigyan ng baso si Andrei, yung pinakang mahal!" Utos ni Zyil

"Ah, Andrei ito oh baso. Di ko pa yan nagagamit hehe" shuta ang pabebe ni Max

"Ahh thanks"

Ang iba ay nag sasaya, at ang iba naman ay tulog, see kung gaano kami kasaya sa time ng TLE hehehehehe

Napatingin ako don sa dalawa ni Avery at Adeline na nakahiga sa nilatag nilang carpet, alam kong home economics ang topic namin sa TLE pero bakit niliteral naman nila

Napatingin ako kay Andrei na bust kachikahan si Max, aba nga naman at hinarap pa talaga niya sa likod ang bangko niya

"May crush ka kay Andrei noh?" Tanong naman nung pinsan nyang takaw gulo

"Wala ah! Ship ko nga sila ni Max e" sagot ko naman

Hmp! Ang epal, feeling close

Tumayo naman siya bigla at lumapit kila Ethan yung mga tropa niya tss mga mukhang gangster, pero hindi sila kamukha ni Daniel huh

Kinuha ko na ang aking mini notebook at nag isip na lang ulit ng pwedeng mangyare sa kwento namin ni...

"Sis ano na move-on na, 'di na yon babalik asa ka" sulpot bigla ni Avery

"Huh?" I asked

"Huh? Hindi ko magets, bakit may move on na magaganap, e hindi naman naging sila." Adeline said that hit me so hard and 99 others na mga nag stay lang sa m.u

"Owww" pang-aasar nilang apat

"Sabi ko naman kasi sayo e mag fangirl ka na lang sa twice" Zyil said while playing her phone

So far everything is good, everything is great if I could make a wish, I'll wish that everything would stay good, great and cool, Wala si Mama para kulitin ako at wala si papa na laging rin akong inaasar atleast I'm too far away from those ppl. Less noisy people—

"Bakla!! May gumagawa na naman ng magandang gawi!!" —everything was just so perfect until I heard Maxine Paulette's screamed back at me.

Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko para pumunta sa unahan kung saan nakapalibot ang mga bano kong kaklase

Agad akong napatingin sa nakaupo ngayon sa sahig, "Sabi ko na nga ba ikaw na naman!" Sigaw ko sakanya nasa gitna siya ng dalawa kong kaklase

"Ang angas mo naman kung dalawa-dalawa kinakalaban mo palagi" sarcastic kong tugon

"Ano ako na nama—" hindi na natapos ang sasabihin niya dahil tinaas ko na ang kanang kamay ko.

I rolled my eyes, ano pa bang bago sila naman lagi magkaaway. "Dalhin niyo si Ethan at si Lucius sa clinic at ikaw tumayo ka dyan—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay bigla naman niyang inabot ang kanyang kamay sakin upang makatayo siya.

Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay at ngumiti ng pilit. Magkaibang magkaiba sila ng pinsan niyang si Andrei

Kinuha ko ang kamay niya at akmang itatayo ko na siya ay agad ko din binitawan dahilan para bumagsak na naman siya sa sahig. At nagsitawanan ang mga kaklase kong abnoy.

Sinamaan niya ako ng tingin pero pake ko ba? Edi sinamaan ko rin ng tingin, then I flipped my hair at tumalikod na sakanya.

"Hoy ikaw, napaka sama mo talaga kahit kailan e ako nga ang dapat 'tong pinapadala mo sa clinic kasi ako na yung halos bugbog—" humarap agad ako sakanya at nilapitan ko siya

Malapit; literal na magkalapit ang mga mukha namin

"Eh tanga ka pala e, nakaya mong makipag suntukan tapos di mo kaya makatayo dyan sa kinauupuan mo?" Pag susungit ko sabay layo sakanya, yuck.

Agad naman nagsigawan ang mga kaklase ko ganyan yang mga 'yan akala mo laging may sabong manang-mana sa mga tatay nila.

Hindi rin naman siya nakapalag kaya tumayo na siya at sumunod sakin.

Lumabas kaming dalawa ni Magulong nilalang at naglakad sa mahabang hallway. "Ano na namang rason?" Wala kong ganang tanong

Hindi siya sumagot nasa likod ko siya kaya hindi ko malaman kung anong reaksyon meron siya ngayon

"Bukod sa agawan ng upuan, agawan ng pagkain at pagtatalo dahil sa bintana ano pang rason?" 'Yan ang common reason nang mga nakakasama kong dalhin sa guidance, kung ba't lagi sila nag babangayan. Kung hindi niyo maitatanong hindi naman kami ang lower section pero kung umasto 'tong mga 'to daig pa ang lower grades.

Wala na naman akong narinig na sagot galing sakanya kaya agad akong humarap sa likod ko, "ano hindi ka ba sasagot???!" Tanong ko pero para siyang tangang hindi maipinta ang mukha. Nagtitinginan naman samin— ah let me correct it "sakanya" ang mga tao dito sa hallway, ewan ko ba kung ba't maraming nabighani sa taong 'to e bukod sa basagulero e tingin ko chickboy pa!

"Ayaw mo talagang sumagot ha," agad ko naman siyang kinurot patago

"Aww!" agad ko naman siyang pinagdilatan ng mata "okay, Ms. SEXYtary sorry na kasi nagkaro'n na naman ng ganto sa napaka inosente nating classroom, pangakong hindi na mauulit." He said with his sarcastic voice. Yes I'm the Class Secretary— uhh no, Sexytary. Kaya ako laging kasama sa guidance counselor tuwing may gantong kaganapan

"So what's the reason?" Tanong ko ulit

"Dahil sa—" ilang segundo siyang tumigil at parang nag-iisip ako naman 'tong nag aantay ng walang kwentang rason na naman niya.

"Dahil sa electricfan." Hindi ko alam kong matatawa ako or makakasuntok ako sa pagkakataong 'to.

"Seriously?!! Napaka isip bata mo talaga! Alam mo ba kung ilang beses na tayong nakakapunta sa Guidance within a month nang dahil sa'yo?!" I said

"Alam ko naman pero ang init kaya sa room, private tapos di nagamit ng aircon saka wag ka ngang feeler e nitatake advantage mo naman pagiging secretary mo, bet na bet mo rin naman do'n kasi aircon." He said then— he rolled his eyes!? Sobrang bading.

Hindi ko na siya pinansin, but seriously kahit ilang beses na 'kong nakakapunta sa guidance para harapin si Ma'am VV ang aming guidance counselor ay kinakabahan pa rin talaga ako, yes teh siya na yata pinaka terror teacher na kilala ko. I don't know but sabi sa chika ni Avery, she's widowed for 2years kaya ganyan kasungit.

Nang makarating kami sa Guidance Office, ay agad kaming umupo ni Tolentino sa magkatapat na upuan.

"Get ready your speech" bulong ko sakanya habang wala pa si Ms. VV

Dinilian niya lang ako at inirapan. Ang bading talaga.

"Ghorl!" Nagulat naman akong pumasok sa Guidance Office si Julienne kasama si Rashi

"Anong ginagawa mo dito teh?" Tanong ko

"Sabi ko na nga ba andito na naman kayo ni Tolents e, hmm ikaw talaga tolents, huh! Puntos na puntos ka na" Julienne said sabay kindat kay Magulong nilalang, at ngumiti naman 'tong isa. Kadiri sa tapat ko pa nagharutan.

"Ba't ba andito kayo girl?" Tanong ko ulit

"Papapirma sana ako teh, alam mo na ang jellyfish tuwing ika-anim na araw laging lumalabas" sabay talikod sakin at pinakita ang tagos sa palda niya.

Agad ko naman tinakpan ang mata nitong lalaking katapat ko para hindi niya ma-sight

"Rashi! Ikaw na nga bahala dito kay Julienne, iuwi mo na kung kinakailangan" sabi ko naman

"gOod mOrNenG evEryOne" bati ni Ms. VV kaya agad kaming tumayo ng maayos at tumungo sakanya at bumati.

Umupo siya sa upuan niya at tiningnan kami "Here you are again, Mr. Tolentino and Ms.Isabelle what happened again?!" Kalmado pero parang nasa loob ang masungit niyang tanong

Sa tono palang ni Ms VV kinabahan na talaga ako

Agad kong sinipa ang paa ni Tolentino para sabihin na siya ang mag sabi pero hindi nya ko pinapansin at nakatitig lang sa sahig. Amp.

"What!? Wala bang gustong magsalita?!!" Pero nanatiling tahimik kaming dalawa ni Tolentino. Lord bahala ka na po. Paano ko ba kasi sisimulan

Pinandilatan ko na ng mata si Tolentino at nagsisipaan kami ng paa sa ilalim

Nasipa ko siya ng malakas dahilan para matumba siya. Omyghad sorry.

Agad akong tumayo at kinuha ang kamay niya. Syempre nakatingin si Ms VV kaya ko tinulungan hehehehe

Napahilamos na lang si Ms. VV sa mukha niya

"Mr. Tolentino, Ms. Isabelle.." napatungo na lang rin ako nang banggitin ulit ni Ms VV ang name ko.

"GO TO DETENTION ROOM, FOR 1HOUR!"

Wala kaming nagawa kundi tumayo sa kinatatayuan namin dalwa at naglakad papalabas para pumunta naman sa detention room. Pero bago kami umalis ay narinig muna namin ang sigaw ni Ms. VV

"oh ano!? Kayong dalawa, ano naman ginagawa niyo dito?!" Sigaw ni Ms. VV kila Julienne at Rashi

"Ah—ehh Ms. bhie—"

"ILANG ULIT KO BA SA'YO SASABIHIN NA MS. VV!"

"Ah yes Ms. BhieBhie, papirma lang po nito para makalarga na po ako" sagot ni Julienne.

Lakas talaga ng loob nitong babaeng 'to.

Pagkarating namin sa Detention Office ay agad kong tinutok ang aircon sa sarili ko sa sobrang init, well mainitin pala talaga ako

Bigla naman tumayo si magulong nilalang sa kinauupuan niya at hinarap sakanya ang aircon

Agad ko siyang sinamaan ng tingin at hinarap ulit ito saakin, wala na siyang nagawa kundi umupo na lang for 1hour

Halos higher grades ang nandito sa room na 'to siguro yung iba late, or nahuli nabili sa canteen HAHAHAHAHAHA

Isang oras na kami nitong lalaking tong sobrang tahimik at walang galaw, inaantok ako jusko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi atleast makakatulog ako ng 1hour with aircon pa or malulungkot dahil kasama ko siya.

Habang namimili ako ng aklat ay naririnig kong may tumatawag sakin at naririnig ko rin ang tunog ng mga camera, napatingin ako sa suot ko, maikli lang ang skirts namin dito sa school kaya hindi imposibleng di kami mabastos nyeta

Agad ako sumilip para tingnan kung sino ang mga 'yon pero wala akong nakita at natigil na rin ang mga ingay

Pagkatapos kong magbasa ng aklat ay bumalik ako sa kinauupuan namin ni Tolentino, pero wala siya dito

"Let's go tapos na ang 1hr" sabi nya at sabay alis

"Saan ka galing?" Tanong ko at tumigil naman siya sa paglalakad

"Concern ka ba sakin? O baka naman nagseselos ka kasi baka nangchichicks ako?" Tanong niya at hindi ko naman mapigilang mapatitig sa mukha niya, di ko napansin kanina na may black eye pala siya

Nagsimula na ulit siyang maglakas pabalik sa classroom, pero hinigit ko yung polo niya papuntang clinic

"Hoy anong ginagawa mo, bitaw!" Reklamo niya pero di ko siya binitawan

Pagdating namin sa clinic ay ginamot ko ang black eye niya

"Ahh, so concern ka yon ang sagot mo" yawa lalagyan ko ng stapler bibig nito e, akala ko naman ang tahimik nito kasi twing sa klase sobrang tahimik lang

Agad kong diniinan yung yelo "ah-aray!" saad niya

"Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan"

Pagkatapos kong gamutin yung mga sugat niya sa mukha ay lumabas na kami sa Clinic

Bumungad naman samin yung apat at yung mga kaibigan ni Tolentino

"Wow teh, parang galing kwarto lang ah?" Puna ni Avery samin

"Huh?" Tanong namin dalawa"

"Baka naman ginawa niyo pang hotel yang Clinic grabe napasarap yata ang tulog niyo" singit naman ni Maxine

"Hahahahahaha gago, kaya nga" pag sang-ayon naman ni Adeline

"Hoy kayo ha! Nagtakas lang yata kayo sa quiz kanina sa Math e, grabe perks of being secretary" sabi naman ni Zyil

"Lakas talaga ni Renzo!" Pang aasar naman nila Ethan Joseph

"Dumadamoves din pala yon" sabi naman ni Charles Kyle

Jusko kung alam niyo lang, huhuhuhu.

"Name ng patient at nag alaga" harang samin ni Ateng Nurse

"Renzo Gabriel Tolentino"

"Elliana Isabelle Torres"

Pagkatapos ng lahat-lahat ng pangyayari sa buong hapon ko ay didiretso na sana ako sa dorm ko pero inakit ako nung apat gumala kung saan na naman

"Shet girl, kwek-kwek" 'yan kaya after a month pare-pareho kami halos walang makain at walang makapa

Kumuha kami ng tig-iisang stick at nagtusok ng kwek-kwek at fishballs

After namin kumain pumunta kami sa seawall as usual dito kami nag uusap-usap sa mga bagay bagay halos tambayan rin ito ng lahat bukod sa maganda ang view, nakakarelax ang tunog ng dagat ay malayo rin sa school at walang makakapag sumbong.

Habang nakaupo kami ay 'di ko maiiwasan mamangha sa dagat, mapayapa, malinis at masarap sa tenga ang tunog.

Tumingin ako sa apat kong kasama, para silang dagat na akala mo'y mapayapa, ngunit hindi mo alam ang lalim hindi mo alam kung anong saloobin nilang lahat.

"Bakit naman bigla niyong naisipan pumunta dito, may problema ba?" I asked

"Aaaaah!" Hagulgol si Maxine, agad kaming napatingin sakanya

"Anong nangyari?" Tarantang tanong naming apat kay Max

Agad kaming napatingin kung saan direksyon nakatingin si Max

Nakita namin si Andrei ang crush ni Max na may kasamang ibang babae.

Napatingin naman ako sa kabilang side ni Andrei..

It's been a month since I saw him.

Agad kong niyakap si Max "ramdam kita" kaya para kaming tangang nag iiyakan dito

Makalipas ang ilang minuto ang lahat ay naka kalma na

"Hindi ko na talaga crush si Andrei, ayoko na!" Sigaw ni Max habang nagtapon ng bato sa dagat, weh max?

Napahinga na lang ako ng malalim hays ramdam ko rin naman si Max e

"Oy si Lucas oh"

Dahan-dahan akong napatingin sa mga lalaking nasa  likod namin sandali kaming nagkatitigan at nanatili ang katahimikan

Wala pa rin siyang pinagbago, hindi pa rin siya maalam ngumiti.. this man is really part of my life..

You're still a mysterious one.. Lucas.

Pagkatapos namin mag gala kung saan-saan pumunta na kami sa dorm para magpahinga

Kinuha ko yung cellphone ko at nicheck ang fb ko

Renzo Gabrielle sent you a friend request

avataravatar