251 Shout

Chapter 25. Shout

   

   

SINCE there were some false articles released prior to Sunshine's suddenly taking a break, Rexton almost buried himself to work. Ang daming ginagawa! But everything was being taken care of. With one of the best lawyer in the country, they sued those reporters who defamed Sunshine members.

Siya na rin mismo ang nagsampa ng kaso sa isang reporter ng TBS nang maglabas ito ng article kung saan mga babae niya ang lahat ng miyembro, pati ang manager. Mabuti na lamang at lumubog din kaagad ang issue na iyon lalo pa't marami ang nagtitiwalang hindi totoo ang mga paninirang-puri na iyon.

"The others want to settle, dela Costa. Makikipag-areglo ka ba?" tanong sa kanya ni Atty. Hipolito habang nasa opisina sila nito.

"I won't. Kailangang maturuan sila ng leksiyon, lalo na iyang bata ni Torres na iyan. Kung hindi ko pa alam, mas demonyo pa sa lahat ng demonyo ang Luigi na iyan." Tinutukoy niya ang CEO ng TBS.

"Mainit pa rin talaga ang dugo mo kay Torres, 'no?"

"Kung paano ba nan kasing nakatunog na minamanmanan sila roon." Napailing siya. Hindi natuloy ang pagmamanman nila sa WX Ent. dahil sa isang iglap ay luminis ang kumpanya. Burado ang mga pruwebang magdidiin sa anomalyang nagaganap doon lalo na ang prostitusyon. And he's certain that that Torres was behind that 'cleaning up'. After all, Wang Xi Entertainment was TBS' sister's company.

"Ano na bang balita kay Estacio?"

"Sa palagay ko, naghihinala na siya." Balak kasi nilang sulutin si Timo Estacio mula sa AIA. Kahit balbal ang ugali nito base sa nakalap nilang impormasyon tungkol dito noon, ay naniniwala silang makakatulong ito sa Phoenix lalo pa't mukhang iisa lang naman ang target nila, pero wala pa rin silang lead dahil magagaling tumrabaho ang nasa likod ng mga iyon.

"You should make it fast." Iyon lang at tumayo na ito. Nahagip ng tingin nito ang painting. "You still have that?" He actually meant that BDSM room.

Nagkibit-balikat siya. "I'm not using it anyway."

He mockingly chuckled. "Baka hikain ang papasok diyan sa kapal ng alikabok."

Natigilan siya saka may napagtanto. "I hired two persons to regularly clean the room at night." Mga twice a month nalilinis iyon, pati ang mga gamit.

Pumalatak ito. "Best advice, man, demolish that. Baka maging daan pa iyan laban sa iyo."

Napataas siya ng kilay sa abogado. "Bakit?"

He only shrugged. "Just a hunch. Anyway, are you sure you didn't use that room? Liwayway Bustos seems to be glowing these days." His tone of voice was full of malice.

"Fuck you!"

Liwayway was his current job at Phoenix. Alam naman ng mga ito na isa sa mga dahilan kung bakit pinili niyang maging secret agent ay para hanapin ang babae. She was that woman he met at the park before and the same woman who gave Hans to him, but, it seemed like she's not remembering any of her past. And, yeah. They fucked. A lot. But he never brought her to that room. Sa hotel lagi.

"Umalis ka na nga, may meeting pa kami ng Eclipse."

Eclipse was that nine-member boy group under their company. Mas naunang nag-debut kaysa sa bandang Sunshine ng dalawang buwan lamang. Hindi rin natuloy ang naunang balak na gawing mga espiya ang mga ito pagka-debut, pero dahil nasasayangan siya at nakita naman talaga niyang may potensyal ang mga ito sa industriya ay pinagpatuloy niya ang karera ng mga ito.

"Rexto—" Natigil ang masiglang pagtawag sa kaniya ni Bree na bigla na lang binuksan ang pintuan. "Oops, sorry, didn't know you have a meeting." Akmang aatras ito nang pigilan ni Sinned. Pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa mapang-akit nitong labi.

"It's alright, paalis na rin naman ako, Miss."

Humagikgik si Bree at mabilis na pumasok sa opisina. Umupo ito sa sofang inuupuan ni Sinned kanina. Tuluyan naman nang umalis ang huli.

"Guess what?" bulalas kaagad ng kababata niya pagkasara ng pinto.

Nanatili siyang nakatingin dito. She really looked so blissful which made him feel nervous. Baka mamaya, ibalita nitong may boyfriend na ito. O baka nagkabalikan na ito at ang lalaking numero unong kinaiinggitan niya pagdating kay Bree. Hanggang ngayon kasi ay hindi siya naniniwalang walang namamagitan sa dalawa kaya maaaring iyon ang ibabalita nito sa kaniya ngayon. Ilang linggo kasi ang nakalipas nang ibalita sa kaniya ni Bree na iha-hire nito ang Devon Cristobal na iyon para maging personal bodyguard nitong muli. She happily told him that he's already back in the country, and jealousy was fucking eating him alive.

And here he thought that something had developed between the two them as the days passed by. Mabuti at nababaling ang atensiyon niya sa tinatrabaho niya ngayon, si Liwayway Bustos nga.

Gago, paanong magkakaroon kung pinakilala mo si Liwayway sa kaniya?

Fuck.

"You're not listening!" hiyaw nito na nagpabalik sa atensiyon niya sa sinasabi nito. "Ano? Iniisip mo na naman ba kung paano magpapasikat sa Liwayway na iyon? Aba, awat na! Binigyan mo na nga ng sasakyan—"

"How did you know that?"

"Duh! Obvious namang taste mo iyong minamaneho niyang sasakyan! A convertible, huh? Para ano? Partner kayo? Couple goals? What are you? A sugar daddy?! Yuck!"

"Bakit ikaw? Hindi ba't pareho rin naman kayo ng sasakyan ng bodyguard mo?"

"Pareho lang kami, pero hindi ko naman bigay sa kaniya iyon!"

"Pareho pa rin."

"Hindi ko boyfriend si Devon, hindi ko rin ka-fling, hindi katulad niyang Liwayway Bustos na iyan, may something sa iny—"

"That devil isn't your boyfriend?" Parang lumiwanag sa paligid nila.

"Paulit-ulit? We only kissed and—"

"Fuck?!" Nagdilim ulit ang paligid para sa kaniya. "And you're proudly saying things like that? How many times did yo—"

"I'm only saying we're good friends!"

"Ha! And with benefits, you must add."

"Mayroon o wala, wala ka nang pakialam doon!"

"May pakialam ako dahil akin ka lang, Brianna!"

Sabay silang natigilan sa lakas ng sigaw niya na iyon. Halos lumitaw ang litid niya't pinagpawisan siya ng malamig. Nag-iwas kaagad ito ng tingin at napainom ng tubig na nakapatong sa mesita. Fuck, that was Sinned's glass but he couldn't voice that one out because he felt as if his throat dried up. Bumigat din ang paghinga niya't halos kumawala ang puso sa kaniyang dibdib. Ilang segundo lang ay may nagsalita.

"Whoa... That was an intense fight. Never have I ever heard Rexton shouted at you that way, girl."

Napalingon sila sa pinto at nakitang nandoon pala sina Chelin at Brian. Si Chelin ang nagsalita. Kapansin-pansin din ang bagay na kumikinang sa palasingsingan nito, at doon pa lang niya nakuha ang sitwasyon kung bakit masayang-masayang si Bree nang dumating. And that thing she was asking him to guess was about her brother and their friend's engagement.

He cleared his throat and immediately thought of an excuse.

"It's because Sunshine is under my company. I have a say with the things that might affect the group's image..."

Napatango lang si Bree pero halata pa rin ang pagkabigla sa nakapaganda nitong mukha. He suddenly wanted to cross their distance and claim her luscious lips, but, he must stop himself. Pumikit siya nang mariin at bumaling na sa dalawa para batiin ang mga ito.

"Nasungkit mo rin, bro!" aniya kay Brian na pinaniningkitan siya ng mata.

Shit! Mukhang hindi kumbinsido ang mga ito sa sinabi niya.

"Ikaw ang best man," ani Chelin.

"At ang magiging best man sa kasal ng kapatid ko sa mga susunod na taon," nang-aasar na dagdag ni Brian. He simply raised his middle finger to him.

avataravatar
Next chapter