265 Plan

Chapter 39. Plan

      

        

BREE quietly listened to Hugh's plan. She was told to act accordingly no matter what'd happen.

"You should concentrate on this, and do what Devon trained you to. Mukhang sinadya niyang ikaw ang atasang pumatay sa iba para walang makakanta tungkol sa pakana niyang pagbaliktad sa misyon."

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman. Everyday, they sneaked into the master's bedroom for him to be able to use the computer. And for just about a week, he already got most of the informations they needed. Bumuo si Devon ng sariling grupo na nakipagsabwatan sa organisasyon, para matigil ang pagtugis nila sa mga ito. She realized he kept her so she would not interfere. The same reason why Hugh, who wasn't supposed to do the job, was being kept as well. It turned out that he was asked by Devon to discreetly hack into de L'Orage's main server—only to lock him up in the basement of that house. He was tricked.

"The people you must kill are them." Sa pader ito gumawa ng organizational chart patungkol sa mga nalaman nila. Devon's photograph with his name was in the middle, while the other agents' were connected to his using a yarn.

"Si Luna ang uunahin ko," nanggagalaiting bulong niya. Hindi niya alam na kasama si Luna sa misyong iyon ngayon. At mas lalong hindi niya alam na hindi ito nakulong; bagkus ay naging agent pa ng AIA. "Ano bang nasa isip ng Nikolaj na iyon at kinuha niya ang babaeng ito?" iritadong tanong niya. Hindi pa rin siya masanay sa pagtawag sa tunay na pangalan ng bagong boss ng AIA.

"Hindi siya ang nag-recruit kay Luna." Ngumuso ito sa pader, sa direksiyon ng litratong may pangalan ni Devon.

"Right. It's my best friend," she sarcastically said.

Iiling-iling na ngumisi si Hugh at nagpatuloy na sa pagpapaliwanag.

"Kailan tayo kikilos?"

"Kapag nahuli ka na nila."

"And how are you so sure that he will save me?"

"Believe me, he will," makahulugang bulalas nito. It's like he knew something she didn't know.

"Pero paano kung pati ikaw, mahuli?"

"Then, I guess I'll die early." Nakangisi man ay dumaan ang sakit sa mga mata nito.

Napalunok siya at napatango. Sa totoo lang ay kinakabahan siya sa plano kung saan magpapahuli siya sa organisasyon. Gagawin nilang pain ang kaniyang sarili para lumitaw ang baho ni Devon, at mahuli ito ng ahensiya. It'd be better if AIA would be the one who'd catch him. She could just suggest to brainwash him, and let him go, instead of turning him into a lab rat just as what they did with the other mole of the agencies before.

On that day Hugh and Bree talked about the whole plan, he purposely left a trace that someone had been using the computer in the Master's Bedroom, and that, he also was confident that they'd be captured by de L'Orage's underlings right away.

Na nangyari tatlong araw matapos ng pag-uusap nila ni Hugh tungkol doon.

"Bree," Devon called and knocked on the bathroom.

"Ano?"

"May misyon tayo ngayon..."

Nangunot ang noo niya at mabilis na isinuot ang roba saka lumabas ng banyo. "Huh? About what?" She never expected him to open up about their job.

"Tonight, we will interfere on the drug trafficking. You should be on standby and remain focused on the target." Pinakita nito sa kaniya ang mga litrato ng kikitain mamaya, at sinabing gaya noon ay magiging backup siya kung sakaling may mali. She'd be sniping the main target.

Tumango siya nang makuha ang mga detalye.

"At alam ng mag-asawa na bagong miyembro ka ng de L'Orage..."

"Okay. May sasabihin ka pa ba?" She's giving him one last chance to spill everything.

However, he only shook his head. "Wear this dress," he said instead. It's an elegant sheer long sleeves scoop neckline mini dress. Its color was black. Mayroon ding nakahandang takong na babagay sa dress na iyon. Mukhang dinner party ang pupuntahan nila mamaya.

Pagkaalis na pagkaalis ng mga ito ay nagbihis siya at dumiretso sa basement para ipaalam kay Hugh ang sinabi ni Devon sa kaniya. Napangiwi pa siya nang mapagtantong iba na ang itsura nito ngayon. Marungis pero hindi naman mabaho. He's not just well-groomed especially his beard, and his baggy clothes which she grabbed from the walk-in closet of those couple when she was cleaning the other week.

"What mission? I didn't see any—"

"Just don't think about what you saw in those files." Dahil maaaring gaya ng nangyari sa kanila ay wala rin sa plano ang misyon mamayang gabi.

"What else did he tell you?"

"Mamayang alas nueve aalis. Na kahit anong mangyari ay hindi dapat masira ang misyong ito. Na dapat ay mabaril ko ang target kung sakaling magkaroon ng engkwentro."

"Did he say more?"

Umiling siya. "But I still think he has his reasons..."

Naiiling na ngumisi si Hugh.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang makarinig ng kaluskos galing sa pinto. Napamura ito at hindi sila nakapanlaban nang mabilis na pumasok ang iilang armadong lalaki at pinalibutan sila. 

"Madam," she coldly called the attention of that woman who's standing near the door. "Why are you here?"

"Primo's right! You are a spy!" sagot lang nito sa kaniya. Ang asawa nito ang tinutukoy, o kung asawa bang talaga nito iyon.

She glanced at Hugh who's couldn't fight because of the drug they injected in him. Apat na lalaki ang nakahawak dito samantalang sa kaniya ay tatlo.

"Who sent you?" Madam asked. Kinasa nito ang hawak na maliit na baril at itinutok sa kaniya kahit na may distansya sa pagitan nila.

Hindi niya ito pinansin at lumingon kay Hugh. Tinakasan na ito ng kulay na nagpataranta sa kaniya.

"Let him go! He's innocent!" she begged even if she knew they wouldn't listen to her. Ano ba'ng itinarak ng mga ito sa lalaki? Bakit parang nanghina kaagad ito? Fuck, he couldn't die! Not now, not ever!

"Oh, does Alistair know this? You're his fiancée, aren't you?" Si Devon ang tinutukoy nito. Mukhang iniisip na may namamagitan sa kanila ni Hugh.

"No... He's not my fiancé." Bumuwal si Hugh. "Please let him go now," garalgal ang tinig niya. Nanghihina na.

Madam signaled the men to hurt him more. Pinagsusuntok ng mga ito ang lalaki at paulit-ulit ang pagsigaw niya para tigilan ng mga ito ang lalaki.

"Just take me!" malakas niyang sigaw. "Take me, and I'll answer everything you needed!" mabilis na agap niya, pawis na pawis na.

Bahagyang nag-angat ng tingin si Hugh sa kaniya at halos hindi makilala ang mukha nito dahil sa pagkakabugbog. Kahit nanghihina ay umiling ito, pinararating sa kaniya na huwag siyang matitinag sa nangyayari. Na kahit mamatay ito sa harap niya ay magpatuloy siya sa kanilang plano. Pero hindi pala niya kayang makita itong mamatay sa harap niya...

"Bring him to the hospital now. Please..." she begged even more. She's not crying because sge couldn't cry. She's more of scared because she could do nothing.

"Why would I listen to you?" Lumapit ang may katandaang babae sa kaniya saka siya sinampal gamit ng kamay nitong nakahawak sa baril.

"Take me instead," ulit niya. As if the bargaining would be enough.

Ngumisi ito at pinaputok ang hawak na baril, dahilan upang madaplisan nang bahagya ang kanang braso niya.

"Kill them! Boss should never hear any of these. Should never know what happened in here. Are we clear?!" baling nito sa mga tauhan.

Nagpumiglas siya nang humigpit ang pagkakahawak sa kaniya ng isa sa mga naglalakihang mga lalaki.

"Can we play with her first?"

Nakakalokong ngumisi sa kaniya ang tinatawag niyang 'Madam' at tumango. "But make sure to silence her right away."

"Oh, yeah!" hiyaw ng mga ito. Ang mga lalaking nakahawak kay Hugh ay basta na lang itong binitiwan at lumapit sa kaniya.

She was never been scared in her life the way she felt at that moment.

"J-just kill me!" bulalas niya.

"We will. After we play with you."

Tumili siya at nagpumiglas, ngunit mala-demonyong pagtawa lamang ang namayani sa madilim na silid na iyon habang ramdam na ramdam niya ang marahas na paghipo ng mga ito sa kaniya. She also heard the hem of her dress got ripped, the mesh sleeves, almost exposing her private parts.

She helplessly fought whilst they kept on getting closer to her, laughing because she couldn't do anything. They're like predators who were ready to devour their prey. At bago pa siya mahipuang muli ay napapitlag siya nang tumalsik ang kung anong likido sa mukha niya. Nanlaki rin ang mga mata ng ibang mga lalaki roon at mabilis na lumayo sa kaniya. Naging alerto sa paligid.

Wala sa sariling napahawak siya sa mukha at tiningnan ang kamay niyang basa na ng malapot na likido.

It was blood.

Dahan-dahang lumingon siya sa pinto at napaupo siya sa sahig nang makilala kung sino ang bumaril sa isa sa mga lalaking binalak siyang pagpiyestahan.

"Rexton..."

Nanginig ang kalamnan niya't hindi siya sigurado kung sa takot ba sa maaaring nangyari sa kaniya ngayon, o sa posibilidad na baka siya ang tinamaan at bumulagta sa sahig. Pero bago pa makahuma ay pinagbabaril nito ang mga lalaking nagtangka sa kaniya, lahat ay pinatamaan nito sa maseselang parte ng katawan ng mga ito. Especially their vital parts.

Pagkuwa'y naalala niya si Madam, at nakita niyang namimilipit ito sa sakit dahil binaril din ito ng kaniyang asawa. Dahan-dahan siyang tumayo at nanatili lamang doon. Kinargahan nito ng bala ang hawak na baril saka pinaputukan ulit ang mga lalaki.

The other agents went in and she guessed it was the backups. Doon pa lamang siya nilapitan ni Rexton at mahigpit na niyakap. Sa kabila ng matinding galit nito ay naramdaman niya ang takot dahil sa bahagyang panginginig ng kalamnan nito.

"I'm sorry, Bree... I'm sorry..."

Why was he apologizing?

"I was late. You almost—" Napayuko ito sa balikat niya at humigpit ang yakap sa kaniya. Tila tinatakpan din ang halos kahubdan niya sa ibang mga taong pumasok doon.

"Hey..." Tumikhim siya, pilit na inayos ang sarili. "I'm alright. See?" Gumanti siya ng yakap dito kahit pa nga halos kapusin na siya ng hininga dahil sa pagpipigil na tumulo ang luha. Sa mga bisig nito siya nakakuha ng lakas na nagpakalma sa kaniya. Na nasiguro niyang siya ay ligtas nang talaga.

On her peripheral vision, she noticed Madam moved so she swiftly changed positions with Rexton and grabbed his gun. She shoot her left arm and her shoulder, too.

Sumipol ang isa sa mga agents na bumuhat kay Hugh kaya napabaling siya rito.

"Is he alive?" kaagad na tanong niya. Rexton immediately dressed her using the coat he just removed.

"He's barely breathing."

Tumagos ang sakit sa kaniyang dibdib. "No... He can't die. Please do everything to save him."

Her husband caught her hand while his other hand wiped her face. Then, he grabbed his handkerchief on his inner pocket to wipe her face better.

"Let's go..."

Umiling siya. "I should execute the plan. I promised Hugh I'd remain focused about everything." Kahit pa nga ba halos ipagkanulo na niya ang sarili kanina upang mailigtas ito, pero ngayon at napagtanto niyang tama ito. Kailangang may gawin siya.

Naningkit ang mga mata ni Rexton. "And what plan is that, Bree?" mabigat ang tinig na tanong nito, pero kaagad ding binawi. "No. We're going home."

Mabilis siyang umiling. "We must finish this."

Napatingala ito at mariing pumikit. May isang sumabad sa kanila.

"I agree with her," anito. Bumaling siya sa lalaki at nakilala niyang si Romano iyon.

"Stay out of it," ani Rexton.

"I can't. Apparently, I'm part of it, and you're our leader."

Marahas na bumuga ng hangin ang asawa niya at ilang sandali pa ay humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Alright. But, we should go out here first. The cleaners will do their job."

Tahimik na sumunod siya rito habang pinakikinggan ang pag-utos nito sa mga tauhan na linisin ang basement.

They wasted no time and they immediately changed the plan.

"After they're done with the basement, you will stay there," baling nito kay Romano.

Nakuha naman kaagad ng lalaki na ito ang magpapanggap bilang si Hugh. Para hindi magduda si Devon kung sakaling tingnan nito ang lalaki sa basement.

"How about me?" she asked. Kanina pa nito inilatag ang mga gagawin ng iba, pero hindi ang kaniya.

"You will do nothing."

"What?" Nangunot ang noo niya dahil mahihimigan ang awtoridad sa boses nito. "Why?"

"Someone will fill in your position. So, don't mind about it anymore."

"Sino?"

Instead of answering, he said, "Uuwi ka na ng Pilipinas ngayon din."

"Rex, I can't!"

"You can, and you will," pinal na desisyon nito. "Hindi na ako makapapayag sa gusto mo, Bree. Uuwi ka ngayon at susunduin ka ng Kuya mo sa Mactan."

"Mactan? Bakit sa Cebu?"

"Baby, just please do as I say, okay?"

She groaned. Even with his dominating voice, he still sounding as if he's begging for her to listen and follow him. Gusto niya itong kontrahin pwro ayaw naman niyang pasakitin ang loob nito, lalo pa't sa nangyari ay nasisiguro niyang iyon ang pinaghuhugutan nito para hindi na siya hayaang gawin ang parte niya sa misyon.

"I'm not condemning you, Bree. I just want you to be safe now. Just listen to me, okay?"

Bumusangot siya. Pero sa loob niya'y alam niyang pumayag na siya sa gusto nitong mangyari.

"Mag-aaway na lang ba kayo? Tumatakbo ang oras."

Namula siya nang punain sila ni Romano, nakangisi ito ng nakakaloko. The other agents couldn't help but laugh, too. Dang it! Why did she forget that they're not alone in that room?

Napansin din niyang mukhang may pormal na event na pupuntahan si Rexton dahil bihis na bihis ito. Sa kabila ng sitwasyong kinaharap nila ay hindi niya mapigilang mamangha sa bulto nito.

Tumikhim ito, marahil ay napansing nakatitig lang siya rito, at ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa kaniyang mga pisngi.

Tumango na lang siya.

The plan was to wait for Devon to go back in the house. And in the hotel where she would stay later, that's where the switching would take place.

And they followed through the plan smoothly.

Ngayo'y lulan na siya ng pribadong eroplanong maghahatid sa kaniya sa Pilipinas at ilang araw pa bago makasunod ang asawa niya dahil may mga kailangan pang asikasuhin.

avataravatar
Next chapter