244 Loved

Chapter 17. Loved

       

      

NAIWAN si Bree sa mansiyon dahil nauna nang umalis si Chelin. May gagawin pa raw kasi ito. Nagpaiwan siya dahil gusto pang makipaglaro ni Hans sa kaniya, pero lagpas alas sais na ng gabi at sinabi ng lola nito na tapos na ang playtime.

Bumusangot ang bata. Nasa hardin kasi sila kung saan natatanaw ang playground nito, kaya siguro naisipan ding maglaro.

"Don't worry, Tita Bree will read you bedtime stories later. How does that sound?"

His face brightened up and nodded. "Peter Pan!"

Wala sa sariling napangiti siya dahil naalala niya si Rexton dito. That was her childhood friend's favorite storybook as a kid.

Kinuha muna sa kaniya si Hans para turuang magdasal ng lola nito. Naiwan siya sa hardin at ilang sandaling tumunganga roon nang maalalang hindi pa bumababa ang lalaki mula kanina.

"Baka nagugutom na siya."

She went in and prepared him dinner. Nilagay niya sa food tray at ihahatid sa kwarto nito. Humigit-kumulang labinglimang minuto rin siyang naghanda bago nagpasyang dalhin na sa itaas ang pagkain.

She didn't usually knock the door, but this time, she did. Ilang sandali pa ay hindi pa rin siya pinagbubuksan. Naisip niyang baka naliligo kaya pinihit niya ang seradura para makapasok. Ilalagay na lang niya sa mesita ang pagkain nito.

Nang malagay na roon ay nagpasya siyang maghintay na lang hangga't makalabas ito ng banyo, pero natuod siya nang mapansing nakahiga ito at mukhang nahihimbing. She went closer to wake him up. Umupo siya sa gilid ng kama saka bahagyang tinapik ang matipuno nitong braso. Nakatalikod ito sa kaniya.

No response. She did it again but he only moved to face her. Still sleeping.

Bahagya na niyang niyugyog ang balikat nito.

"Rex, kumain ka muna bago matulog," aniya sa pagitan ng paggising dito.

"Hmmusog pa 'ko..."

"Ha?" She shook him again. "You didn't eat, howcome you are full?"

He slowly opened his eyes and only stared at her. He blinked, then, kept on staring at her.

"Ano? Bumangon ka na't kumain para makababa na ako."

"Can you lie beside me?"

"H-huh?"

"Just stay here..."

Was that a command or a request?

Tumayo siya pero hinuli nito ang palapulsuhan niya. Hindi naman siya nito hinila para matumba at mahiga sa tabi nito, bagkus ay nanatili lang silang ganoon, para na rin siguro mapigilan siya sa pag-alis.

Ito na ang bumangon at umupo sa gilid ng kama. Napaharap siya rito at yumuko nang bahagya para matingnan ang mukha nito. Pero parang tukso namang naglakbay ang mga mata niya sa ibaba nito, sa gitna ng boxer shorts.

"Why are you only wearing that?" Teka, bakit niya tinanong? "H-hindi ka ba giniginaw?" palusot niya kaagad. Dumako naman ang mata niya sa malapad at mahaba nitong mga paa. "M-mag-tsinelas ka nga! Malamig ang sahig."

Hindi nito pinansin ang mga sinabi niya at tumayo lang ito, dahilan upang magpantay sa kaniyang mukha sa parte ng dibdib nito. Gusto niyang mag-iwas ng tingin kaya napayuko siya, pero mali ring yumuko siya dahil nagkakasala siya sa naiisip habang nahahagip ng kaniyang paningin ang nasa pagitan ng mga hita nito.

Sa huli ay nagpasya siyang mag-angat ng tingin. Pakiramdam niya ay namula siya nang magtama ang mga tingin nila at namamangha siya nitong tinititigan.

"Why, Bree? Are you horny?"

Nanlaki ang mga mata niya at akmang aatras.

"Where are you going if you're horny? Are you going to call one of your friends?"

"H-hindi. Doon lang sa sofa. Aayusin ko ang pagkain mo..." palusot niya.

"Ikaw ang gusto kong kainin kanina pa."

"Nahihibang ka na ba?"

"Hindi." Pinagdikit nito ang mga noo nila, pati ang ilong. "Pero hindi ko rin gagawin."

His low baritone was sending her shivers down to her spine. Again. Halos mangaligkig siya dahil lamang sa kausap niya ang lalaking ito.

Wait, he's not going to do what? Like, eat her? Why wouldn't he? Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at pilit itong tinulak.

"Hindi ako magpapakain sa iyo!" she shouted just to save her face.

Nabigla ito at nabitiwan siya kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makalayo. Pero bago pa tuluyang mabuksan ang pinto ay nahila na siya nito saka isinandal sa likuran ng pinto kaya nagsara ulit iyon.

"And why is that? Aren't we friends, too?"

The situation was confusing her. Didn't he say he wouldn't do that?

"Why don't you want me to?"

"Said you won't..." aniya sa maliit na tinig, hindi matapos-tapos ang sasabihin.

Natigilan siya nang may maisip.

"Ayaw mo sa 'kin kasi gamit na gamit na ako, 'no?" she tried to sound lightly as she could.

Napamaang ito.

"Kasi iniisip mong kung kani-kanino ko binubukaka itong legs ko kaya nandidiri ka?"

"Why the fuck are we talking about this?"

"Why don't you ask yourself?" Humigit siya ng malalim ng hininga.

"I... I—"

"Kung sabihin ko bang virgin ako, paluluguran mo ako?"

Napuno ng kalituhan ang mukha nito.

"O baka hindi rin kasi hindi mo 'ko type? You like voluptuous women, don't you? Lahat ng naging ex mo, ganoon. While I am slim."

"Don't compare yourself—"

"O baka nandidiri ka lang talaga sa 'kin kaya—" She was interrupted when she got enveloped in his sturdy arms.

He muttered a curse under his breath and he was breathing heavily, she could hear his heart beating so loud. "I'm sorry..."

"No, you don't have to say s-sorry," labas sa ilong na bulalas niya at sininok. Nagulat siya na tumulo na pala ang luha niya at ngayo'y hindi na mapigilan ang mahikbi. Shit! Why am I crying?

"I'm sorry, Bree... I didn't mean to offend you." Akmang kakalas siya nang mas humigpit ang yakap nito. "Let's not fight anymore..." namamaos ang boses nito.

"Kumain ka na. P-pupuntahan ko lang si Hans."

Umiling ito. "I'm really sorry."

"Oo na nga. S-sige na—"

He kissed her forehead that made her stir her mind and forgot what she's about to say. He then went back on hugging her tightly, just enough for her to feel the warmth of his body. And just like magic, she stopped sobbing and hugged him back.

"Rexton..."

"Hmm?"

"Are you horny, too?"

He just groaned to protest.

"Kaya ba sinabi mo iyon para tabuyin ako? Para hindi mo ako patulan? Kasi hindi mo ako type?"

"Are we back at it again?"

"I mean, we're both adults now naman..." Hey, tama na, Pilit na pinipigilan niya ang sarili. Between the two of them, it seemed like she's the one who wanted it more. Who wanted him more. Who's like drunk in her love for him and was always clouding her mind.

Love...

This wasn't just a simple fascination anymore. Throughout the years, Bree realized that that growing feeling she had for Rexton before was now developed into something deeper than that. Something scarier for her because she knew she'd be the only one who's feeling so drunk in love. Na hindi nito masusuklian ang pagmamahal niya rito kaya siya natatakot.

"No, Bree, that's not what is it." Bumalik ang diwa niya sa usapan.

Bahagya itong lumayo at pinunasan ang mga luha niyang bumakas sa kaniyang pisngi.

"I didn't want to do it with you because I respect our relationship..." He kissed the tip of her nose, and stepped a few inches away. "Moreover, I respect you."

"Not because you're nandidiri?" Her heart was screaming, wanting to be loved by the same man—the same reason why it's beating wildly.

"Why would I? You are beautiful, Bree. Any man would kneel just to be with you."

Kumibot-kibot ang kaniyang labi para pigilang mangiti kaya idinaan niya sa kung ano-ano. "You mean, just to bed me? Pagkama lang naman 'ata ako." Lakas ng loob magsabi, ni hindi pa nga niya naibigay ang pagkababae kahit kanino.

"Hey, don't you ever think that low to yourself again, okay? You are loved."

This time, she smiled genuinely. She now knew why did she reserve herself for years. That, how did she manage to keep herself from having sex with other men despite of many temptations. At sa kabila ng ilang beses niyang pagsubok na magpaangkin ay bumabalik at bumabalik pa rin siya sa pagnanais na isusuko niya lang ang sarili sa kaisa-isang lalaking nagpatibok sa kaniyang puso...

Ngunit alam niyang imposible dahil bukod sa kaibigan lang ang turing nito sa kaniya't nirerespeto nito iyon, ay alam niyang matagal nang nakulong ang damdamin nito para sa babaeng matagal nang hinahanap.

avataravatar
Next chapter