webnovel

Babae

Chapter 5. Babae

    

    

KUNG hindi pa naisip na tanungin si Romano ni Glaze kung bakit pati ito ay niyaya niya ay hindi sila magkikibuan sa buong durasyon ng biyahe.

Bakit nga ba niya ito pinasama? Gusto niyang amining dahil ilang araw na silang hindi nag-uusap pero medyo weird pakinggan iyon, hindi ba? Lalo na't nililigawan niya ang kakambal nito. He didn't want her to get the wrong idea. That he's fond of her.

But you are fond of her.

He hissed to get rid of that thought. Huli na nang pigilan niya ang sarili dahil napakislot na si Nami at nag-iwas ng tingin.

"Okay lang naman kahit hindi mo na ako isinama. Masusulit pa rin naman iyang libre mo kasi kasama mo si Glaze."

No! He didn't mean to interrupt her while she was talking. Shit! He did not even hear what she was saying. He should have paid more attention to her as she was telling him stories about her activities in school.

"It's alright," dagdag pa nito. "You don't have to please me just because you are courting my twin. You don't have to court me, too. I won't get in your way naman. Kung gusto ka ni Glaze kahit hindi kita gusto, wala namang kaso sa akin iyon basta't totoo ang intensiyon mo sa kaniya."

Napatiim-bagang siya. Was that how it looked like? And did he hear it right? Hindi siya nito gusto? He sighed heavily and focused on driving. Hindi pa niya alam ang isasagot dito. Kung bakit ba naman kasi ang hirap nitong kilalanin. Every move, he didn't realize that she was thinking that he's only trying to get her favor.

"Rest assured, I won't nag you about your job anymore."

Ngumuso siya. That would mean no more late night calls? He cleared his throat. "It's fine."

He glanced at her and noticed that she frowned. Pero halatang nagustuhan nito ang isinagot niya.

"You can ask me about it whenever you want to. Just don't ask me about confidential things."

"Confidential?"

He smirked. He managed to get her attention again. Alam na niya kung paano hulihin ang killiti nito. Sa ngayon.

"You mean, your missions?"

Tumango siya.

"Nah. I know you will never share those with me. Confidential nga, 'di ba?"

He doubted that. Nasabi nga niya rito agad-agad na nasa misyon siya noong mahuli siya nito sa hotel. He could've just made some stories, but at that time, he didn't want the way she's looking at him. It's as if she was disgusted and disappointed. Gusto niyang baguhin ang ekspresyon nito noon kaya umamin siya agad-agad.

At ngayon naman, gusto niyang pagaanin ang loob nito kaya nagbanggit siya ng tungkol sa kaniyang trabaho bilang secret agent. Kung hindi kasi ay baka mapanis na ang laway nila't hindi pa rin sila magkikibuan.

Inipon nito ang buhok at inilagay sa kabilang banda. Napalunok siya't napatitig sa makinis nitong balat. Ang ganda ng kutis nitong morena. Kaya nga ba't ilang oras din siyang nagbabad sa beach para maging pareho ang kutis nila. He suddenly wanted to become moreno.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin para mag-focus sa pagmamaneho. Paano'y bumaba ang tingin niya sa suot nito. Hindi iyon pangit. Naaasiwa lang siyang napapatitig sa katawan nitong mas naging makurba na kaysa noong una niyang makilala. It's not right to feel something while staring at her, right? Especially when he's head over heels on her twin.

I was just praising her. That's all, Aniya sa isipan.

"Are you sure I can ask you more?"

Tumango siya.

"So, c-can I call again?"

"Yes... or I'll call you."

"Yes."

"Yes." He cleared his throat. "Malapit na tayo. Can you call Glaze and ask if is she going to take longer."

"Sige. Wait lang."

She dialed on her phone but there's no answer on the other line. She tried once more.

"Unattended na."

Nangunot ang noo niya. Was it just him or Glaze was really avoiding him? Napansin niyang napapadalas na ang pagkakaroon nito ng dahilan sa tuwing yayayain niyang lumabas, o hindi kaya'y tinatawagan niya. Mas madalas pa nga silang magkasama noong hindi niya pa ito nililigawan kaysa ngayon.

"Baka na-lowbat na, hintayin na lang natin," komento ni Nami.

Siya nama'y napaisip. Kung ipa-imbestiga kaya niya ang babae?

He immediately shook his head a little bit. That's not a good idea. Kahit hindi niya ipaalam dito ay may posibilidad pa ring malaman nito. At ayaw niyang magmukhang stalker o obsessed na manliligaw. Wala pa nga silang relasyon ay nagdududa na siya. He should trust her the way he did when they were still just friends.

"Let's wait for her at the restaurant. O baka naman nandoon na pala siya."

Napatango na lang siya.

Pero pagkarating doon ay wala ito sa pina-reserba niyang pwesto. Naghintay pa sila ng halos tatlumpung-minuto bago ito dumating.

"Gosh, it's super traffic!" bulalas kaagad nito pagkaupo sa tabi niya. Katapat nila ang kakambal nito.

"Saan ka ba kasi nanggaling?" asked Nami before drinking her water.

"May dinaanan lang. Sorry, pinaghintay ko kayo. Ipa-serve na natin ang pagkain?"

Tinawag niya ang waiter para ipa-serve na ang main course. He, himself, ordered her food awhile ago while he let Nami chose hers. The latter ordered Spicy Penne A la Vidka, while he ordered Red Wine T-bone Steak, and Bacon-Wrapped Beef Tenderloin for Glaze. Paborito nito iyon. May shrimp salad din para rito.

Nang magsimula na silang kumain ay napansin niyang tahimik na lang si Nami samantalang kanina ay ang dami nitong kinukwento tungkol sa mga vlogs nito, sa mga content na gusto nitong subukan. She even asked him if could he choreograph a dance with her on her next vlog. And he agreed right away.

"Siya nga pala, nakwento na ba sa iyo ni Nami na kinukuha siyang trainee sa Wang Xi Entertainment?" That's one of the leading entertainment companies not only in the country, but in Asia.

Nabaling ang atensyon niya kay Glaze na nagkukwento kanina tungkol sa ginawa nito noong nakaraang araw. Then, he glaced at Nami who just shrugged her shoulders.

"Sabi ko nga, tanggapin na. May tsansa naman na mag-debut itong kakambal ko. She's so talented kaya!"

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. He's agreeing on what he heard.

"She can dance, she can sing! She can act, too. Kung alam mo lang, matagal nang nililigawan ng drama club iyan. Tanggi nang tanggi. Patay na patay sa pagva-vlog at mukhang walang balak na tigilan."

If that's what could make her happy, she should continue doing vlogging, then. Right?

"I'll be participating sa play as a special guest," ani Nami.

"Wait, whoa! And you didn't tell me?" bulalas ni Glaze at sumubo ng shrimp salad.

Napansin naman niyang kanina pa nakatitig sa pagkaing iyon si Nami. Gusto ba nito iyon? Should he order another salad for her?

"Kanina lang ako pumayag. Tinawagan ako ni Maya, sinabi niyang hindi na niya ako kukulitin sa susunod."

"Who's Maya?" he asked.

Lumingon ito sa kaniya. "Classmate ko sa Rizal. She's from the drama club."

"You know her," sagot naman ni Glaze. "She once asked me to give her your number kasi nakita niyang magkasama tayo sa picture."

Nangunot ang noo niya. Wala 'ata siyang matandaan.

"Si Maria Melendez," dagdag pa nito.

Napa-"ah" siya nang maalala ito. "That Maria," he commented. Ibinigay nga ni Glaze ang contact number niya sa babae noon, para raw huwag nang mangulit.

"Ex mo?" kaswal na tanong ni Nami. But he defensively said no.

"Muntik na 'kamo," sabad ni Glaze. "Kung hindi lang siya pinagbantaan ng ate ni Maya."

"Ate?" takang-tanong ng isa.

Tumiim ang bagang niya. Could they just continue eating? O kaya, magkwentuhan na lang sila ng ibang bagay.

"Yes, her sister. Iyon ang ex ng mokong na 'to. Pero nakipag-break noong malamang may ibinabahay na babae si Romano sa probinsya." He held Glaze's forearm to stop her from talking.

"What?!" gulat na gulat si Nami sa narinig.

Next chapter