webnovel

Chapter 3: Start

"Nasaan na ba si Dongmin?" kanina ko pa siya hinahanap kasi may practice kami sa basketball.

"Hi, Louie!" bati sakin ng isang cute na babae.

Sikat ako dito sa school kasi Varsity player alam niyo na dagdag pogi points.

Napadpad ako sa bakanteng part ng school ng makita kong may nag aaway na babae at lalaki.

"Teka si Dongmin yun..." napatago ako sa isang pader kasi seryoso silang naguusap o nag aaway nakayakap kasi yung babae kay Dongmin kaya hindi ko makita kung sino.

"Bakit parang kasalanan ko ang lahat? May kasalanan ka rin naman hindi ba? Iniwan mo ko hindi ka nagpaalam sakin ilang taon kitang hinintay na bumalik pero hindi ka bumalik iniwan mo ko sa ere!"

Nagulat ako sa sinabi ng babae, patay siya ata yung nakwento ni Dong min sakin dati.

Nakita kong tumakbo yung babae pero nagulat ako sa nakita ko.

Si Ainsleigh Kim, yung sikat na IDOL .

Napatakbo ako papunta kay Dongmin.

"Bro, ano yun? Si Ainsleigh yun kinekwento mo sakin na kababata mo? Hoy sumagot ka" niyugyug ko yung balikad niya pero hindi niya inaangat ang mukha niya.

Ngayon ko lang siya nakita sa ganitong sitwasyon.

Simula ng bumalik siya galing sa US ako ang unang naging kaibigan niya dito kaya naman kami talaga ang matatawag kong best friends that time kaya pag may problema o ano man kami ang nagtutulungan.

"Sundan mo si Ai, sundan mo siya" iyon lang sinabi niya saka umalis.

Dali dali naman akong tumakbo at hinanap si Ainsleigh ng makita ko siyang nakahiga sa sahig.

In short, nadapa siya.

"Ainsleigh?" sabi ko pero humahagulgol siya.

Mabuti nalang at walang tao rito at dismiss narin ang klase kaya naman yung iba nasa kanya kanya ng club activities.

Binangon ko si Ainsleigh, at iniupo sa isang bench may sugat yung tuhod niya.

Nilabas ko agad yung alcohol at panyo ko.

Lagi akong may dalang alcohol medyo OC kasi ako sa kamay ko.

"Alam mo ang isang IDOL, hindi dapat nasusugatan ng ganito" biro ko baka tumigil na siya pagiyak.

"Hindi na ko IDOL, normal na tao lang ako" sagot niya.

"Nako nako, sabihin nanating dating IDOL pero normal na tao na ngayon, Happy?" nakita ko namang ngumiti siya.

Binalot ko na ng panyo ang kanyang sugat sa tuhod at bigla naman siyang tumayo.

Hinawakan ko naman agad yung kamay niya at pinaupo ulit siya .

"Bakit ka nga pala nadapa at umiiyak" walang malay kong tanong.

Kahit na alam ko ang sagot gusto kong malaman kung ano ang nasa isip niya.

"Akala ko kasi may babalikan pa ko pero wala pala" malungkot niyang sagot.

Kailangan niya ng payo ng malupit na tulad ko.

"Kung wala ka ng babalikan bakit mo pa ipagpapatuloy edi ang gawin mo mag move on" payo ko sakanya.

Napatingin naman siya agad at nagbabadyang iiyak.

"Paano kung siya ang dahilan mo kung bakit ka umalis sa bagay na gusto mo tapos biglang ganun" biglang tumulo ang luha niya.

"Alam mo kung hindi na kaya wag ng ipilit kumuha ka nalang ng ibang dahilan yung tipong hindi mo na sasabihin na dahil sakanya kaya ako bumalik tapos gumawa ka ng bagong alaala na masasabi nating mas mahalaga kaysa sakanya" mukang sarado pa ang isip niya sa ngayon.

"Mahirap gawin yun lalo na sakanya ako umiikot ngayon." sarado pa nga saradong sarado.

"Question: Do you want to chase the past?" tanong ko.

"Oo" matiim niyang sagot.

"Para saan pa yung past is past?" banat ko.

Nanahimik siya parang bigla siyang nagisip sa sinabi ko.

"Louie right?" biglang tanong niya.

"Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ko kilala yung totoo Ainsleigh?" kunwaring inis kong sagot.

"Hahaha, sorry naninigurado lang ako" iba pala siya tumawa nakakalaglag panga talaga para siyang laging nasa shooting.

"Salamat ha, naisip ko na yung dapat kong gawin" tumayo siya at biglang umalis.

Naiwan akong nakaupo at tulala sa bench. Grabe pinayuhan ko pero iniwan ako.

Dati sa TV at sinehan ko lang siya nakikita pero ngayon nakakausap ko na pero alam ko namang hindi pwede at saka wala akong laban at hinding hindi ko tatraydurin ang matalik kong kaibigan.

Pero kakaiba pala talaga siya ibang iba siya sa mga babaeng nakikita ko sa paligid bukod sa maganda eh parang lagi kang nasa pelikula pag kasama mo siya parang hindi makatotohanan.

Umalis na ko sa bench at dumiretso na sa room nakita ko naman siya na kausap si Liz at Mari.

"Sino may gawa niyan sayo?! Uupakan na namin yun diba Mari!!!" sigaw ni Liz.

Kahit kailan talaga para siyang lalaki brutal magsalita at parang laging may kaaway.

"Hindi ko lang nakita yung bato habang naglalakad ako kaya naman nadapa ayun bingo" banat ni Ainslegh.

"Lei, sigurado ka ba dapat ba ihatid ka nalang namin sa clinic?" pagaalala ni Mari.

Si Mari, parang anghel na bumaba sa lupa pero hindi ko alam kung nasa loob ang kulo tulad ng ibang babae.

"Ok lang ako nakakatayo nga ako oh" sabay tayo naman ni Ainsleigh at biglang na out balance kaya naman dali dali ko siyang sinalo.

Nagkatitigan kaming 2 at agad ko siyang tinayo.

"Louie!!! Wag mong hawakan si Lei marumi kang tao!!" sigaw ni Liz sabay agaw kay Ainsleigh.

"Hoy, lalaki hindi ako marumi baka ikaw!" sigaw ko sakanya.

At tuloy na kaming nagtalo ganito naman kami lagi ni Liz daig pa namin yung aso't pusa sa away namin.

"Ang iingay niyo umuwi na kayo" biglang tayo ni Dongmin at umalis.

Natahimik kaming lahat at sabay sabay nagkatinginan.

Nakita ko naman si Ainsleigh na naka yuko.

"Tara, uwi na tayo" sabay kuha ko sa bag ko agad naman silang tumayo at sumunod ng lumabas sa akin.

Tahimik parin si Ainsleigh, naaawa ako sakanya sa totoo lang pero wala akong magawa nanga ako kay Dongmin na hindi ko ipag sasabi ang nalalaman ko.

Next chapter