2 PERSONA 1

Finally, a fantasy Genre! HAHAHA. Wanna try a shot at making one. Tapos ko na ang drafts ng The Numb ko pero nagdadalawang isip akong i-publish 'yun. Medyo tragic kasi ang pananaw ko sa pag-ibig ngayon kaya naman marami akong ending na nagawa at nahirapan akong mamili. HAHAHA. Pero I'm going to finish publishing it this year.

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the story guys!

*

Chapter 1

Anna's

Hindi kami kumibo ng sunod sunod na pumasok ang mga personal agents ng Headmistress at may dala dalang mga boxes papunta sa vacant room sa girl's wing ng dorm namin.

"What's happening?" rinig kong bulong ni Stan sa amin pero nag-shrug lang ako habang sina Peter naman at Tim ay tahimik lang na nanunuod

Nakatayo lang naman ako habang pinapanood sina Peter at Stan na naglalaro ng isang online game habang si Tim naman ay nasa sofa, nagbabasa ng isang libro.

Agad akong pumunta sa pinto nang marinig ko palang ang boses ni Sir Lucas - ang isa sa mga guro namin. Nang tuluyan na siyang makapasok ay agad akong ngumiti sakanya.

"Good morning, Sir" bati ko at agad naman siyang tumango

"Good morning," sagot niya

Nang magsibabaan na ang mga agents na naghatid ng mga boxes kanina ay naglinya muna sila sa harapan ni Sir Lucas saka sinarado ang mga kamao nila't inilagay sa mga puso nila.

It's the way agents from the Aegis Force give their sign of respect for an Aegis Force leader.

"Really, you don't have to do that to me" sabi ni Sir Lucas pero wala sumagot ang mga agents kaya naman natawa ako ng patago

"Anyways, thanks. Paki-sabi nalang sa Headmistress na ipinasa ko na ang files sa mga instructors. Magkakaroon ng changes eh"

"Understood, Sir" sagot ng mga agents saka nagbow at nakalinyang lumabas ng dorm

Napanganga ako sa narinig ko.

"Eh? Changes? May bagong student po ba?" tanong ko kay Sir Lucas na ikinatango niya

"WHAT?!" sabay sabay naming sigaw dahilan kung bakit napatakip ng mga tenga si Sir Lucas

Well, except for Tim and Stan whose as calm as ever.

"Ano ba? Oo nga. There's a new student. Kaya nga may mga gamit na dinala dito hindi ba? Sa team niyo siya ipapasok," sagot ni Sir kaya naman napatingin na ako kina Stan at Peter

Nakatingin lang din silang dalawa sa akin.

"Why in our team?" nabaling naman ang mga paningin namin kay Tim nung itanong niya 'yo

"That's right. Why in our team, Sir?" dagdag ni Stan

Napabugtong hininga na si Sir Lucas. Mukhang pagod na atang makipagtaluhan sa amin.

"Because like the four of you, she's special" nanlaki mata ko dun

"SHE?! Babae?!" tanong ko kaya naman napatango siya

Natahimik na ako sa binaling ang tingin ko sa ibang direksyon.

She. Napahawak ako sa chin ko saka ako napangiti. Tanggap na siya. Nakakasawa kasama 'tong mga eggnogs na 'to eh. Buti naman at babae ang pinili nila. I hope she's nice. Wait, on second thought, I hope she's badass. Ohoho

"Nanahimik ka? You're probably not planning on accepting this are you?" bulong ni Peter sa akin kaya naman napa-shrug ako

"Don't know what you're talking about" sagot ko kaya naman napailing siya

"How is she special? She's not from here" sagot ni Tim kaya naman napakunot ang noo ko

Kahit kailan talaga ang bunganga ng lalaking 'to oh.

"'Di ko pa naibabanggit sa inyo na sa dorm niyo siya tutuloy. So Anna, make sure the extra room for the girl's wing is spotless clean" sagot ni Sir Lucas kaya naman napatingin ako kay Tim

He dodged the question. Kumunot tuloy ang noo ni Tim dahilan kung bakit siya inakbayan ni Sir Lucas.

"She's the first one to receive a scholarship from the Head Mistress of the school. 'Yun palang, alam mo nang special siya" sabi ni Sir Lucas saka niya pinat ang ulo ni Tim at umalis na sa classroom

Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko dahilan kung bakit sila napatingin sa akin.

"There you have it. I'm going to have to fix the whole dorm before the new student arrives. See 'ya guys!" sigaw ko saka ako tumakbo palabas ng room

Well, that's just a joke. Hinabol ko lang naman si Sir Lucas.

"Sir Lucas!" tawag ko sakanya ng makahabol na ako

Huminto naman siya saka ako tinignan.

"Oh, Anna. Ano nanaman ba?" tanong niya kaya naman natawa ako

"Maganda ba 'yung new student?" tanong ko dahilan kung bakit napaubo si Sir Lucas bigla

"O, maganda talaga?" tanong ko

Nung sinamaan niya ako ng tingin ay napangisi nalang ako.

Di ko masisisi si Sir. Mga fresh graduates ang karamihan sa mga teachers ng mga first year students eh. He's still in his early 20s. Mwahaha

"Yes, she has an innocent goddess-like beauty but.." pinutol niya ang sinabi niya kaya naman nagtaka ako

"She has some attitude problems," sagot niya kaya naman napatango nalang ako

"So.. you met her already?" tanong ko kaya naman napaisip siya sandali saka tumango

"I guess you can say that. I've met her even when she was still young. I don't have a single idea about how she is now though" sagot niya

"Napili lang siya dahil may persona siya? Ganun po ba?" tanong ko kaya naman napailing si Sir

"It seems like the Head Mistress saw herself in her. Mahilig makipag-away eh" sagot niya kaya naman natawa ako

Then magkasundo kami.

"Kailan po ba siya darating?" tanong ko

"She'll be here by noon" sagot niya kaya naman nagulat ako

"H-ha? Ngayon na po?" tanong ko

"That's right. It was a sudden decision made by the Headmistress. Susunduin niya mamaya 'yung new student kaya naman bilis bilisan niyo ang pagtrabaho" sagot niya kaya naman nanlaki mata ko

"She will be fetched by the Head Mistress herself? Bakit?" tanong ko kaya naman pinat niya ang ulo ko

"Enough with the questions, Anna. Magre-ready pa ako para sa meeting. So when the new student arrives, make sure to welcome her and make her feel comfortable in the dorms. I'm counting on you," sabi niya at tuluyan nang umalis

Nag-aja pose ako saka ngumiti.

"I feel a storm coming but oh well," bulong ko saka ako tumakbo papunta sa dorms

*

Cashmiere's POV

"Head mistress, nandito na po lahat ng Board Members" pagkarinig ko non ay agad na akong tumayo saka kinuha ang mga documents na nasa harapan ko

"Inform them that I'll be there in a minute," sagot ko kaya naman tumango ang secretary ko saka lumabas ng office

"Board members and some documents? May paguusapan nanaman ba kayong mga estudyante? Is it the first years?"

Napatingin ako sa nagsalita.

"Page. Why are you here?" tanong ko

Aba ang baliw kong pinsan, casual lang na nakaupo sa sofa ko. Tsk.

"Gusto ko lang naman magreklamo. Ba't ba ako magtuturo ng mga first year students? Hindi ba pwedeng sa office nalang ako?" tanong niya kaya naman napataas ang kilay ko

"Demanding ka eh no? Isumbong kaya kita sa papa mo?" tanong ko

"What? It's not like you've never rebelled before. Hindi ka rin naman magtuturo eh" sagot niya

"Magtuturo ako. Isa siya sa mga tuturuan mo," sagot ko saka ako naglakad papunta sa pintuan

"Isa lang? Ano ba 'yan, ate! Andaya mo naman!" hindi na ako sumagot at natawa nalang

"Lucas is their junior adviser while Law is their senior adviser so you don't have to take all the responsibilities. Combat and observation Training lang naman ang ituturo mo sakanila" sagot ko

"So you mean it's just 3 hours a day?" tanong niya kaya naman tumango na ako saka binigay sakanya ang isang envelope na naglalaman ng mga estudyanteng tuturuan niya

Lumabas na ako ng office saka dumiretso sa meeting room. All eyes were on me. It's excruciating but there's nothing I could possibly do. At a very young age, ako na ang mamamahala ng school. To top it off, it's not just an ordinary school. It's a school for kids with personas.

In the Imperial Capital, the place where we live in, there are 70% of people who are gifted with personas. Persona are abilities given by the deity. Your persona defines you. For example my brother, Page, who's very silent. His persona is space. He can control a certain radius of the space around him and make it seem like all the noise disappeared. If you're outside of his control, you still can't hear the noise inside it. In short, your persona is you yourself.

"Good morning, Headmistress" sabay sabay nilang bati kaya naman umayos na ako ng tayo saka inilapag sa lamesa ang mga documents

"Without further ado, I would like to present to you the 23 first year students' results on their monthly assessments" sabi ko habang naglalakad ako

"Shall we start?" tanong ko saka ako umupo

"Yes, Head mistress"

"Open the documents in your front and turn to page 52" sabi ko kaya naman sumunod na sila't inilipat sa page 52 ang documents na nasa harapan nila

"H-head mistess,"

"Is this really?"

"Why now?"

"It's about the prisoner 5 years ago," pagkasabi ko non ay nabiglang tumingin sa akin ang mga nasa loob ng silid kaya naman napangiti nalang ako

Hmm. Let's finish this already. I still have to fetch someone who's probably sticking her nose into some kind of trouble again.

avataravatar
Next chapter