1 PROLOGUE

Isa akong tao na madaling maawa sa iba dahil iyon ang turo sa akin ng namayapa kong mama, hindi ko nakita ang mukha nya dahil bata palang ako noong nawala sya, pero ang sabi ni nanayla sobrang ganda nya at iyon daw ang namana ko sa kanya.

It's now the 16th year of my existence, at si nanay lola at tatay lolo nalang ang kasama ko.

Kahit isang beses ay hindi nila ako pinapasok sa isang school, pero hindi rin naman nila hinayaan na wala akong nalalaman sa pagbabasa, pagsusulat at pagsasalita ng ibang lenggwahe.

They served as my lolo and lola and at the same time, my teacher. Hindi nila hinayaan na wala akong nalalaman sa mundo, even if they're not professional in the field of teaching.

Nabubuhay kami ngayon sa isang bukid na inaalagaan ni tatay lolo. Hindi man pinapakita nina nanayla at tataylo, alam kong may kaya ang pamilya namin.

"Reminisce, pumasok kana at maggagabi na." Si nanayla.

"Opo nanayla, papasok na po."

Naabutan ko si nanayla na sinusuklayan ang mahaba nyang buhok. Ang ganda talaga ni nanayla, hindi halatang nasa edad na sya na 60 dahil sa bata nyang balat.

Hindi ko alam kung bakit pinapahaba ni nanayla ang buhok nya pati narin ang buhok ko. Tuwing nahihirapan ako sa pagsusuklay, siya ang nagsusuklay sa akin dahil ayaw nyang makaramdam ako ng pagnanais na putulin ang buhok ko.

"Nanayla, gusto ko po maging katulad nyo. Kahit na 60 na po kayo, mukha parin po kayong 30." Nilingon nya ako at hinawakan ng marahan ang buhok ko.

"Alam mo reminisce, ang pagiging natural at palangiti ay nakakabata." Tinitigan ako ni nanayla na tila kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha ko.

"Nanayla?".

"Ilang taon nalang reminisce. Ilang taon nalang."

_________

avataravatar