1 Prologue

"Ano Nel? Sasama ka ba mamaya?"

"Hindi ko alam. Delikado naman kasi. Baka maabutan ako."

"Eh sige. Hwag nalang tayong pumasok ng hapon. Game?"

Napaisip ako bigla. Kung hindi kami papasok mamayang hapon, hindi ako mahuhuli nila papa pero may mamimissed naman akong mga lessons. One missed lesson won't be that bad, right?

Ma-inis ako. Bakit ba kasi ang sarap uminom? Peste. Bahala na.

"Sige sige! Game! So saan tayo?"

"Sa dati nalang muna habang wala pa akong nahahanap na ibang lugar."

Hindi na ako nakasagot kasi biglang pumasok na yung next teacher namin para sa last subject ngayong umaga.

"Dating inuman, dating kasama fren." Bulong ng katabi ko.

"Yep. Masaya nanaman mamaya."

***

"Neeeel!"

Sabay-sabay nilang sigaw pagkakita palang nila sa'kin. Diba? Parang mga takas mental lang silang nakakita ng nurse.

Diretso lang ako ng lakad papunta sa kubo kung nasaan sila. Nang makalapit ako-

"Umusog nga kayo d'yan! Wala nang uupuan si Nel."

"Pwede naman akong kumuha ng upuan diba? Kailangan talagang magsiksikan kayo d'yan?"

"H'wag niyo kasing ipagsiksikan kung 'di na kaya!"

"P*tang in* mo Rich. Manahimik ka."

And there it goes. Nagsimula na ang asaran. They keep on teasing Rich to that Evilline girl.

"Pwede ba? Nagagalit na nga girlfriend ko eh."

"Nakakainis ka na Rich ha. Ewan ko ba bakit nag i-stay ka pa diyan sa amazona mong girlfriend." Si Karla na katabi ko lang.

"Kaya nga Rich. Nandiyan naman si Evil eh. Atleast yun, hindi nambubugbog ng boyfriend. Sweet pa siya saka mabait." Ngayon si Jez naman.

"Ah. Kaya pala nahuhulog ka din." Asar pabalik ni Rich.

Oh...kay? Natahimik ang lahat sa sinabi ni Rich. Even me was shocked from his words.

"Oops."

It was all good not until we emtied the bottle of that alcoholic drink.

avataravatar
Next chapter