1 Chapter One

Malalim na ang gabi ng maisipan kong lumabas ng aming bahay para magpahangin ngunit sa di inaasang pagkakataon ay. . .

"Ibibigay mo ba ang pera mo o gusto mong mamatay na!" (Magnanakaw)

"Wa...la po akong dalang pera manong parang awa nyo na" waaaah bakit pa kasi ako lumabas ng bahay eh 😭

"Kung ganon wala ka din palang silbi "(magnanakaw) akmang sasaksakin na nya ako ng biglang may isang lalaking pumigil sa kanya.

"Hahaha manong ako na lang saksakin mo o baka gusto mong ikaw na lang saksakin ko "(lalaki) para syang baliw na nakatakas sa mental dahil sa white na robe na suot nya at ang mga ngiti nya ay nakakatakot at sinong lalaki naman ang nasa matinong pagiisip na gustong magpasaksak diba.

"Pakialamero ka ! Ito ang sayo!" akmang sasaksakin na ng magnanakaw ang lalaki ng biglang sipain sya nito at agaw ng kutsilyo.

"Hahaha alam mo ba ang ginagawa ko sa mga taong katulad mo? " at biglang pinagsasaksak ng lalaki ang magnanakaw habang ako naman ay tulala lang habang umiiyak sa tabi ng poste ng ilaw. May halong takot at kaba ang naramdaman ko dahil baka pati ako saksakin ng baliw na lalaki. Hindi ko maikilos ang buo kong katawan sa na sasaksihan ko kaya di ako makatakas.

" Hahaha manong buhay ka pa ba? uy manong? wag ka munang mamatay kasi di pa ko tapos sayo. Gusto pa kitang marinig sumigaw at magmakaawa eh" ani ng lalaki na ngayon ay nababalutan na ng dugo ang katawan. Wala nang buhay si manong pero patuloy pa din ang pagsasaksak ng lalaki na para bang hayop ang kanyang pinapatay.

"Hahahaha ano ba manong patay kana talaga?" tanong ng lalaki sa wala nang buhay na magnanakaw. Nang Hindi na nakita ng lalaki na gumagalaw si manong ay itinigil na nya ang pagsaksak dito at humarap sa akin na para bang walang nangyari.

"Miss, pwede ba kong sumama sa inyo? sobrang dumi ko na kasi" sabi ng lalaki na may ngiti sa labi. Umiliwalas ang mukha nya na parang inosenteng bata. Nagtatalo ang isip ko dahil di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hello? pumatay lang naman sya at maaaring ako ang isunod nya. Pero ewan ko ba na pa Oo na lang ako.

avataravatar