750 Winaldas ang kanyang ipon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ng masama ni Xue Li si Ye Wan Wan dahil hindi magpapatinag sj Hou Maofeng.

Hindi sana mangyayari ito kung hindi magpumilit si Ye Wan Wan na kunin ang misyon na ito.

Nababalisa na ang tatlong eksperto. Salit-salit nilang hinimok si Hou Maofeng, pero hindi siya nauudyok ng mga ito.

Sinisisi ng tatlong eksperto si Ye Wan Wan at sinabi nila, "Kakaiba talaga ang mga produktong mong mga bato - nakita ko ang ilang mga bato na nakalagay sa may bintana mo, nakita ko na mataas ang kaledad na kaledad ng glass jade ito! Malaki ang posibilidad na mataas na kaledad na jadeite o di kaya, berdeng-berde ang nasa loob!"

"Hindi lang si boss Huang ang gustong makakuha nito, kahit ang mga kompetitor namin ay naglalaban-laban para dito; ginawa ni Director Qin ang lahat ng makakaya niya para kumbinsihin si Hou Maofeng na ireserba ito sa atin - nalulungkot ako dahil masasayang lang ang lahat ng pinaghirapan niya!"

"Hindi niya pwedeng ipagmayabang ang kanyang mga abilidad kung wala naman siyang kakayahan! Inisip niya ba na rerespetuhin siya ng lahat dahil may koneksyon siya kay chairman Si?"

Salit-salit na kinausap nila Xue Li at ng tatlong eksperto si Hou Maofeng habang walang naiambag si Ye Wan Wan sa kalakalan na nagaganap. Nakaupo lamang siya sa isang gilid at hinihigop niya ang kanyang tsaa.

Ang walang pakialam na ugaling pinakita ni Ye Wan Wan ang nagpagalit kay Xue Li.

Nag-alala si Eleven dahil nasa mahirap na sitwasyon na sila. "Miss Wan Wan, gusto mo bang tawahan ko si housekeeper Xu at manghingi tayo ng tulong sa kanya? Baka papakinggan na tayo ni boss Hou kapag may katulong tayo…"

Nilapag ni Ye Wan Wan ang teacup at kaswal siyang sumagot, "Hindi mo kailangang gawin 'yon."

Hindi nagpapatalo si Huo Maofeng sa kanila, kaya naisip ni Xue Li na tawagan si Qin Ruo Xi.

"Saglit lang, boss Hou. Tatawagan ko lang po si Director Qin…"

Kumalma si Xue Li pagkatapos niyang kausapin si Qin Ruo Xi sa may phone. Pagkatapos nito, pumunta siya kay Huo Maofeng. "Boss Hou, gusto ka raw pong kausapin ni Director Qin…"

Mabilis na nagbago ang ugali ni Huo Maofeng nang makuha niya ang phone. "Hello, Miss Qin. Hindi ba't nagkasundo tayo na ikaw ang kukuha at titingin ng mga produkto? Bakit biglang nagbago ang usapan natin? Importante ito - bakit ko ito iaabot sa ibang tao? Tama ba na gawin ko iyon?"

"Oh, Miss Qin, anong sinasabi mo? Nirerespeto naman kita! Sige pala, kung ito ang gusto mong mangyari, wala na akong problema sa desisyon mo…"

Sampung minuto pang nakipag-usap si Huo Maofeng kay Qin Ruo Xi, bago niya binaba ang tawag.

Mabilis na naglakad patungo kay Huo Maofeng si Xue Li. "Boss Hou, ano po ang desisyon niyo…?"

Nagmataas muna si Huo Maofeng at mabigat sa loob niyang sumagot sa tanong ni Xue Li, "Dahil sinabihan na ako ni Miss Qin, wala na akong problema sa isyu na ito. Sundan niyo ko at ipapakita ko sa inyo ang mga produkto!"

"Sige, sige. Pasensya na sa abala, boss Hou!" Nakahinga na ng maayos si Xue Li.

Ngumiti ang tatlong eksperto. "Panigurado talaga ang pamamaraan ni Miss Qin…"

"Ay, wala tayong naging problema kapag kasama natin noon si Miss Qin! Nahirapan ako dahil nagtiis pa tayo sa bad mood ni boss Huo!"

Pagkatapos nito, may inutusan na tauhan si Huo Maofeng para buhatin ang nireserbang mga bato ni Qin Ruo Xi.

Dinala ng shop assistant ang dalawang trailers. Isa dito ay may dalang mga bato na may bigat na sampung catties, habang ang isa ay may malaking boulder na may bigat na isandaan na catties.

May dalawang bagay na kailangang hanapin sa sugalan ng mamahaling mga bato - una, ang klase ng bato, malalaman ito sa grado na meron ang bato at ang pangalawa ay ang pinanggalingan ng bato.

Kapag nanggaling ito sa maayos na lugar, mas malaki ang tsansa na berde ang nasa loob.

Malalaman mo lang ito kapag may kasanayan ka na sa mga bato.

Inaral ito ni Ye Wan Wan kamakailan lang at nalaman niya na nanggaling ang mga materyal na ito sa Hui Ka origin - ang mga materyal na galing dito ay kulay grey na tulad ng balat ng elepante.

Ah, itong bato pala - ang batong ito ang dahilan kung bakit naubos ang inipong pera ni Qin Ruo Xi...

avataravatar
Next chapter