60 Wan Wan: ang pampatulog?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumingin ang matandang babae sa kanyang apo at mahinang nagsalita, "Iyan ang hindi ako sigurado. Matapos ng hapunan, sinabihan ko si Little 9th na ilibot niya si Wan Wan sa hardin. Nang mapansin kong hindi pa sila bumabalik, pinuntuhan ko 'yung dalawa at saka ko nakita si Little 9th na nakasandal kay Wan Wan, mahimbing na natutulog."

Bihirang makita si Little 9th na makatulog kaya hiniling ko kay Wan Wan na huwag na muna siyang gisingin at hayaan munang makatulog pa ng mas matagal."

Napakunot ang noo ni Mo Xuan, "Paano 'to nangyari? Matagal ko nang kasama si 9th master at hindi ko pa siya nakitang makatulog agad ng tulad niyan. Ito ang pinakunang beses na nangayari!"

Kung hindi man ito ang kaso, hindi na sana ako magkakaroon ng sakit ng ulo sa kanya!

Sa sandaling iyon, mukhang may naalala si Xu Yi. Nagliwanag ang mga mata niya at madaling nagsalita, "Hindi...ang totoo, hindi lang ito ang unang beses!"

"Hindi ito ang unang beses? Anong ibig mong sabihin?" sabay tingin nina Mo Xuan at ng matandang babae kay Xu Yi.

Inaalala ni Xu Yi saka sumagot, "Naalala ko noong isang gabi, nakatulog din ng ganito si 9th master."

"Anong klaseng sitwasyon, pwede mo bang ipaliwanag ng mabuti?" pagpilit ni Mo Xuan.

Hindi isinama ni Xu Yi sa kwento kung saan tumakas si Ye Wan Wan at nagdulot ito kay Si Ye Han ang sunud-sunod na gabing hindi siya makatulog at nagpaliwanag na lang, "Noong oras na iyon, kasama rin ni 9th master si Miss Ye sa isang sofa sa may sala ng hardin ng Jin. Niyakap ni 9th master si Miss Ye at saka nakatulog na siya ng maayos buong gabi…"

"Isang buong gabi?"

"Tama. Kahit ako'y nagulat din noong mga oras na iyon, kaya sariwa pa sa alaala ko. Nagsimulang makatulog si 9th master ng alas dyes ng gabi at nagising ng alas sais ng umaga. Isang buong walong oras na tulog!" sagot ni Xu Yi.

Kinurut-kurot ni Mo Xu ang bahagi ng kanyang kilay, "Bakit hindi mo sa akin sinabi ito agad? Malaking bagay ito!"

Painosenteng mukha ang agad na reaksyong ipinakita ni Xu Yi, "Ayun...noong mga oras na iyon, maraming gabi na hindi talaga makatulog si 9th master, naisip ko na baka sobra lang siyang napagod kaya siya nakatulog...at saka inisip ko rin na baka may balak na siya na mismo ang magsabi…"

Huminga ng malalim si Mo Xuan at saka kumunot ang noo. Para namang sasabihin niya talaga sa aking ng personal.

"Wala nang iba? May iba pa bang insidente? Sabihin mo na sa aking lahat ngayon!"

Nagisip pa ng mabuti si Xu Yi at napagtanto na mayroon pang isa!

"Mukhang may isa pa pero hindi ako sigurado…" nagalangan pa nung una si Xu Yi saka nagsalita ulit, "Nung gabing 'yun bago makauwi si 9th master sa lumang bahay para magpacheckup, bumalik siya sa hardin ng Jin bago magmadaling-araw dahil pumunta siya sa eskwelahan para hanapin si Miss Wan Wan. Buong gabi akong naghihintay sa kotse nun, mahigit anim na oras din, bago siya makabalik."

"Noong mga oras na 'yun, nakita ko si 9th master na mukhang maaliwalas ang hitsura na parang bagong gising, pero hindi ko na masyado pang pinansin. Sa pagiisip ko ulit, posible kayang dun sa mahigit anim na oras niyang paglalagi roon, si 9th master, natutulog din kasama si Miss Wan Wan?"

Napagmuni-muni si Mo Xuan sa mahabang oras, "Kung tama man ang ispekulasyon mo, maaaring iisa lang ang dahilan sa tatlong beses na pangyayaring nakatulog siya ng maayos...naroon si Ye Wan Wan, diba?"

Tumango si Xu Yi, "Gayun na nga."

Narinig ng matandang babae, naintindihan at madamdaming nagsalita, "Ibigsabihin lang nito kapag nasa tabi niya si Ye Wan Wan, madaling nakakatulog ng mahimbing si Little 9th? Kung iyan man ang dahilan, edi magaling!"

Maingat na nagpaalala si Mo Xuan, "Madam, pakiusap huwag mo muna kayo masyadong masiglahan agad. Kailangan pa rin natin ng mas maraming obserbasyon. Sa kabuuan ng relasyon nina 9th master at Miss Ye, bihira lang na nangyari ito--tatlong beses pa lang iyon nangyari."

Bahagyang nadismaya ang matanda nang marinig iyon. Lumingon siya kay Xu Yi at nagsabi, "Xu Yi, araw-araw mong kasama si Little 9th. Ngayon, mas obserbahan mo siya at alamin mo kung ano talaga ang nangyayari."

"Masusunod po!"

avataravatar
Next chapter