612 Walang pag-asa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa huli, nang makatayo si Shen Meng Qi, gumewang ang katawan niya at nahimatay siya.

"Meng Qi!!!" napangiwi sa takot si Ye Mu Fan. Mabilis siyang lumapit kay Shen Meng Qi at binuhat siya sa patungo sa sofa, mahigpit ang kapit niya.

"Meng, Qi, gising, 'wag mo 'kong takutin…" natataranta na si Ye Mu Fan.

Hindi nagtagal, nagising din si Shen Meng Qi. "Mu Fan-ge, ayos lang ako... ayos lang… medyo nahihilo lang ako… baka dahil sa puyat lang 'to."

Napakuyom ng mga kamao si Ye Mu Fan. "Pasensya na, wala akong kwenta - kaya kailngan mong magtrabaho ng maigi."

"Hindi, Mu Fan-ge, natulungan mo ako," mapag-alagang sabi ni Shen Meng Qi.

Tinignan ni Ye Mu Fan ang maputlang mukha niya at saglit na napatahimik. Sa huli, buo na ang kanyang isip at maigting na sinabi, "Meng Qi, 'wag kang mag-alala, umuwi ka na lang muna at magpahinga. Aayusin ko ang isyu na 'to at pangako, malalaman ko presyong itataya ng Ye Group!"

Tinago ni Shen Meng Qi ang kagalakan sa mukha niya at maukol na nagtanong, "Talaga? Pero… paano mo gagawin 'yan?"

Tinignan siya ni Ye Mu Fan at inaliw siya. "May sarili akong paraan. Basta, magtiwala ka sa 'kin. Gagawin ko 'yon dahil nangako ako sa 'yo."

Puno ng pagkamangha ang mga mata ni Shen Meng Qi. "Mu Fan-ge, sobrang bait mo sa 'kin. Pakiramdam ko lagi na ligtas ako tuwing kasama kita. Hindi ako natatakot sa kung ano! Kapag naging mas malaki at mas malakas ang kumpanya natin na makipagpaligsahan sa mga Ye, hindi mo na kailangan maghirap pa at palihim na nagtatrabaho! Gusto ko malaman ng lahat kung gaano kagaling at katalentado ang Ye Mu Fan-ge ko!"

Nadala si Ye Mu Fan sa narinig. "Patawang babae, gusto ko lang naman na maging masaya ka… para sa 'yo… gagawin ko ang lahat!"

"Mu Fan-ge…" Marahang sumandal si Shen Meng Qi sa dibdib ni Ye Mu Fan, pero puno ng pangungutya at panunuya ang puso niya.

Alam niya na hanggang sa kaya niyang manlinlang, susunod si Ye Mu Fan at handang gawin ang lahat para sa kanya.

Matapos na maaksyunan ang tungkol kay Ye Mu Fan, kumislap ang mga mata niya habang nagtanong: "Oo nga pala, Mu Fan-ge, may narinig ka na ba tungkol kay Wan Wan? Ayos lang ba siya?"

Ngayon na umaangat na ang halaga niya, natural na mag-aantay lang siya ng magandang alok at hindi nagmamadali na maghanap ng makakatulong sa kanya pampinansyal; nakikipaglokohan lang din naman siya kay He Jun Cheng.

Matapos makakilala ng lalaking tulad ni Si Ye Han, hindi na nakakaakit sa mata ang mga ordinaryong tao.

Nagbago ang itsura ni Ye Mu Fan nang mabanggit si Ye Wan Wan, "Hindi ko alam - hindi ko pa siya nakakausap at hindi ko alam ang ginagawa niya. Wala na pag-asa ang batang 'yon! Narinig ko sa mga magulang ko na may kinikita siyang isang palikero ngayon - natatakot ako na baka tulungan niyang magbilang ng pera 'yon matapos na mabenta siya sa palikerong 'yon!"

"Palikero…" natuwa si Shen Meng Qi.

Talagang iniwan niya lang si Ye Wan Wan nang mabagot siya laruin ito?

Sayang… hindi ako napapalapit kay Si Ye Han bago pa niya iwan si Ye Wan Wan...

Pero natutuwa pa din si Shen Meng Qi nang makita kung gaano minamalas si Ye Wan Wan.

At 'yong aroganteng si Jiang Yan Ran. Matagal na panahon ko na siyang tinapon...

Samantala, sa isang pwesto sa restaurant:

"Reporter Gao, kamusta? May nabalitaan ka na ba?" tanong ni Ye Wan Wan.

Nakaupo salungat ni Ye Wan Wan ay ang pangunahing taga-ulat ng Mars Weekly, si Gao Fei. Siya ang nangungunang photographer na tumulong linisin ang pangalan ni Han Xian Yu sa mga utos ni Ye Wan Wan.

Sa oras na 'yon, halos malapit nang magsara ang Mars Weekly, pero dahil sa insidente ni Han Xian Yu, umangat muli sila at unti-unting nakukuha muli ni Gao Fei ang estado niya sa industriya.

Matapos na sumali si Ye Wan Wan sa Dazzling, lagi niyang nakakausap si Gao Fei.

avataravatar
Next chapter