147 Walang Masabi

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Bawal," Hindi na pwedeng makipagtalo sa sagot ni Si Ye Han.

Hindi na kumbinse si Ye Wan Wan, "Bakit bawal?"

Malamig siyang tiningan ni Si Ye Han at sumagot, "Kapag pinilit mong magmahal, hindi tumatagal di ba?"

Wala nang masabi si Ye Wan Wan, "..."

Hindi niya kayang tumbasan ang sinabi ni Si Ye Han!

Hindi din niya inakala na sasampalin siya sa mukha sa mga sinabi niya noon pa.

"Sige na nga!" Tiningnan ni Ye Wan Wan ng parang masamang tao si Si Ye Han at mabilis siyang tumakbo papalayo.

Dadating ang araw na papa-amuhin niya ang Great White na parang isang kuting! At naniniwala siyang darating ang araw na iyon!

Pagka-alis ni Ye Wan Wan, nag-aalalang napa buntong hininga si Xu Yi, "(h master, tatanggalin na ba natin ng tuluyan si Si Lu Te sa Jn Garden? Paano kung sinaktan nito si Ms. Ye?"

PInag-isipin ito ni Si Ye Han at napatingin sa umaalis na si Ye Wan Wan, "Hindi natin kailangan gawin iyon."

...

Sa barbeque stall sa labas ng entrance ng Qing He:

Malalilm na ang gabi ngunit madami pa ding tao sa stall. May isang grupo ng mga matipunong lalaki ang naka-upo sa malaking lamesa habang sila at naguusap-usap at nagiinuman.

"Huwag ka nang magalit big boss! Hindi naman mahalaga ang gigolo na iyon! Ngayon lang malakas ang pamilya niya. Alam ko ang real estate business nila ay hindi na din kumikita, kaya posibleng mawala na din iyon! Hindi tulad ng pamilya mo big boss, wala naman silang big project sa gobyerno na kikita ng bilyon bilyon!"

"Tama, tama! Bimbo lang yun ni Jiang Yan Ran, iniwan niya ang napakagaling na lalaki na tulad ni big boss para lang sa gigolo!"

"Naisip ko na baka ginagamit lang ni Jiang Yan Ran ang gigolo na iyon para asarin ka!"

"Tama, tama iyon, baka nga ginagamit niya lang!"

Simula sa basketball court hanggang sa stall, galit na galit na si Song Zi Hang; pero nang marinig niya ang mga ito kumalma na din siya.

Nung magsasalita pa lang siya, biglang nag-ring ang kanyang phone, "Tumatawag ang tatay ko, sagutin ko lang. Mauna na kayong uminom!"

"Tawag galing kay Director Song, sagutin mo agad yan ah!'

"Dalian mo big boss!"

Pumunta sa tahimik na lugaw si Song ZI Hang at nasasabik niyang sinagot ang tawag, "Hello, dad? Naayos na ba ang lahat?"

Hindi masaya ang tono ng boses ni daddy Song, "Hindi pa, yung 100 milyon na galing sa Jiang family ay hindi pa din dumadating."

"Ano? Hindi pa din dumadating? Akala ko ba i-transfer nila iyon ng kinaumagahan?" Nag-iba ang mukha ni Song Zi Hang.

"Nagkaroon raw ng problema sa finances ng Jiang family, kaya hindi daw agad maibibigay ang pera; kailangan pa nila ng ilang mga araw."

"Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga Jiang--matagal nang pinag-usapan ito. Paano naman nagkaroon ng problema at ngayon pa? Alam ba nilang maraming masasayang na pera sa pagkakamali nila?" nababalisa na sinabi ni Song Zi Hang.

Halatang hindi na natutuwa si Mr. Song, nagbuntong hininga muna siya at sumagot, "Osige, hindi naman ito malaking problema at siguro makukuha natin ang pera nila sa susunod na linggo.

Napahinto si Mr Song at biglang nagtanong, "Kamusta naman kayo ngayon ni Yan Ran ?"

Medyo naging guilty si SOng Zi Hang kaya mababaw siyang sumagot, "Paano pa ba? Edi normal lang kami, walang nagbago!"

Mahigpit na nagbabala si Mr Song, "Pasayahin mo naman siya pag may free time ka--bilhan mo siya ng mga regalo at samahan mo siyang mag-shopping. Huwag ka masyadong malamig sa kanya!"

Naririnig sa boses ni Song ZI Hang ang pagka-inis, "Hindi ako alila ng Jiang family, bakit ko namang kailangang susuyuin, pakakainin at laruin ko siya? Hindi ba, dad, sinabi ko sa iyo na iba ang gusto ko."

"Wala kang utak! Ilang beses kong sinabi sa iyo na hindi mo pwedeng gawin ang gusto mo ngayon, pigilan mo ang sarili mo hanggang sa yumaman lang tayo. Pagkatapos naman, makukuha mo na ang gusto mong babae 'di ba?

Pag hindi mo kayang pigilan ang sarili mo sa maliliit na bagay, ano na lang ang ang makukuha mo sa future? Pasayahin mo si Yan Ran, lalo na ngayon! Narinig mo ba ako?"

Nandilim ang itsura ni Song Zi Hang. Pagkatapos ng ilang minuto, kinaskas niya ang kanyang ngipin at sumagot, "Sige, pasasayahin ko siya."

"Yan ang anak ko."

avataravatar
Next chapter