614 Walang kinalaman sa ‘yo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makita ni Shen Meng Qi si Ye Mu Fan, agad niyang malambing na niyakap ang braso nito. "Mu Fan-ge, kamusta?"

"Nalaman ko na 78 million ang taya ng mga Ye. Kailangan niyo lang mas taasan pa ang taya niyo at mapapasa-inyo na ang proyekto," sabi ni Ye Mu Fan.

Nang makita kung gaano katiyak si Ye Mu Fan at hindi na siya nagtangka na paniwalaan agad siya. Nag-aalangan na tinanong ni Shen Meng Qi, "Mu Fan-ge, sigurado ka? Hindi naman sa pinagdududahan kita, syempre, alam mo naman kung gaano ka-importante ang proyekto na 'to sa 'kin..."

Walang tinag ang tono ni Ye Mu Fa, "'Wag kang mag-alala, nakita ng sarili kong mata ang dokumento - hindi 'yon mali."

Nagningning ang mga mata ni Shen Meng Qi nang marinig 'yon. Baka nanghimasok si Ye Mu Fan sa bahay ng mga Ye para silipin ang dokumento.

Sa ganitong paraan, wala talaga itong palya.

Tama lang na ginamit ko ang tanga na 'to!

Nagliwanag ang mukha ni Shen Meng Qi at niyakap si Ye Mu Fan, "Mu Fan-ge, ang galing mo! Maraming salamat. Salamat talaga!"

Hinaplos ni Ye Mu Fan ang ulo ni Shen Meng Qi. "Luka-luka, bakit mo 'ko pasasalamatan? Ako ang dapat na magpasalamat sa 'yo dahil pinagkatiwalaan mo 'ko!"

...

Sa tagong gilid sa labas ng opisina, matapos na umalis si Ye Mu Fan, tahimik lumabas si He Jun Cheng at

Tanga lang naman - ano ang pagmamalaki nito?!

Pumasok si He Jun Cheng sa opisina at niyakap ang bewang ni Shen Meng Qi. "Sweetie, anong nangyari?"

Sa sandaling ito, nasa magandang mood si Shen Meng Qi, kaya naman buong katiyakan siyang sumagot, "78 million."

Nang marinig 'yon ni He Jun Cheng, bahagyang napa-angat ang mga kilay niya. "Hehe, hindi ko inaasahan na talagang tatraydurin ni Ye Mu Fan ang sarili niyang pamilya, huh!"

Napalihis siya ng tingin. Tinignan niya si Shen Meng Qi at rekomenda, "Tutal alam na natin ang taya nila, bakit hindi mo na lang iderekte na 78.1 million at kunin ang proyektong ito na halos walang mawawala sa 'yo?"

Bumulong si Shen Meng Qi, "Pero kapag tinaas natin ng ganoon kaunti ang presyo natin, hindi ba sila maghihinala? 100,000 lang ang pagkakaiba, hindi ba masyadong nagkataon 'yon? Hindi ba parang sinasabi natin sa mga Ye na alam natin ang tungkol sa taya nila?"

Nagbukas ng bote ng red wine si He Jun Cheng at sinalinan ang baso, marahang iniikot habang nakangiti. "Meng Qi, nakuha mo naman na ang taya, bakit hindi ka magsumikap para sa mas magandang benepisyo? Kapag tinaasan mo pa, hindi ka na magkakaroon ng kita. Ganun man, ano naman kung paghinalaan nila tayo? Wala ka namang kinalaman do'n."

Si Ye Mu Fan ang nakaalam tungkol sa taya nila, at siya din ang nagnakaw ng kumpindensyal na impormasyon kaya natural, walang kinalaman si Shen Meng Qi.

Sa naisip, nagliwanag ang mga mata ni Shen Meng Qi. "Tama. May katuturan 'yon!"

Ang Splendid Light ang unang kapital na proyektong pinanghahawakan niya. Sobrang importante ito sa kanya, kaya syempre, gusto niya na maging maayos lahat. Talunin ang mga Ye sa ganitong kasunduan? Wala ng mas igaganda doon.

Inangat ni He Jun Cheng ang kanyang baso ng red wine. "Cheers! Sana ay maging mataumpay ka sa pagkuha ng proyektong ito!" 

Matamis na ngumiti si Shen Meng Qi. "Cheers!"

...

Sa araw ng resulta ng kompetisyon.

Sa grand hall, anim na mga kumpanya ang nagtipon-tipon at nakaupo sa mahabang lamesa.

Ang represante ng Ye Group ay sina Ye Shao An at Ye Yiyi, habang sa mga Shen naman ay si Shen Meng Qi at ang deputy general manager na nangunguna sa team ng kumpanya.

Nang makita si Ye Yiyi, mabilis siyang binati ni Shen Meng Qi: "Yiyi-jie, tagal na nating hindi nagkita. Ang ganda mo pa din at nakakabighani!"

"Meng Qi…" lumingon si Ye Yiyi sa kanya at ngumiti. "Ikaw ang tunay na maganda. Totoo nga, labing-walong beses nagbabago ang babae bago makamit ang pagkababae - Halos hindi na kita makilala!"

avataravatar
Next chapter