665 Walang kinakatakutan ang young master

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi maaaring si Ye-ge… ang hihingi ng tawad…?

Nakahanda na si Gong Xu na mapahiya, ngunit sa huli, sa halip talagang ganito ang reaksyon ni Ye Wan Wan. hindi lang sa hindi niya pinagalitan si Gong Xu, pero tinanggihan pa niya ang kahilingan ng kabilang panig.

Nagwala sa galit si Wan Shanshan. "Ikaw...anong sinabi mo? Alam mo ba kung gaano ito makakaapekto sa isang artista kapag na-upload ang clip na ito? Paano ka naging isang manager? Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon…"

"Mauna ka."

Bingikas ni Ye Wan Wan ang tatlong salitang ito. Walang pakialam kay Wan Shanshan at sa iba, lumingon siya kay Gong Xu at Luo Chen at sinabi, "pumunta kayo dito, dalawa kayo."

"Opo…"

Walang bahakang tumingin si Luo Chen at Gong Xu sa isa't isa saka kagaad na sinunod si Ye Wan Wan. Ang dalawang assistant ay lumapit din.

Sa likod nila, dinabog ni Wan Shanshan ang kanyang paa sa galit.

"Buwisit! Anong ibig sabihin nito? Sa tingin niya ba talagang hindi ko i-upload ito? I-upload ko kaagad ito para sa kanya kung gayun!"

Sa una pinaplano na ni Wan Shanshan na isend ang video sa Gossip Blogger, pero dahil sa galit, direktang na itala niya ito sa kanyang saraling account at in-upload ito mismo.

Sa may makeup room:

Niyuko ni Gong Xu ang kanyang ulo sa kaba at nakatayong nag-iisip. Ang tanga ko, ang tanga ko. Marahil nasa-isip ni Ye-ge na hindi dapat namin pinakita ang dumi namin sa publiko, kaya gusto niyang akong punahin patago!

Umupo si Ye Wan Wan sa isang upuan at inangat ang kanyang ulo sa hindi mapakaling si Gong Xu.

Lalong nagiging kabado at naluluha si Gong Xu. "Ye-ge, Ako…"

Bago pa siya matapos, sinabi ni Ye Wan Wan, "Magaling ang ginawa mo ngayon."

Nagulat si Gong Xu. Nang mapansin niyang pinuri siya ni Ye Wan Wan, halos hindi niya alam ang gagawin nang marinig niya iyon.

"Ye-ge… anong… sinabi mo?" nalilito si Gong Xu.

Sabik na sinabi ni Dong Zai, "Xu-ge, pinuri ka ni Ye-ge sa ginawa mo!"

Kaagad na namula ang mga mata ni Gong Xu. Siya ay umiyak at niyakap si Ye Wan Wan...

Nagulat si Ye Wan Wan at hindi inaakalang ang pagkakabanggaan.

Isang tao na parang isang higateng pug ang humahaplos mismo sa kanya.

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan. Kaagad niyang inabot ang kanyang kamay at tinulak siya palayo sa pamamagitan ng kanyang collar. "Umayos ka ng tayo."

"Oh, oh, oh…" tumayo ng tuwid si Gong Xu ngunit ang kanyang mukha ay nababalot pa din ng kasiyahan. Kumurap siya. "Ye-ge, bakit ang lambot mo?"

Nabulunan si Ye Wan Wan. "..." Malabot mo mukha mo!

Sa kabutihang palad, nagawa niya kaagad na hilahin palayo si Gong Xu. Kung hindi, matatanggal ang kanyang cover...

Kailangan ko laging mag ingat sa taong ito!

Sinabi ni Ye Wan Wan, "kahit na ang aksyon ng pag protekta sa iyong kauri ay kapuri-puri at matapang, ito pa din ay napaka-tanga at grabe. Ilang beses ko na kayong pinaalalahanan…"

"En en en, alam ko, alam ko! Ye-ge sobrang saya ko! Ito ang unang beses na pinuri mo ako!" masiglang masigla si Gong Xu sa pagpuri sa kanya ni Ye Wan Wan. Malinaw na hindi aiya nakinig sa sinabi niya matapos 'yon.

Ye Wanwan: "…"

Hindi nakapagsalitang tumingin si Ye Wan Wan sa binatang nasa harap niya. Kung may buntot lang ito, marahil walang tigil na kumakawag ito ngayon...

Nang makita na hindi sinisi ni Ye Wan Wan si Gong Xu, Luo Chen at ang dalawang assistant ay sabay-sabay na nakahinga ng maluwag.

Nag-aalala si Luo Chen at nagtanong, "Ye-ge, yung… anong dapat nating gawin doon sa video na palihim na kinunan ni Wan Shanshan?"

Bago pa sumagot si Ye Wan Wan, si Gong Xu, na bumalik na sa kanyang pag ka arogante, ay sumagot, "Psh, huwag kana mag-alala sa wala. Gayunpaman, ang reputasyon ng young master ay sira na - para namang may isisira pa ito? Hangga't hindi galit si Ye-ge sa akin, walang kinatatakutan ang young master.

avataravatar
Next chapter