148 Walang katotohanan na nanlibre siya ng tanghalian

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinaumagahan:

Bago pumunta ng eskwelahan, pumunta muna si Ye Wan Wan sa dormitoryo niya.

Bago pa niya susian at buksan ang pintuan, "Wanwan, andito ka na!"

Masayang nakatayo sa may pintuan si Jiang Yan Ran, siguro narinig niya ang mga hakbang ni Ye Wan Wan.

Nasanay si Ye Wan Wan na nakatira mag-isa kaya nagulat siya na pinagbuksan siya.

"Yes! Dali, sabihin mo sakin, kamusta ang date niyo kagabi?" Hindi makapag hintay si Ye Wan Wan.

Sandaling nag atubili si Jiang Yan Ran bago sumagot, "Sinabi ko na ang totoo kay Chu Feng."

Nasindak si Ye Wan Wan, "Ha? Anong sinabi mo sa kanya?"

"Sinabi ko sa kanya na ideya mong mag date kami at gusto ko siyang gamitin para asarin lang si Song Zi Hang. Pero sa huli, hindi ko kakayaning gawin iyon, kaya sinabi ko ang lahat sa kanya. Sa kondisyon ko ngayon, hindi ako pwedeng pumasok pa sa isang relasyon ng agaran at hindi ito fair sa kanya." sinagot ni Jiang Yan Ran.

"Osige…" Nagbuntong hininga si Ye Wan Wan.

Sa ugali ni Jiang Yan Ran, hindi niya masyadong naisip na mangyayari iyon sa kanila ni Chu Feng; hindi na siya umasa pang maging sila agad ng mabilisan.

"Okay lang iyon, pwede naman kayong maging magkaibigan. Mabait si Chu Feng, hindi mo kailangang mag-alala." sinubukang aliwin siya ni Ye Wan Wan.

"Yeah," Tumango si Jiang Yan Ran at sinabi, "Oo nga pala, tumawag si daddy kagabi at nangatwiran sila na nagkaroon lang ng isyu ang financs kaya hindi na-itransfer ang mga pera sa Song family. At sikreto din silang nag-withdraw ng funds sa collaborative projects. At hindi nagtaka ang mga Song!"

Tumawa si Ye Wan Wan, "Wala nang problema kapag si tito Jiang ang nag aayos ng bagay bagay-- Kaya ikaw, wag ka nang mag-alala! Tara, kain na tayo!"

Nag-usap silang dalawa habang inaayos ang kanilang libro at umakyat pataas ng hagdan.

Nang papasok pa lamang sa canteen para kumain, may nabangga sila sa isang tao na ikinasusuklam nila.

May hawak na soy milk at mainit na dumplings si Song Zi Hang habang pinipigilan silang pumasok sa loob. Ang nakangiting gwapong itsura niya ay napaka linaw. Tiningnan niya si Jiang Yan Ran at sinabi, "Yan Ran, hindi ka pa kumakain 'di ba? Binili ko ito para sayo--gusto mo ng soy milk at pinainit na dumplings galing sa Xiang Man restaurant, 'di ba?"

Napakunot si Ye Wan Wan nang makita ito. Tsk, walang katotohanan na nanlibre siya ng tanghalian...

Ginagawa siguro niya ito dail nakaramdam na ang Song family kaya nagbabala sila sa kanya.

Hindi ba nila alam na huli na ang lahat?

Nang makita ang nakakagulat na maamong mukha ni Song ZI Hang, nawalan ng ulirat si Jiang Yan Ran pero bigla siyang nawalan emosyon at sinabi, "Ayaw ko eh, amoy isda kasi ang soy milk nila at yung dumplings naman ay hindi masarap. Alam ko gusto yan ni Shen Meng Qi."

Nanigas si Song Zi Hang, "Oh…*cough*, ganoon ba? Binili ko ito para sayo kasi naisip ko na gusto mo nito!"

Binulong ni Jiang Yan Ran sa kanyang sarili. Ayun lang ang unang pagkakataon na binilhan mo ko ng umagahan noon at ikaw ang pumili--bakit ko naman sasabihin na ayaw ko 'di ba?

Inisip niya noon, binilhan siya ng maraming pagkain ni Song Zi Hang at sinabihan pa siya na bigyan din ang mga kasama niya sa dormitoryo.

Obvious naman na binili niya iyon para kay Shen Meng Qi!

Nagtalik na silang dalawa noong una pa lang at ginawa pa nila iyon sa harap ng pagmumukha ko!

"Pero, binili ko na kasi ito para sa iyo! Sayang naman kung hindi mo kakainin, kunin mo na lang pala!" Pinilit na inilagay ni Song Zi Hang ang agahan sa kamay ni Jiang Yan Ran.

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan habang nanunuod lamang sa gilid. Napaka peke naman niya-- sinusubukan niya na talagang ayusin ang meron sa kanila? Akala niya ba na basura lang si Yan Ran? O akala niya kasing bobo niya ang lahat ng tao?

avataravatar
Next chapter