180 Walang kapantay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tahimik na tahimik ang study.

Umupo si Si Ye Han sa malapad at simpleng antigong upuan at tinignan ang teenager na nakatayo sa gitna ng kwarto.

Bakas sa mukha ni Liu Ying ang katigasan ng ulo nito at kawalang-kasiyahan na parang isang batang lobo. At para mapaamo ang isang taong katulad niya, ay ang maging mas malakas sa kanya.

Kung hindi, ay hindi siya susuko sayo, mamatay man siya.

Maya-maya, nagsalita na si Si Ye Han, "May sasabihin ka tungkol sa panlasa ko sa mga babae?"

Napamulat si Liu Ying sa narinig na tanong-- Syempre meron!!!

"Hindi na ako maglalakas-loob," bulong nito.

"Hindi ka na maglalakas-loob?" pagmamalupit ni Si Ye Han.

Nangalit ang ngipin ng teenager. Matapos ang matagal na panahon niyang pagpipigil, hindi na siya nakatiis pa. "Sa katunayan, may opinyon po ako! Master, hindi ko po maintindihan kung bakit ka pumili ng isang babae na tulad ni Ye Wan Wan?"

"Para sa 'yo, anong klase ng babae ba ang dapat kong piliin?" tanong ni Si Ye Han.

Agad-agad namang sumagot si Liu Ying, "Syempre yung maganda sa panloob at panlabas niyang anyo, at matalino, at magaling din sa martial arts! Ganon po ang mga bagay sa inyo! Bakit niyo po pinakisasamahan ang isang walang kwentang tao, na laging kailangan ng proteksyon mo at kaya kang patumbahin anumang oras? Hindi po ako naniniwala na isa ka sa mga lalaking may pake lang sa itsura!"

Sa tagal na ni Lui Ying pinagsisilbihan ang master, alam niya kung gaano kataas ang pamantayan ng master. Alam ng lahat na ayaw lumapit ni Si Ye Han sa mga babae, dahil ang mga ordinaryong babae at hindi kaakit-akit para sa kanya at parang galing pa sila sa ibang planeta. Pero ang taong tulad ni Ye Wan Wan ang magiging katunggali sa buhay ng kanyang master.

"Maganda ang panloob at panlabas na anyo, matalino at magaling sa martial arts…" tumigil sandali si Si Ye Han at tinignan si Liu Ying, "Tingin mo dapat kong pakasalan si Xu Yi at ikaw?"

Liu Ying: "..."

Nang marinig ang sinabi ni Si Ye Han, para bang sumabog ang utak ni Liu Ying at hindi ito makaimik. Namumula ang kanyang tenga at leeg at sumagot, "Paano… paano naman 'yon posible?! Ibig ko pong sabihin ay… ay…"

Gayunman, si Xu Yi ang namamahala sa mga panloob na bagay habang siya naman ay sa mga panlabas, at magaling siyang lumaban habang si Xu Yi naman ay matalino, pasok naman silang dalawa sa pamantayan ni Si Ye Han… pero hindi ganon ang ibig niyang sabihin!

Mali naman ang pagkakaintindi ni master!

"Sinong may sabi sa 'yo na dapat itong dalawa lang ang pamantayan para sa asawa ko?" mahinhin na tanong ni Si Ye Han, ang mga malalamig na tingin nito ay para bang kinamumuhian niya ang mga buhay na nilalang sa mundo.

Agad namang nagbigay ng opinyon si Liu Ying, "Edi, master, ano po pala sa tingin niyo ang dapat niyong mapangasawa?"

Hindi niya pa narinig ang sariling pamantayan ng master niya para sa mapapangasawa niya, kaya natural lang na gusto niya itong malaman.

Pinigilan ni Liu Ying ang paghinga at tinitigan si Si Ye Han habang inaantay niya ang sagot nito.

Maya-maya, ang mababa at paos na boses ang bumalot sa matahimik na hangin, "Walang kapantay."

Liu Ying: "..."

Alam ni Liu Ying na mataas ang pamantayan ng kanyang master pero hindi niya inakala na ganito ito kataas.

Anong naman ang ibig sabihin ng "walang kapantay"?

Hindi sapat ang ganda, talino at husay? Kailangan niya ng taong kahanga-hanga at makapangyarihan?

Matapos ang gulat nito, hindi pa din makaimik si Liu Ying.

Master, seryoso ka ba?

'Yong bobong babaeng 'yon, ni hindi man lang makapatay ng isang manok at hindi pa naka-graduate sa high school, ay 'walang kapantay'?

Kahit na si Ms. Ruo Xi ay hindi mapapantayan ang ibig sabihin ng salitang 'to.

Nang makabalik na si Xu Yi sa paghatid kay Ye Wan Wan, nakita niya si Liu Ying na abalang abala sa pag-iisip habang nakaupo sa may dingding. Napabuntong hininga ito at nilapitan si Liu Ying, "Napagalitan ka 'no?"

"Xu Yi, alam mo ba kung ano yung mga hanap ni master para sa asawa niya?" tanong ni Liu Ying.

Napahinto si Xu Yi, "Hindi ako sigurado, pero may kasama itong malisya, 'di ba?!"

Liu Ying: "Isa lang yung sinabi niya ngayon lang."

"Anong sabi?" intriga ni Xu Yi.

"Wa-lang ka-pan-tay!" pagsabi ni Liu Ying na malakas.

Xu Yi: "Uh..."

"Bakit naman magiging walang kapantay ang bobo at mahinang babae 'yon?!" pagsabog ni Liu Ying.

Pinunasan ni Xu Yi ang kanyang pawis, "Baka kasi… ang kagandahan ay nasa mata ng nagmamasdan!"

avataravatar
Next chapter