544 Wala sa sarili niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakatayo lang si Ye Wan Wan at tahimik na nanood habang pinamunuhan nila Ye Yiyi at Gu Yue Ze ang entourage ng Emperor Sky nalahat ng ilaw ay nasa kanila.

Nangingibabaw pa din ngayon ang grupo ng mga Ye sa entertainment industry kahit na matapos ang pagsama sa Worldwide at iba pang mga kumpanya, kaya 'di maiiwasan na makakaani sila ng madaming bunga ngayon.

Noon, madaming lumabas na balita na nagsasabing magpupuksa ngayon ang Emperor Sky.

Gayunpaman, baka madidismaya sila kapag sinubukan nilang kunin ang dalawang best actor at actress awards.

Hindi na kailangan pang maglakad sa red carpet ni Ye Wan Wan, kaya naman matapos na manood sa malayo, dumeretso na siya sa grand hall para sa seremonya.

Masyadong abala si Han Xian Yu at pinapasa sa mga assistant niya ang entrance ticket kay Ye Wan Wan agad.

Tinignan ni Ye Wan Wan ang kanyang mga ticket at naghanda ng hanapin ang kanyang upuan. At nang makita na ang kanyang seat number, natigilan siya.

Uh, bakit ang lapit sa harap? May mali ba?

Tatlong beses na tinignan ni Ye Wan Wan at napagtanto na tama nga ang upuan niya, kaya naman tinawagan niya ang assistant ni Han Xian Yu para makumpirma ulit.

Sa huli, may katawagan pa ang assistant niya at hindi makapasok ang tawag niya.

Nahihirapan si Ye Wan Wan sa posisyon niya ngayon. Tutal, hindi naman siya pwedeng umupo sa kung saan niya gusto sa ganitong kaganapan.

Hindi pa din matawagan ni Ye Wan Wan ang assistant. Kaya wala siyang nagawa kundi mag-antay sa gilid.

Sumasakit ang ulo niya nang bigla na lang siyang nakarinig ng pamilyar na mga yapak sa harap niya. Sunod nito, isang braso ang pumalupot sa mga balikat niya. "Ye Bai, anong ginagawa mo dito?"

Nakita niya si Han Xian Yu na nakabihis ng marikit na custom-made na puting suit mula sa brand C. Mas naging gwapo siya kaysa sa pangkaraniwan niyang itsura.

Saglit na nagulat si Ye Wan Wan. "Xian Yu…"

"Napansin kong wala ka pa sa upuan mo. Hindi ba binigay sa 'yo ni Xiao Liang ang ticket mo?" tanong ni Han Xian Yu.

"Binigay niya, pero parang mali 'yung numero sa upuan ko! Hindi ba parang masyadong malapit sa harap?" sagot ni Ye Wan Wan.

Tinignang maigi ni Han Xian Yu ang ticket at sabi, "Wala namang mali, tama yung upuan mo. Katabi mo 'ko. Tara na!"

Nang masabi 'yon, dinala niya si Ye Wan Wan sa upuan sa harap.

"Sa tabi mo?" mas nagulat pa si Ye Wan Wan.

"'Wag kang mag-alala, hindi makakarating 'yung assistant director na dapat nakaupo sa tabi ko, kaya naman binigay na namin ni Xin-jie ang upuan sa 'yo. Wala nang problema do'n!"

Nakahinga ng maluwag si Ye Wan Wan nang marinig ang sinabi ni Han Xian Yu.

Kahit na hindi pa nag-uumpisa ang award ceremony, nakakuha ng ibang atensyon si Han Xian Yu nang bigla siyang tumayo, naglakad sa likod at naging palakaibigan sa hindi pamilyar na mukha.

Agad na dinala si Ye Wan Wan sa bakanteng upuan sa kaliwa ni Han Xian Yu. at si Qiao Ke Xin sa kanan niya naman.

Nang makita siya ni Qiao Ke Xin, marahang siyang ngumiti at sabi, "Hi little Mr. Fortune teller, nagkita tayong muli!"

Napahiya si Ye Wan Wan . *cough* "Hello Xin-jie, pasensya na kung naging bastos ako nung una nating pagkikita!"

Napakurap si Qiao Ke Xin, "Hindi ah. Natuwa ako nung huli nating pagkikita. Gusto ulit kita makita n'on - nakakatuwa ka! Kung pwede ka mamaya, ba't hindi…"

Hindi na makatiis si Han Xian Yu sa naririnig. Ginamit niya ang katawan niya para harangan ang dalawa at pinaalalahanan sila, "Xin-jie, nasa publiko tayo! Pwede bang mag-ingat ka? Mag-uumpisa na sila magfilm maya maya lang!"

Sumimangot si Qiao Ke Xin at humito. Nakahinga ng maluwag si Ye Wan Wan at bumulong kay Han Xian Yu, "Salamat."

Nang makita na natataranta si Ye Wan Wan, tumawa si Han Xian Yu. "Magkaibang tao ka nga kapag lasing ka at hindi."

Hindi alam ni Ye Wan Wan ang sasabihin *cough cough* "'Wag mo ng banggitin pa yung insidenteng 'yon…"

avataravatar
Next chapter