46 Wala nang mas kikisig pa sa ‘yo~

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos mag-almusal, tumungo na si Ye Wan Wan sa silid-aralan.

Higit sampung hakbang palang siya mula sa pinto ng silid-aralan nang makita ni Ye Wan Wan ang mga nakaangat na ulo mula sa bintana at nakasilip.

Nang makita siya, animo'y lahat ay gulat na gulat habang nakasilip sa bintana. May komosyon palang nagaganap sa loob ng klase.

Dagling nabalot ng kakaibang katahimikan ang silid.

Umatras ng tatlong hakbang si Ye Wan Wan mula sa pinto ng silid-aralan at nang tumuloy na papasok, bigla siyang natigialn at lumingon-lingon sa bawat gilid ng pinto.

Nang tumigil sandali, nabalot ng katahimikan ang silid, na parang may inaabangang isang malaking palabas.

Minalas na rin siya noong araw na bago pa siya maisama sa isang malaking gulo kasama ng mga kaklase niya. Kung hindi siya ginagawan ng kalokohan ng mga 'to, siguradong magugulat na lang siya.

Hindi nakaramdam ng kahit anong kaba si Ye Wan Wan. Nanatili na lang siyang nakatayo sa may pintuan.

Maya-maya pa'y, may sumilip ulit at agad na bumalik sa pwesto.

May ilang sandali pa'y tumunog na ang school bell, hudyat na para sa umpisa ng klase.

Ang lalaki sa likod ay nagulat sa kanya, "Ohh damn! Tinakot mo ako! Ikaw pala...Ye Wan Wan…"

May hawak na Math book sa kanyang kamay si Zhao Xing Zhou habang napahawak ng mahigpit sa kanyang dibdib. Tinitigan niya ang mukha na parang nabagabag, "Oras na para sa klase, bakit nakatayo ka pa sa pinto?"

"Kinabakahan po kasi ako para sa buhay ko. Pagkatapos niyo na lang po, teacher." magalang na umatras si Ye Wan Wan.

Humanga si Zhao Xing Zhou sa magandang inugali niya, "Hm, nagsisisi ka na ngayong 0 ka sa Math?"

Nagsasalita pa si Zhao Xing Zhou habang binubuksan ang pinto ng silid-aralan.

Ilang segundo pa'y, isang malakas na bagsak ng isang malaking timba ng tubig ang tumambad sa mukha ni Zhao Xing Zhou. Agad siyang nabuhusan at basang-basa na parang nalunod na daga.

Sandaling nagulantang si Zhao Xing Zhou sa nangyari at saka sumabog sa galit, "Nako! Walangya! Kakaayos ko lang sa buhok kaninang umaga! Sinong siraulong bata ang gumawa nito?! Umamin na, NGAYON NA!"

Napahimutok sa pagkadismaya ang klasa saka na nagsimulang mataranta sa nangyari.

Damn! Bakit 'yung Math teacher pa ang unang nagbukas ng pinto? Lagot na kami nito!

Alam naman ng buong F class na pwede mong lokohin ang sinumang guro pero huwag lang ang gurong ito na laging masaya at kampante lang sa buhay, kung hindi, papahirapan ka hanggang sa mamatay ka!

Pinunasan ni Zhao Xing Zhou ang tubig sa mukha niya, "Walang umaamin? Kapag nalaman ko talaga, kung sinuman, lagot ka talaga sakin!"

Ilang sandali pa, sa wakas may tumayo na rin. Tatlong babae at isang lalaki na mga estudyante.

"Sumama kayo sa akin sa opisina, kayong apat!"

Nang malagpasan nila si Ye Wan Wan, pinandilatan siya ni Zhao Xing Zhou na ilang segundo na animo'y balot ng pagkayamot.

Lumingon-lingon lang si Ye Wan Wan sa paligid na parang walang alam sa nangyari.

Matapos mahila ni Zhao Xing Zhou ang mga pilyong bata, dumretso na si Ye Wan Wan sa kanyang upuan sa tabi ni Si Xia sa kabila ng matatalim na tingin at pagkamuhi sa kanya ng mga kaklaseng babae at saka na siya umupo.

Dahil may ensayo sila pagkatapos ng klase, suot-suot ni Xia ang matingkad na kulay puting uniporme ng mga Briton na may nakahubog na kulay ginto sa paligid ng damit. Mahigpit naman nakabutones ang tubong na abot sa kanyang leeg, na umayon naman sa kanyang ginagampanan bilang isang prinsipe sa palabas.

Siya rin ay mainitin ang ulo at arogante na mga ugaling mayroon na siya mula nang ipinanganak siya.

Ngunit hindi na rin nakakapagtaka dahil siya lang naman ang nagiisan apo ng pamilyang Si at siya naman talaga'y kapansin-pansin. Kahit sino'y hindi siya kayang hindi pansinin.

At syempre, hindi kasama roon si Ye Wan Wan.

Sa sandali na makita niya si Ye Wan Wan, nagkukulay berde agad ang kanina'y maaliwalas na mukha ng binata.

Walang oras si Ye Wan Wan para guluhin siya at saka mabilis na niyang kinuha ang pagkakataon na makapagpadala ng texts kay Si Ye Han habang wala pa ang titser nila. Kinailangan na niyang kumilos bago pa magawa ni Shen Meng Qi ang balak niya.

Natagalan bago pa bumalik ulit sa ulirat si Si Xia matapos siyang magulantang sa nakita at saka napansin niyang tila may katext si Ye Wan Wan. Sinilip niya ang ginagawa ng kaklase….

[Darling, maghahanda pala ang eskwelahan namin ng isang art performance at napili ako na gumanap bilang Snow White. Hehe diba ang galing ko? Nakakaawa nga lang 'yung gaganap na prinsipie kasi sobrang pangit niya, kinulang ng sampung paligo sa'yo.]

avataravatar
Next chapter