1102 Wala nang mas gaganda pa sayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagtatago ng babae?

"Imposible!!!" Naging madilim ang itsura ni Xu Yi. Agad niyang kinaway ang kanyang kamay at nagpaliwanag siya, "Hindi mo ba kilala si Ninth Master, Miss Wan Wan? Bakit naman gagawin ni Ninth Master ang mga bagay na iyon?!"

"Syempre kilala ko ang Ah-Jiu ko! Hindi nga titingin sa ibang babae iyon kahit gaano pa siya kaganda! At sa totoo lang, wala nang may mas gaganda pa sa akin!"

Xu Yi: "…"

"Bakit mo pala ako hinaharangan kung hindi iyon ang dahilan?"

Pinunasan ni Xu Yi ang kanyang pawis at napagtanto niya na hindi niya ito kayang itago kay Ye Wan Wan, kaya wala siyang nagawa kung magpakatotoo, "Miss Wan Wan, hinaharangan kita para sa kapakanan mo. May pribadong gawain si Master sa loob... hindi ba't ginawa mo akong espiya mo noon… at gusto mong sabihan kita kalag nakaharap ka sa ganitong sitwasyon?"

Nag-iba ang mga mata ni Ye Wan Wan nang matandaan niya ang nangyari noon.

Natandaan niya na may isang pagkakataon na umuwi siya galing eskwelahan, noong nabuhay ulit siya, at hindi niya sinasadyang makita ang pag-torture ni Si Ye Han sa isang tao at muntikan niya pang galitin si Si Ye Han.

Pagkatapos noon, sinabihan niya si Xu Yi na sabihan siya kapag nangyari ulit iyon sa hinaharap upang maiwasan niya ang makakita ng sitwasyon na hindi kaaya-aya.

Kaya pala naamoy niya ang dugo. Hindi pala imahinasyon iyon...

Ngumuso si Ye Wan Wan. "Sige pala, pupunta na lang ako sa garden upang tingnan ang mga halaman ko. Sabihin mo sa akin kapag tapos na siya."

Kumalma si Xu Yi nang marinig niya iyon. "Sige, sige!"

Pagkatapos ay tumungo si Ye Wan Wan sa garden.

Hindi naisip ni Ye Wan Wan ang sinabi ni Xu Yi. Paano nga naman mapapanatili ni Si Ye Han ang isang malaking clan ng Si family kung hindi siya gumagamit ng ilang mga methods ng pagmamalupit?

Masyado naman na siyang nagpapadomina kung pipilitin niyang magkunwaring anghel at hindi pa nakakahawak ng dugo si Si Ye Han... 

Ang katotohanan niyan, alam niya noon pa man na nagpipigil at maingat sa kanya si Si Ye Han, ayaw nitong makita ni Ye Wan Wan ang mga madugong eksena sa buhay niya.

Hindi lang sigurado si Ye Wan Wan kung bakit nagto-torture si Si Ye Han ngayong gabi...

Nagutom si Ye Wan Wan habang naglalakad siya sa garden at hinihintay na matapos si Si Ye Han, kaya bigla siyang pumitas ng prutas.

Tingnan mo, hindi ba't maganda na magtanim ng gulay at prutas? Marami siyang pwedeng makain habang naglalakad siya.

Nakita niya ang manukan sa paglalakad niya kaya binuksan niya ang flashlight upang makita sila ng maigi.

Ang orihinal na maliliit na sisiw ay naging mga inahin at tandang na.

Ang bawat isang manok ay matataba at makikinis ang balat. Makikita ang maingat na pag-aalaga sa kanila.

Masayang nilapitan ni Ye Wan Wan ang nest para suriin ito. May nahukay siya na puting itlog.

Masaya niyang inaabala ang sarili niya sa garden nang bigla siyang nakarinig ng mga hakbang sa likuran niya.

Mabilis siyang tumingin pa-talikod at nakita niya si Si Ye Han na papalapit sa kanya habang ito ay may hawak na jacket sa kanyang kamay.

Mabilis siyang lumapit sa lalaki. "Tapos ka na?"

"Oo." Binalot ni Si Ye Han ang jacket sa likod ni Ys Wan Wan. "Pumasok tayo, malamig dito."

Bumulong si Ye Wan Wan, "Bakit ang tagal mong matapos? May tinatago ka bang babae sa loob nang hindi ko alam?"

Tiningnan siya ni Si Ye Han. "Hindi ko titingnan ang isang babae kahit gaano pa siya ka-ganda. At tsaka, wala nang mas gaganda pa sayo."

LBiglang nabilaukan si Ye Wan Wan. "*Cough cough cough*... Narinig mo yung sinabi ko kanina?"

Yung totoo… bakit ang talas ng pandinig niya...

"Sinasabi ko ang totoo!" Ngumuso si Ye Wan Wan.

Sa ilalim ng dilaw na buwan, makikita ang banayad na mukha ni Si Ye Han habang hinahaplos niya ang ulo ni Ye Wan Wan gamit ang maninipis niyang mga daliri. "Oo."

avataravatar
Next chapter