353 Wala kang pakialam

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw…" napahiya si Ye Mu Fan.

"Oo na, oo na, hindi madali na nagkasama-sama ang pamilya natin ngayon kaya pwede bang tumigil na kayo sa ka-kaaway!" sinubukan ni Liang Wan Jun na mamagitan sa dalawa niyang anak nang makita niya silang nag-aaway muli.

Pinigilan ni Ye Mu Fan ang galit na namumuo sa kanyang puso at nanahimik na lang habang walang sawa na umiinom ng wine.

Halos patapos ang ang salu-salo sa mga oras na iyon.

Kinuha ni Ye Yiyi ang mikropono para aliwin ang mga bisita at nagbigay rin siya ng mga mabuting kahilingan sa matanda ngayong kaarawan nito. Hindi siya nagpigil sa kagandahan loob niya habang pinapakita ang kadakilaan ng kanyang bawat galaw.

Ang asawa naman ni Ye Hong Wei na si Ye Shao An at ang nanay niya ay hindi nakaabot sa kanyang kaarawan dahil sa snow, ang engrandeng salu-salo na ito ay inayos ni Ye Yiyi ng mag-isa simula nung una hanggang huli. Lahat ay malinis at maayos kaya malaki ang pasasalamat sa kanya ng mga importanteng bisita.

Puno ng papuri sa kanya ang lahat ng bisitang nakatingin kay Ye Yiyi. "Karapat-dapat lang na siya ang paboritong apo ng mga matatanda ng buong Ye family--taglay niya ang kilos ng namumuno sa bahay; kayamanan siya kung sino man ang magiging asawa niya!"

"Wag mo nang isipin yon, nakuha na siya ng Gu family! Hindi mo ba nakita na buong gabi na hindi mapag-biyak ang dalawang iyon?"

"Tamang-tama na mag-irog silang dalawa; pares na sila na galing sa kalangitan!"

"Nag-aalala lang ako na baka guluhin si Gu Yue Ze ng isa diyan…"

...

Pagkarinig nila nito, lahat ng bisita ay napalingon sa isang pamilyar na tao na nakaupo sa isang gilid.

"Kung ibabase lang sa itsura, mas angat si Ye Wan Wan kay Ye Yiyi!"

"At saka, nakapasok siya sa Imperial Media University na may matataas na puntos at kaibigan niya pa si Old Mei…'

Alam naman ng lahat na ibang paraan lang ng pagsabi na mas maganda ang "mas angat"-- hindi exaherasyon na ang itsura ni Ye Wan Wan ay ikinagulat ng lahat, gayundin ang ibat-ibang pagpapabida na nangyari ngayong araw.

Gayunpaman, alam ng lahat na kahit gaano kaganda at kagaling si Ye Wan Wan, ano namang halaga ng mga iyon?

Dahil sa sitwasyon ni Ye Shao Ting ngayon, hindi pa rin maikukumpara si Ye Wan Wan kay Ye Yiyi. Kahit pa kuligligin niya si Gu Yue Ze, nasa magkabaliktad na mundo pa rin silang dalawa.

Nalungkot ang lahat nang malaman nila ito. Pagkatapos ni Ye Yiyi magsalita sa entablado, biglang naglakad sa harap ng entablado si Gu Yue Ze.

Tiningnan si Ye Yiyi ang lalaki ng may pangangamba.

Hinawakan ni Gu Yue Ze ang kamay ni Ye Yiyi. Lumambot ang kanyang mga mata habang malumanay siyang nagsalita, "Yiyi, alam ko ang nararamdaman ng pinsan mo sa akin pero tanggapin mo ito habang nagmamakaawa ako; isipin mo ikaw at ako! Gusto kong malaman mo at ng buong mundo na… ikaw ay para sa akin lamang…"

Pinakinggan ni Ye Yiyi ang sinabi ni Gu Yue Ze at tila lumambot ang puso niya. Sa huli, tumango siya kay Gu Yue Ze.

Nakita ng lahat nang biglang nagmadali papunta sa entablado si Gu Yue Ze. Napunta ang mga mata nila sa lalaki na para bang naghihintay sila ng magandang tsismis, hindi nila alam ang ipinaplanong gawin ni Gu Yue Ze.

Si Ye Wan Wan lang, na nakaupo sa gilid, ang nakakaalam hindi lang iaanunsyo ni Gu Yue Ze ang annulement nila, gayundin ang engagement nito kay Ye Yiyi ay ipapaalam niya sa publiko--nawarak ang pag-asa ng pamilya ni Ye Wan Wan.

Sa una niyang buhay, nagbunganga si Ye Wan Wan dahil sa insidenteng ito kaya lalong napahiya ang kanyang mga magulang.

Sa buhay niya ngayon… parang bumabalik ang nangyari noon...

"Pasensya na sa inyong lahat, hihiramin ko lang ang kaunting oras ninyo!" Kinuha ni Gu Yue Ze ang mikropono at biglang nagsalita.

Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa matangkad at gwapong lalaki sa entablado, hinihintay nilang magpatuloy itong magsalita.

Umangat ang ulo ni Ye Wan Wan, ininom niya ay natitirang tsaa sa kanyang tasa at bigla siyang tumayo.

Nakita ni Ye Mu Fan na tumayo si Ye Wan Wan, nabigla siya kaya hinablot niya ang kamay ng kanyang kapatid. "Anong gagawin mo Ye Wan Wan?"

Kumulot ang mapupulang labi ni Ye Wan Wan at kalmado niyang tinanggal ang kamay niya sa paghablot ni Ye Mu Fan. "Wala kang pakialam."

avataravatar
Next chapter