873 Wala kang kwenta

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matagal ng nagmamasdan mula sa gilid si Si Xia at naisip na malinaw na nakita ni Ye Wan Wan mismo ang mga bagay, pero hindi niya inasahan na mananatili ito sa maling landas.

Madiin siyang binalaan ni Si Xia, "Huwag muna nating pag-usapan ang mga tauhan ni Qin Ruo Xi; pinilay mo ang binti ni Si Yi Jie, kaya paniguradong gusto ni Si Ming Li ang buhay mo! Kailangan mong umalis bago pa sumapit ang araw bukas. Kung hindi, hindi ka na makakaalis kahit na gugustuhin mo pa!"

Sinulyapan ni Ye Wan Wan ang mga bagay sa mesa.Ilang araw ang paghahanda ng mga ganitong bagay, pero talagang pinadala ito ni SI Xia sa sandaling may nangyari kay Si Ye Han.

Ibig sabihin nito matagal na siyang handa para dito...

Walang naniwala sa tulad niya, ang walang alam sa medisina, na makapagpapagaling kay Si Ye Han - pinanghawakan ni Si Ming Li at Feng Yi Ping ang paniniwalang iyon, pati na din si Si Xia.

"Salamat, pamangkin. Hindi ko inakala na mabait ka…" saglit na ngumiti si Ye Wan Wan at mabilis din itong napalitan ng pagkawalang bahala sa kanyang itsura. "Pero hindi na ito kailangan."

Mabilis na tumayo si Si Xia. "Ye Wan Wan! Tanga ka ba?!"

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Huwag kang magalit. Hindi ka gwapo kapag galit ka."

Nang marinig ang pamilyar na tono… nablangko si Si Xia...

Nagalit si Si Xia sa pagkawalang bahala nito at tila ba ang tono niya ay pinapakalma ang isang bata. "Kahit na burahin ng lalaking iyon ang pamumuhay mo, gusto niyang ikulong ka at manatili sa tabi niya - tingin mo ba mahal ka talaga niya?! Mamamatay ka sa katangahan mo balang araw!"

Tumawa si Ye Wan Wan. "Ay, tingin ko sa halip ay mabubugbog ako sa kamatayan? Ang mga masuway na gawain ay mapupunta sa mapapait na resulta…"

Pero anong ibig niyang sabihin sa pagbura ng pamumuhay ko?

"Ikaw…" hinampas ni SI Xia ang lamesa.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Bigla na lang tumayo si Si Xia at sumulong kay Ye Wan Wan na kasing bilis ng kidlat, inaatake siya...

Kahit na nagagambala si Ye Wan Wan, likas na tumugon ang kanyang katawan at umiwas sa atake ni Si Xia.

Kung natamaan siya ng tira nito ngayon lang, baka na nakatulog na siya...

HIndi malinaw ang lahat - balak ba ni Si Xia patulugin siya at pwersahang kunin siya?

Bago pa magkaroon ng reaksyon si Ye Wan Wan, patuloy na umatake si Si Xia. Maya-maya, nagsalitan ang dalawa ng mga atake at nagulat si Ye Wan Wan - hindi niya inasahan na magaling si Si Xia...

Sa huli, hinihingal ang dalawa...

Inayos ni Si Xia ang kanyang kwelyo. Madilim niyang tinignan si Ye Wan Wan at nangutya, "Ha, isang daan na atake! Hindi mo ako matamaan matapos ang isang daang atae - wala kang kwenta!"

Pwersahang binigay ni Si Xia ang mga gamit sa lamesa patungo sa kanyang kamay at umalis, "Pag-isipan mong mabuti!"

Tinignan ni Ye Wan Wan ang mga gamit sa kanyang kamay at tinignan ang galit na umaalis na si Si Xia. Lubos siyang naguguluhan.

Masydong magaling si Si Xia at para makatanggap ng 100 atake mula sa dito, hindi ba parang makapangyarihan na siya...

Halos lahat ng gwardya sa Dark Team mga Si ay nagulat sa kayang gawin ni Ye Wan Wan, pero sinabi pa din ni Si Xia na wala siyang kwenta?

Ano ba ang katwiran ng batang iyon?

Sa lalim ng gabi, bumali si Ye Wan Wan sa Jin garden.

Walang anumang tunog ang mayroon sa malaking hardin; para bang patay ito.

Pumasok si Ye Wan Wan sa kwarto ni Si Ye Han at naghanda ng mga damit na pagpapalitan niya. At kinuha niya ang mga gamit na hinanda ni Si Xia para sa kanya at umupo sa balkonahe.

Hinanda ni Si Xia ang lahat ng kailangan niya - bagong pagkatao, bagong bahay at may susundo pa sa kanya kapag nakarating siya...

Kung aalis talaga siya, panibagong simula ito.

Kung bago ito sa kanyang pagkabuhay muli, paniguradong labis siyang masisiyahan sa magandang oportunidad para sa kanyang kalayaan.

Pero ngayon, dito, hindi na siya nag-iisa; may madami siyang koneksyon, pamilya, kaibigan at...

Sa huli, isang apoy mula sa lighter ang sumindi at nagliyab ang mga gamit sa gabi, na nagiging abo...

avataravatar
Next chapter