799 Wala ka ba talagang hiya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tinignan ni Liang Mei Xuan ang nabigong itsura ni Ye Nu Fan at bumalik ang kasiyahan niya. "Ay, ang galing talagang Yiyi-jie ko. Sinasabi ng lahat na edukado siya at balanse at may purong puso at espiritu; maski ang magulang ni Yue Ze ay laging sinasabi na matalino siya at mahusay. Madaming mga kaibigan at kamag-anak ng mga Gu ang nagtatanong kung mayroong nakakatanda o nakakabatang kapatid si Ye Yiyi at naisip ko naman agad si Ye Wan Wan; gusto ko magreto pero natatakot ako na…"

Pinupuri ni Liang Mei Xuan si Ye Yiyi habang binanggit ang mga Gu. Direkta niyang binabatikos si Ye Wan Wan sa puso at nagpanggap pa na nag-aalinlangan itong magsalita. Ang ibig niyang sabihin ay may pinsan si Ye Yiyi pero hindi niya ito mapakilala dahilan sa baka mapabagsak niya ang reputasyon ng pamilya.

"Liang Mei Xuan, anong ibig mong sabihin diyan?! May sinusubukan ka bang patamaan! 'Wag mong kalimutan kung sino dapat ang ipapakasal sa umpisa! Ninakaw mo ang dapat na kay Ye Wan Wan, pero ang yabang mo pa din - wala ka ba talagang hiya?!" pinigilan ni Ye Mu Fan ang sarili kanina at walang sinabi pero sa puntong ito, naabot niya na ang kanyang limitasyon.

Sumulyap si Ye Wan Wan kay Ye Mu Fan.

Kung siya ang Ye Wan Wan sa nakaraan niyang buhay, mas malaki pa ang reaksyon niya dito kaysa kay Ye Mu Fan.

Sa nakaraan niyang buhay, naghihinakit siya kay Ye Yiyi sa pagpanggap lagi na mabait, elegante, mataas at malakas, at lagi nitong tatapakan ang pamilya niya sa tuwing may tsansa sila.

Sa pag-isip pa lang tungkol sa pagnakaw ni Ye Yiyi sa kanyang fiance, sa tuwing ibubuka pa lang ni Ye Yiyi ang kanyang bibig para magsalita, sapat na ito kay Ye Wan Wan para mawalan ng konrol. At saka, andyan din si Liang Mei Xuan na lagi nagpapalaki ng apoy sa gilid.

Sa tuwing babalik sila sa dating bahay, lagi siyang gagawa ng gulo.

Pati ang dalawang matanda na hindi gusto ang kanyang nanay, apo pa din nila si Ye Wan Wan. Pinalayas lang nila ito dahil sa madaming beses sa pagpapahiya sa pamilya at nagpupumilit na putulin ang lahat ng koneksyon sa mga Ye. Nawalan na ng pasensya ang dalawang matanda sa kanya, kaya siya narito sa lagay na ito ngayon...

At ang kasalukuyang Ye Wan Wan ngayon ay hindi gagawa ng ganito kahangal.

Nang marinig ang tanong ni Ye Mu Fan, mukhang nagulat si Liang Mei Xuan. "Mu Fan, anong sinasabi mo dyan? Gusto ko lang naman may ireto para kay Ye Wan Wan pero natatakot ako na baka isipin ni Ye Wan Wan na masyado akong nangingielam at magalit siya - paano 'yon pagpapatama, huh?"

"Pero kailangan KITANG tanungin sa anong ibig sabihin MO sa sinabi mo - ninakaw ang pagmamay-ari ni Wan Wan? Nakipaghiwalay na si Yue Ze kay Wan Wan bago pa maging sila ng Yiyi namin. Lantaran at malinis itong nangyari, nagmamahalan ang dalawa - hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan."

"Alam ng lahat kung paano si Ye Wan Wan noon. Tignan mo ang konsensiya mo at tanungin mo kung ikaw 'yon, sino ang pipiliin mo? Sa mga relasyon, hindi mo pwedeng ipagpilitan ang mga bagay-bagay."

Tsk, lantaran at malinis, nagmamahalan ang dalawa, huh?

Binitag niya ako at pinagbantaan ang papa ko at sa huli, inakit si Gu Yue Ze, dahan-dahang sinisira ang pamilya namin...

Habang nagsasalita si Liang Mei Xuan, kalmado niyang inobserbahan ang mga reaksyon ni Ye Wan Wan at Ye Mu Fan.

Hindi siya natatakot na gumawa ng gulo ang dalawa, mag maganda kung gagawa sila ng malaking gulo - nakakatuwa iyon.

Kamakailang lang, napansin niya na nag-uumpisa ngn lumambot ang dalawang matanda at sumakit ang kanyang ulo...

Sa sobrang galit ni Ye Mu Fan, halos sumulong na siya kay Liang Mei Xuan. "IKAW…"

Sa sandaling ito, si Ye Wan Wan, na hindi pa nagsasalita, ay kaswal na hinila pabalik si Ye Mu Fan saka ngumiti at lumapit sa dalawang matanda, Liang Mei Xuan at kay Ye Yiyi. Sinabi niya na may malinaw na mga mata, "Ge, hindi mo naintindihan si tita. Paano naman iyon ang ibig niyang sabihin? Talagang gusto ni tita si Yue Ze-ge noon, at ngayon na kinakasama niya si Yiyi, natutuwa lang si tita, kaya may sinabi lang siyang mga bagay kung gaano nagugustuhan ng mga Gu si Yiyi."

avataravatar
Next chapter